Matapos ang pangyayari sa labas ng gate, ay nagsipagbalik silang lahat sa meeting/war room para ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa. Muling pinagaralan ni Andy ang mga papeles na nasa mesa, naghahanap ng bagong clue, o kung may na-miss siya. Sa paligid, the usual, busy ang iba. Tumakbo ang oras. At nang dumapo ang 11:40 PM sa wall clock, ay sumandal si Andy sa kanyang upuan at napapikit sa pagod.
At siya'y nanaginip.
At ang kanyang panaginip ay mula sa lumipas. Taong 1978. Sa tahanan niya sa Callejon. Isang simpleng bahay. Simentong pader na hindi pinturado. Kahoy na furnitures na makintab ang pagkaka-barnis. Sala set na may plastic pa.
Sa kanyang panaginip, si Andy ay 17 years old pa lamang at tinutulungan ang kanyang ina na ang edad ay 47, sa paghahain sa hapag-kainan.
"Tawagin mo na'ng tatay mo," utos ng ina ni Andy.
Naglakad si Andy at binuksan ang likod pintuan na papuntang bakuran at sumilip. Ang likod bakuran ay nakaharap sa malawak na palayan. Madilim ang tanawin, tahimik, maliban sa kuliglig. Aninag ang palayan sa tama ng sinag ng buwan, ang hugis ng mga bundok sa malayo.
"Tay?" tawag ni Andy.
Sa kalayuan, ay kita niya ang hugis ng nakatayo na matangkad na lalaki. Inulit ni Andy ang pagtawag nguni't hindi siya nakatanggap ng kasagutan kung kaya't lumabas siya ng bahay tungo sa kinaroroonan ng kanyang ama.
Doon, tanaw ang mabituin na kalawakan. Sa kanang bahagi ay puno ng mangga. Makalampas ng puno lamang nakatayo ang ama ni Andy na edad 48 sa panaginip niyang ito. Suot ay checkered polo at maong. Nakatalikod sa kanya, nakatingala ito sa nightsky.
"'Tay..."
Hindi siya sinagot.
"'Tay, kakain na daw."
Diretso ang tayo ng kanyang ama. Parang poste. Nakatutok sa kalangitan.
"Nakahain na, 'Tay."
Nang hindi pa rin siya sinagot ay hinawakan ni Andy sa balikat ang ama, pero, hindi pa rin ito natinag. At napansin ni Andy na tila nagsasalita ang kanyang ama. Bukas-sara ang bibig nito bagama't wala naman siyang maintindihang mga kataga. Parang may kausap ang kanyang ama, sa salitang hindi siya pamilyar, parang may kausap sa kalangitan. Parang may kinakausap sa mga bituin.
Nagulat si Andy nang sumigaw ang kanyang ina mula sa pintuan ng bahay, at siya'y napalingon.
"Andy! Tinawag mo na ba'ng tatay mo?!"
"Opo, nandito ako..."
Nang bumalik ng tingin si Andy sa ama ay laking gulat niya nang nakaharap na ito sa kanya.
"Halika, kain na tayo," sabi nito na napaka-normal.
May kuryosong tangong ibinalik si Andy.
"O-Opo."
Naglakad sila pabalik ng bahay. May pagtataka sa mukha ni Andy at hinayaan niyang maunang pumasok ang kanyang ama, bago lumingon pabalik sa tanawin ng bukid, ng kalangitan. At sa isip ng binatang Andy, anong hiwaga ito? Sa ama. Sa langit. Sa mga bituin.
At siya'y nagising.
"Andy...Andy..."
Boses ni Colonel Laxamana.
Nang dumilat si Andy ay nasa harapan niya ang opisyal, at siya'y humusto ng upo.
"Anong oras na?" tanong ni Andy habang pinapahid ang mga mata.
"Ala-una na, pare."
1 AM sa wall clock. Sa paligid, kakaunti na lamang ang mga tao sa loob ng kuwarto. Nagsipagtulugan na ang karamihan, maliban sa iilan na tila inaantay pa ang pag-alis ni colonel, sakaling may huling bilin ito, si Corporal Diazon na laging alisto ay inaayos ang mga papel na nagkalat sa mesa. Tumayo si Andy at nag-unat. Nagsimulang maglakad palabas ng kuwarto si Colonel Laxamana.
"Let's go, Andy. Ready na lahat."
#
Sinadya nilang pasado ilang minuto lamang ng ala-una pumunta ng simbahan upang abutan nila ang sinasabing 2AM na window time, kung saan, sa kanilang pag-aanalisa, ay nangyari ang karamihan ng mga kababalaghan, partikular ang pagkawala ng mga mamamayan ng Callejon. At ayon sa sinabi ni Jang-Mi, kasama ang umano'y mga taong nagtago sa simbahan.
Pumarada ang SUV sa tapat ng simbahan at nagbabaan sila. Sina Andy, Jang-Mi, Colonel Laxamana, Lt. Esguerra, at dalawa pang sundalo.
"Bantay kayo dito," utos ng colonel sa dalawang sundalo.
"Yes, sir."
Balot ng kadiliman ang loob ng simbahan kaya't sinindihan nila ang mga kandila sa votive candle holders. Nagdilaw sa liwanag ang loob at kumalat ang mahahaba nilang mga anino sa sahig at mga poste. At sa kanilang tahimik na mga palagay, ang lugar ay nagkaroon ng eerie na pakiramdam.
"So, what now?" tanong ni Colonel Laxamana, may mahinang echo ang ginawa ng kanyang boses.
Naglakad si Jang-Mi sa harap ng altar, sa baba ng steps, kung saan may maluwag na espasyo.
"We need to form circle," sabi ng pyshic.
Nagsindi muna siya ng apat na mga kandila sa tile na sahig, pagkatapos ay sinenyasan ang mga kasama na pumalibot dito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Lt. Esguerra sa kanyang kanan at ni Colonel Laxamana sa kabila. Medyo nailang ang dalawang sundalo. Malamig ang kamay ng Koreana. Nagkapit ng mga kamay ang tatlo, maliban kay Andy.
"Andy, hold hands. We need to form circle," hikayat sa kanya ni Jang-Mi.
Sa mukha ni Andy ang pagaalinlangan at pagtutol.
"Pare..." siryosong tono ng boses mula sa colonel na ibig sabihin ay kailangan talaga nilang gawin ito.
At bagama't napipilitan, ay hinawakan ni Andy ang kamay ng colonel at ng tinyente. May pakiramdam ng pagkailang. Mga sundalong magka-holding hands lang. Nag-form sila ng circle, ang apat na kandila sa gitna nila. Pumikit si Jang-Mi at nagsalita.
"" sabi ni Jang-Mi sa wikang Korean.
Walang nangyari.
""
Wala pa rin.
"Baka hindi nakaka-intindi ng Koreano ang mga espirito," biro ni Andy sa dalawang sundalo na nagkatinginan din sa isa't-isa. Nakaramdam sila ng konting pagdududa sa kanilang ginagawa.
"" mas malakas na sabi ni Jang-Mi.
Napailing si Andy.
"Kalokohan ito, mabuti pa—"
Nahinto siya at nagulat nang biglang isa-isang namatay ang mga kandila sa votive candle holders. Nagulat din ang iba. Nagdilim sa paligid nila at ang natirang liwanag ay ang apat na mga kandilang kanilang pinalililigiran. Si Jang-Mi ay nakapikit pa rin, at patuloy sa kanyang pagko-concentrate.
"" malakas niyang sabi.
At sa huling hudyat ay dumilat si Jang-Mi at kanyang nakita ang hindi nakikita ng iba: Mula sa madilim na bahagi ng simbahan, lumitaw ang mga espiritu. Mga multo na mga lalaki. May edarang mga lalaki. Pumalibot ang mga ito sa kanila. Isa...dalawa...apat...anim...sampu. Napangiwi si Jang-Mi nang napuno ang tenga niya ng mga ingay. Salita? Hindi niya naiintindihan. Ang salita ay electronic. Parang static. Kinakausap siya ng mga multo. Kinakausap siya sa utak. Telepathy. Palakas nang palakas ang mga electronic na boses sa utak ni Jang-Mi. Sabay-sabay. Masakit. Parang mabibiyak ang ulo niya.
"Jang-Mi? Are you okay?" tanong ni Colonel Laxamana. Nakatingin ang tatlo sa psychic na may pagtataka.
"" sigaw ni Jang-Mi.
Nakaramdam ng takot ang tatlong lalaki sa inaasal ng psychic. Si Jang-Mi'y lumilingon sa paligid nila na tila may kinakausap na hindi nila nakikita. Sabay-sabay silang nagulat nang namatay ang apat na kandila sa sahig at pinalibutan sila ng dilim.
"" sigaw pa ni Jang-Mi.
Nagsimulang manginig si Jang-Mi na parang epileptic. Nawala ang itim ng kanyang mga mata. Nagkatinginan sina Andy, colonel at tinyente. Ramdam nilang nanginginig ang psychic. Hindi sila sure kung bibitaw. Walang makapag-desisyon. Hanggang sa:
"Putangina," sabi ni Andy at siya'y bumitaw.
Bumitaw na rin ang iba at napaluhod si Jang-Mi. Bumalik ang itim ng kanyang mga mata at siya'y namumutla, at hinihingal sa takot.
"Gwishin! Gong-Gani Oegyein!"
Paulit-ulit itong sinabi ng psychic.
"GWISHIN! GONG-GANI OEGYEIN!"
Hinawakan siya ni Colonel sa magkabilang braso.
"Jang-Mi! Calm down! CALM DOWN!"
Napalingon sila nang makita ang ilaw ng mga flashlights. Dumating ang dalawang sundalo galing sa labas.
"Sir!"
"Kumuha kayo ng tubig! Double time!" utos ni Lieutenant Esguerra.
Nagmamadaling lumabas ang isang sundalo habang lumapit ang isa dala ang flashlight. Tinulungan nila si Jang-Mi na maupo sa pew. Sinindihan muli ni Lt. Esguerra ang mga kandila at muling nagliwanag sa loob ng simbahan.
"Are you okay?" tanong ni Andy kay Jang-Mi. Huminahon na ito.
"Y-yes..."
Bumalik ang inutusang sundalo at inabot ang bottled mineral water kay Lt. Esguerra, na siya namang ibinigay kay Jang-Mi. Uminom ang psychic at nakahinga na ng tama. Inantay ni Colonel Laxamana ang ilang sandali, bago ito nagtanong.
"Jang-Mi, what did you see?"
Bumuwelo ng sabi ang psychic.
"Spirits. People."
"Ghosts?" paninigurado ni Andy.
"Yes. Ghosts!" kumpirma ni Jang-Mi, bago sinabi, "Aliens!"
"Aliens?" nagtatakang tanong ng colonel.
"Yes. Aliens!" mabilis na tango ng psychic.
"And ghosts?" ulit ni Andy.
"Yes, yes. Ghosts."
Kumunot-noo ng colonel.
"Lintik! Ghosts or aliens? Jang-Mi, did you see ghosts or aliens?"
"Yes. Ghosts. Aliens."
Nagdikit-kilay ni Colonel Laxamana.
"Jang-Mi...." mabagal niyang sabi, "Is it ghosts...or is it aliens? One only, okay?"
Tumango ang Koreana.
"Yes, one. Ghosts and aliens. One."
"Jang-Mi, you are confusing us," iritableng sabi ng colonel. "Is it ghosts or—"
Nguni't, hininto siya ni Andy.
"Pareho," sabi ng private investigator.
Napatingin sa kanya ang dalawang opisyal.
"Ha?"
Yumuko si Andy kay Jang-Mi.
"Jang-Mi, ghosts and aliens. One."
"Yes. YES! ONE!"
At nahuli na rin ni Lt. Esguerra ang kinalilituhan nila.
"Iisa sila."
Nanlaki mata ni Colonel Laxamana.
"Ibig n'yong sabihin..."
Tinignan siya ni Andy ng diretso.
"Oo, Greg. Multo ng mga aliens."
NEXT CHAPTER: "Alien Blood"