Chapter 34 Hindi ko alam kong saan kami papunta ng lalaking to. Simula kasi nang umalis si Allym ay hindi na ito bumalik. Nakatanggap si Clark kanina ng isang mensahe mula sa kanya na masakit daw ang kanyang puson at may dalaw daw siya kaya ang ending, kami ang kumain sa nakahanda sa lamesa kanina. Matapos kaming kumain, niyaya niya akong maglakad lakad sa tabi ng dagat kung saan niya dinala kanina ang baklang dapat ay kadate niya. Ewan ko kung bakit pero kahit na gusto jo sanang tumanggi kanina sa alok niya eh napapayag niya ako. Hindi kaya may pagkademonyo itong lalaking to at nahipnotize ako? "Saan ba talaga tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Pero patuloy pa rin siya sa paglalakad. Wala akong magawa kundi ang sundin ang hinapuyak na lalaking to! "Alam mo ba, may isang ta

