Napatingin kaming lahat sa lalaking sumigaw. Huwag mong sabihing isang lalaki ang nakakuha ng puting puso para idate yung lalaking nasa harapan namin? "Maari bang pumunta na dito kung sino ka man nakakuha ng puting puso?" Anunsyo ng lalaki. Nakita naman namin yung sumigaw na may tinutulak na isang..bakla. Napangisi na lamang ako. Isa palang bakla ang nakakuha. Kitang kita namin na nahihiya ang bakla na maglakad kaya tinutulak siya ng kanyang mga kasama. "Nahihiya ako!" Sambit niya sa mga tumutulak sa kanya pero kitang kita naman ang napakalaki niyang ngiti sa mukha. Tsk! Kunwaring nahihiya pero ang totoo eh gustong gusto niya naman. "Pagkakataon mo na to girl! Makakakilala ka ng gwapong boylet at makakadate mo pa!" Sulsol naman ng kasama niyang babae. Napatingin ang bakla sa babae at

