Chapter 44 "Yun ang totoo,anak." Huling sambit ni mama sa akin matapos siyang makapagkwento. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni mama. Hindi ko akalain na isa akong sirena noong araw! Kaya ba gusto ko yung mga halik noon ni Clark sa akin dahil noon ay lalaki rin ang gusto ko? Ayun sa kwento ni mama, simula pa noong Grade 6 ako, umamin ako sa kanila kung ano ang kasarian ko. Hindi naman daw sila tumutol sa kung ano ako noon dahil ayun sa kanila ay nagkaroon na sila ng prinsesa dahil sa akin. Ayun din sa kanilang kwento, yung kaibigan kong si Karldrick na namatay ang siyang First Love ko. Habang kinukwento ni mama sa akin kanina yan, napapangiwi ako dahil hindi matanggap ng sikmura kong nagkagusto ako sa isang lalaki. "Alam kong dahil sa aksidente ay nawala ang memorya ko, ma pero

