Chapter 45 Matapos akong makaligo, hinintay ko si Clark sa may pintuan ng aming Locker Room. Ang akala ko ay hindi siya papayag na makipag-usap sa akin pero nagkamali ako. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit ganun yung mga sinabi niya kanina. Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako o ano pero para akong kandila kanina na natutunaw habang naririnig ko yung mga sinabi niya. "Saan tayo?" Nagulat ako nang may magsalita mula sa aking tabi. Napatingin ako sa lalaki. Seryoso ang kanyang mukha. Napapalunok ako habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ganyang mukha ang kilala kong Clark. Naninibago ako at parang nakakaramdam din ako ng takot. "Sa may Lagoon na lang tayo." Sagot ko sa kanya. Nang sabihin ko ang lugar kung saan kami mag-uusap, bigla na lang siyang timalikod at nagl

