Chapter 46 ................... Nang makapasok ako sa aming bahay, nadatnan ko si Clark at papa na nakaupo at nag-uusap. Kitang kita ko ang reaksyon ni Clark habang nag-uusap sila ni papa. Hindi siya makatingin ng deretsyo sa kanya at para bang kinakabahan siya. "Sabihin mo na,anak kung ikaw ba ang boyfriend ng anak ko." Pangungulit ni papa kay Clark. Ano ba talaga ang problema nila at pinapipilitan nila na Boyfriend ko si Clark!? "Hindi po. Kaibigan lang po ako ng anak niyo pero kung mararapatin niyo po ay pwede bang ligawan ko ang anak niyo?" Sagot naman ni Clark kay papa na siyang kinagulat ko! "Aba,ok lang sa akin yun anak para magtigil na rin yang ginagawa ni Flue na hindi maganda." Sagot naman ni papa. Yung totoo? Hindi ba kinikilabutan sina mama at papa na magkakaroon ako ng

