Hindi talaga ako nanonood ng sports, pero dahil sa pabigla-bigla kong panunubok sa isang tao, ako ang nasubok. Panay ang hiyaw ng anak ko sa bawat pasok ng bola sa ring habang ako naman ay panay ang dasal na sana'y matalo ang grupo nila CJ. Kasalanan bang humiling nang pagkatalo kung gusto ko lang namang iligtas ang sarili ko mula sa kasunduang ako rin ang may kagagawan? Sunod-sunod na napabuntonghininga ako dahil sa nakikitang pagkatalo ng koponan nila George. "Ang mukhang biik na iyon, ang lakas ng loob manghamon, wala naman palang binatbat!" inis kong bulong sa isipan. "I love you, George!" Napangiwi ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Linda na patay na patay kay George. "Susme! Bagay sila!" natitilihang hiyaw ko sa isipan. Paglingon ko sa gawi ni George ay ngiting-ngiti an

