Ilang hakbang na lamang ako palapit sa pintuan ng aming tahanan nang marinig ko ang malakas na halakhak ni Jordan. "Sino naman kaya ang kalaro ng batang 'yon?" tanong ko sa isipan. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa tuluyan akong makarating sa tapat ng pinto. "Mommy!" masayang salubong sa akin ni Jordan pagbukas ko ng pintuan. Matamis na ngiti ang isinalubong ko sa anak sabay yakap sa kaniya nang mahigpit. Pakiramdam ko'y tuluyang nawala ang pagod na nadama ko dulot ng maraming trabaho na aking ginawa sa opisina. "May pasalubong ako sa iyo." Itinaas ko sa harapan ni Jordan ang isang balot ng kendi na binili ko sa may tindahan sa kanto. "Kendi!" masayang bulalas ni Jordan saka naglululundag payakap sa aking leeg. "Iyan ba ang madalas mong pasalubong sa kaniya?" napaigtad ako

