KUNOT-NOONG napatingin si Rainan kay Mark na tila nagmamadaling lumapit sa kaniya. Nakaupo siya sa swivel chair habang kaharap ang nakabukas niyang laptop. “We need to talk, bro!” tensiyonadong wika ni Mark pagkalapit nito. “What’s the matter?” Iniwas niya ang tingin at tumutok sa computer. “Nanggaling dito si Izaria kahapon. Ikaw ang sadya niya pero hinarang siya ng kapatid at girlfriend mo. Hindi mo pa ba alam ang isyu?” Kumusot ang mga kilay ni Mark. “Mark, I have no time for any issues around me. Busy ako, hindi mo ba nakikita?” Hindi naging kaaya-aya sa pandinig ni Mark ang sinabi niya. Seryuso ito at halos guluhin na siya sa ginagawa niya. “Hindi mo puwedeng balewalain ito, bro. Hindi ka pa rin ba aware sa mga kumakalat na balita na nasisira na ang reputasyon ni Izaria dahil sa

