KASAMA ni Izaria ang tatlong kaibigan niya. Si Ivan na ang nagmaneho ng van niya habang nasa likod silang tatlo. Nagitnaan siya nina Virna at Shelly. Pupunta sila sa Quezon City kung saan naroon ang kompanya ni Rainan. Ibinigay ni Mark kay Virna ang business address at iyon ang pupuntahan nila. Hindi na sumagot si Mark kung available na si Rainan para makausap ni Izaria. Madilim na sa daan. Umaasa siya na maabutan niya ito. “Bakit kailangang gabi pa natin puntahan? Mas pormal yata kung sa araw, tama ba?” curious na tanong ni Shelly. “Maghapon daw kasing busy sa trabaho. May board meeting pa raw kanina. Malamang gagabihin. Iyon naman ang sabi ni Mark. Isa pa ang mokong na iyon, hindi man lang nag-reply kung magpapakita ang anino ni Rainan,” usal ni Virna, humalukipkip ito. Bumuntong-hi

