ALAS-DIYES na ng umaga nang magising si Izaria. Bumawi pa kasi siya ng tulog mula sa mahabang biyahe nila ni Virna. Na-miss niya ang maluwang na silid niya. Nasa guest room naman si Virna. Hindi naging maganda ang gising niya dahil sa kakaibang pahiwatig ng sikmura niya. Dali-dali siyang tumungo sa banyo. Naduduwal kasi siya at bahagyang nahilo. Nararamdaman na niya ang morning sickness dahil sa pagbubuntis niya. Naninibago at nahihirapan siya pero kailangan niyang magpakatatag. Saka lang niya narinig ang pagkatok sa pinto nang makalabas siya ng banyo. Hindi na siya nagtaka kung sino ang nasa labas. Tinungo niya at binuksan ang pinto. “Good morning, besh!” kaagad na bungad ni Virna sa kaniya. Napansin nito ang matamlay na mukha niya. “Oh! Bakit parang namumutla ka? Masama ba ang pakiram

