KATATAPOS lang ng company meeting sa conference room ng RT company. Naiwan pa si Rainan sa loob habang unti-unting nagsilabasan ang mga kasama sa meeting. Alam niyang may papalapit sa kaniyang kinaroroonan habang nakaupo siya. Ini-off na niya ang laptop. “Hi babe!” tuwang sambit ni Cheska nang makalapit ito sa kaniya. Kaagad na namulupot ang mga braso nito sa sa leeg niya. Nasa likuran niya ito at kumintal ng halik sa ulo niya. “Akala ko nakauwi ka na? Hindi ba busy sa hotel mo?” tanong niya rito. “Hindi naman masyado. Thank you for giving your time to confirmed the package deal with Miss Riana. She was elated at hindi niya inaasahan na bayaran mo ng full ang contract. Excited na siyang i-set-up ang venue.” Tinutukoy ni Cheska ang organizer ng wedding reception nila. “That’s nice to h

