WALANG planong lumabas ng kuwarto si Izaria. Marami ang naipinta niyang malulungkot na senaryo. Nakailang katok na rin si Virna sa pinto niya nguni’t panay mamaya na ang sagot niya. Hindi rin niya binubuksan ang cellphone niya. Ilang oras lang din ang naitulog niya sa kaiisip niya sa nagyari sa mansiyon. Gusto man niyang kalimutan na lang si Rainan para hindi siya masaktan kapag nagkataon. Pero hindi niya maikakaila na hinahanap-hanap niya ang presesiya ng nobyo. Tinapunan niya ng tingin ang orasan sa ibabaw ng bedside table. Napagtanto niya na alas-sais pa lamang ng umaga. Inisip niya na kaya siguro kinakatok siya ni Virna ay dahil baka maaga itong pupunta sa trabaho. Nagmadali siyang lumabas ng kuwarto baka magtampo ang kaibigan. Hinanap niya ito sa sala nang makababa mula sa second f

