“SAANG farm daw ba tayo magpi-picnic?” tanong ni Izaria kay Rainan. Magkatabi sila sa harapan habang si Rainan ang nagmamaneho. Limang minuto na nilang binabaybay ang kalsada. “Sa kabilang bayan lang. Twenty minutes lang ang biyahe sa pinanggalingan natin. Lupain nila Mark iyon pero puro bukirin lang at may ilog din,” tugon nito sa kaniya. “Wow! Puro na lang yata lupain ang investment ng pamilya mo. Bakit naman iyon ang naisipan ninyo?” “Ang lupa kasi ay parang ginto. Habang tumatagal, tumataas ang value. Sipag at tiyaga lang ang puhunan.” “Hanga talaga ako sa mga masisipag na magsasakang tulad mo. Hindi kasi ako lumaki sa ganitong buhay at walang interes ang mga magulang ko na mamuhay dito sa bansa. Kung puwede na nga lang doon na rin ako tumira sa abroad.” “Papayag ka naman bang iw

