Manila Hotel
(Isabel’s birthday)
Ipinakita ni Allejo ang imbitasyon sa dalawang lalaki na nag-i-screen ng mga pumapasok sa bulwagan kung saan nagaganap ang kaarawan ng kapatid niya. Nagtinginan naman ang dalawa at sinabi kay Allejo na sasamahan silang dalawa sa mga boss ng mga ito na naghihintay. Sinenyasan ng mga ito ang dalawa pang kasama na papalit sa pwesto ng mga ito.
Mailap ang mga mata na nilibot niya ng tingin ang bulwagan pagpasok nila. Nakita niya si Izzy na nakaupo sa makeshift na entablado at nakangiting nakikipag-usap sa ilang bumabati rito at hindi sila napansin nito. Izzy kept on smiling. Napailing siya sa katotohanan na kahit ang kapatid niya ay halatang umaarte na rin sa sitwasyon nito. Alam nito ang plano ni Martha na pagbenta rito pero nakikingiti at nakikisama pa rin sa lahat. O baka naman nakangiti ito dahil alam na darating ang prinsipe na iniisip nito na tagapagligtas.
Hinanap niya sa paningin si Mirabella pero hindi niya ito makita, naningkit ang mata niyang isipin na siguradong kasabwat ito ng kapatid kaya wala sa bulwagan. Magaling din talaga itong umarte at muntik na siya nakaramdam ng awa para rito. Mukhang ngayong gabi ay lalabas na ang katotohanan at sisigurduhin niya na kapag nadukot na ito nina Stefano at Flavio ay doon na magsisimula ang pinakahihintay niyang paniningil kay Martha.
“Madam, nandito na po mga bisitang hinihintay niyo,” sabi ng lalaking naghatid sa kanila kung nasaan sina Martha at Basti. Tiningnan niya ang mga kasama ng dalawa, puro mga Pilipino at Chinese, at sigurado siya na kasosyo ng mga ito ang mga iyon sa sindikato.
“Mr. Serra… Mr. Pellegrini…” nakangiting salubong sa kanila ni Martha at iginya sila sa puwesto kung saan sila mauupo.
Naupo naman sila pareho sa harap nito at ni Basti. Tiningnan niya at tinantiya ang mga kasamahan nina Martha, ini-scan niya ang mga itsura ng mga ito at kailangan niya malaman kung sino ang kaugnayan ng mga ito sa underground at black market.
Maya-maya ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone niya sa pumasok na notification. He opened it at nakita niya na may mensahe sa kaniya si Julianna. Binasa niya ang mensahe at napangiti siya sa nalaman mula rito. Mukhang nasa kaniya na ang lahat ng alas. Ibinalik niya ang tingin kay Martha na ngayon ay kausap ni Allejo at sa nakikita niya ay natutuwa ito nang ipakita ni Allejo rito ang amount na hinihingi nito para sa wire transfer.
“I really like you, Mr. Serra. You are truly a man of your words,” nakangiting sabi pa ni Martha rito.
“Can I take Izzy with us now?” Allejo asked.
Tumango naman si Martha bilang tugon sa tanong nito. “But don’t you want to attend the auction after the party first before you leave?” nakangising sabi nito at tumingin pa kay Basti at sabay pa nagtawanan ang mga ito.
“Auction?” tanong na niya sa mga ito. Hindi na siya nakatiis na makinig lang at mag-obserba. Ang alam niya ay ang kapatid ang ipapa-auction pero malinaw na ang naging usapan kahapon na si Allejo na ang bibili para sa kalayaan nito.
“Yes, auction. We always do that and it happens that we are on a tight budget nowadays that we combine the auction with our dear Isabel’s birthday,” sabi ni Basti na sumabat na rin sa usapan.
“We are not interested,” wika niya na lamang para makaalis na sila. They can’t waste time, kapag nadukot na si Mirabella ay saka sila aalis at go signal lang mula kina Stefano at Flavio nag hinihintay niya. Si Izzy lang ang kailangan nila at kung pwede na itong isama ni Allejo ay mas maganda.
“We cannot find Mirabella, Rex!” boses ni Stefan ang narinig niya sa airpods at siguradong rinig rin iyon ni Allejo. Napatiim-bigang siya. Nasaan ang babaeng iyon at hindi makita.
Nagkatinginan sila ni Allejo at nagkakaunawaan na tumango. They need to stay longer kung hindi pa nakukuha ng mga tao niya si Mira. Kailangan makuha ng mga ito si Mira bago ang pag-alis nila sa party para hindi maiisip ng mga ito na sila ang kumuha kapag nalaman na nawawala ito.
“I think I am interested in the auction. Can we stay for a while, Rex?” nakatingin na umaarteng sabi ni Allejo. “If something interesting and valuable will be auctioned then I will bid for it for Izzy.”
“That’s good to know and I guarantee you that what we auctioned would really be loved by your Izzy,” nakangiting sabi ni Martha kay Allejo.
“I’m excited for that,” Allejo said with a mysterious smile on his lips.
“Are you married, Mr. Pellegrini?” Martha asked him at nakita niya ang pagnanasa nito para sa kaniya. Nakangiti ito ng mapang-akit at nang sulyapan niya si basti ay wala ito pakialam at busy makipagtawanan sa mga kasama ng mga ito.
“Nah, never been. But I am engaged with my fiancee in Italy chosen by my father,” sabi niya rito na totoo naman dahil ang usapan nila ng ama ay pag nakabalik na siya sa Italy ay pakakasalan niya si Julianna Agosti. Iyon din ang dahilan na kanina ay may natanggap siyang messaged mula sa babae na dahilan para matuwa siya.
“Oh… arranged marriage. That is sad if you are not in love with someone you marry,” mapanukso pa rin ang ngiti na sabi nito sa kaniya.
“Have you been in love?” he countered and asked Martha.
“Once. I fell in love once upon a time but he left me to be a nanny of his sister and making me pay for his debt,” malungkot na turan nito at nilibot ang tingin sa mga kasamang lalaki bago nagpatuloy, “I truly thank you, gentlemen… for helping me so much so I would not look destitute after all.”
Nagtawanan naman ang mga lalaking kasama nito. Mukhang ang pakiramdam ng mga ito ay nakakatawa sila ni Allejo at nauuto ni Martha without any realization sa kung ano ang plano nila sa gabing iyon. Kapag nakuha nila si Mira ay ipapatubos nila ito kay Martha sa halagang katumbas ng naunang ibinayad ni Allejo para sa bayad diumano para sa kalayaan ni Izzy.
“Can we end the birthday party now?” naiinip na tanong ni Basti kay Martha.
“Oo naman at nakakahiya sa mga bisita,” sabi ni Martha, “basta tandaan niyo na hindi pwedeng malaman ng kahit na sino ang tungkol sa auction na magaganap. Ang pagrenta ko ngayon dito ay para lamang sa engrandeng birthday celebration ng mahal kong hipag,” nakangisi na turan ni Martha.
Napatiim-bagang naman siya. Sa dalawang taon niya sa Italy at nagpapalakas ay hindi niya akalain na nasa poder ni Martha ang kapatid niya, na hawak nito sa leeg ang kapatid niya. Ang akala niya ay nasa Tita Miranda nila si Izzy at noong nakabalik lang siya ng Pilipinas bago niya nalaman ang totoong sitwasyon ng kapatid, ang kapatid na siya ang nagpahamak nang dahil sa katangahan na pagpapakasal niya kay Martha.
“Allejo!” patakbong lumapit agad si Izzy kay Allejo at yumakap dito. Ang luha niya na kanina pa nagbabadya sa takot na hindi ito darating ay kumawala na sa mga mata niya.
Tuluyan na siyang naiyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Nakaplano na siyang tumakas kung hindi ito dumating. Tatakas sana siya pero ang taong tutulong sana sa kaniya sa pagtakas ay kanina pa niya hinahanap, kanina pa nawawala si Mira at hindi niya matanaw. Ang alam niya ay nauna ito sa hotel para tumulong sa preparasyon pero wala si Mira nang dumating siya roon.
Pinilit niya ang magpanggap na nakangiti habang binabati siya ng kung sinu-sino sa birthday niya. May ilan siyang kaklase na nakarating na inimbitahan ni Martha pero kanina pa umalis ang mga iyon at ilan-ilan na lang ang bisitang natitira at alam niya ay puro associates na nina Martha at Basti.
“Hush… I’m here and you’re safe now,” pabulong na sabi ni Allejo sa kaniya. Tiningnan niya ang kasama nito na si Rex Pellegrini, ang manager nito at matipid na ngiti ang ibinigay niya rito, ngiti na puno ng pasasalamat sa pang-uunawa nito sa kalagayan niya.
Ang totoo ay nahihiya siya sa mga ito, lakas ng loob lang ang ginawa ni Mira para pakiusapan si Allejo at hinid siya umaasa na darating ito para tulungan siya. Hindi naman talaga sila totoong magkasintahan at ilang oras lang naman niya ito nakasama noong araw na nakilala niya ito. Ilang oras lang pero ang mga oras na iyon ay tumatak na sa puso niya.
“I can’t find Mira…” nag-aalala na sabi niya at muling nilibot ang paningin sa paligid. Kung totoong nauna ang kaibigan niya sa kaniya dito sa hotel ay dapat nandito ito ngayon. Kinakabahan siya kanina pa, hindi mawawala si Mira ng walang dahilan.
Nang muli niyang tingnan ang kasama ni Allejo ay nakikita niya sa mga mata nito ang galit habang nakatingin kay Martha na kasalukuyan na nagpapaalam na sa mga dumalo at nagpapasalamat. Isa-isang umalis ang mga bisita at nagtataka siya kung bakit wala pa rin si Mira.
“The auction will start now!” masiglang anunsyo ni Martha at pagkatapos ay ang pagdilim ng paligid habang ang spotlight ay tumutok na sa entablado.
Ilang sandali lang at may dalawang lalaki na hinihila ang isang babae na nakatakip ang mukha ng tela. Nakatayo na ang babae sa gitna ng entablado nang iwan na ito ng dalawang umakay dito kanina. Kinakabahan siya sa nakikita niya. The woman’s face is hidden pero may ideya na siya kung sino ito. Her chin is shaking sa takot na nararamdaman and praying na mali ang hinala niya.
Nang makita niya na lumalakad palapit si Martha sa babae na nasa entablado ay lalo na lumalakas ang hinala na. No, this couldn’t be happening…
Nakalapit na si Martha sa babae at marahas na hinila nito ang nakatabing na itim na tela na tumatakip sa mukha nito and shout… “Whoever wants to bid for my sister, the amount will start at five million pesos!”
“Oh no!” malakas na sabi ni Izzy at kita niya na hinila ito ni Allejo para pigilan sa tangkang pagtakbo nito para puntahan ang kaibigan na biktima ng sariling kapatid nito.
Napatiim-bagang siya habang nakatingin sa dalawang babae na nasa entablado. Ang isa na masayang nag-a-announce at ang isa na nanginginig na sa takot.
Damn you to hell, Martha! Kahit sarili mong kapatid ay nagawa mong ibenta!
“Do you want me to buy her?” tanong ni Allejo sa kaniya.
“No. Let us just watch first,” sagot niya rito at nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Izzy sa naging sagot niya.
“Please… Please, Allejo… Please bid for Mira! I will do everything that you would tell me to do, just bid for her so we could take her too,” umiiyak na sabi ni Izzy.
Gusto niya lapitan ang kapatid at patigilin ito sa pag-iyak katulad ng ginagawa niya noong maliit pa ito pero hindi pwede dahil hindi na siya ang kuya nito. Ibnag tao na siya.
Nakita niya ang tingin na muling ibinigay sa kaniya ni Allejo at Iling pa rin ang isinagot niya rito. Nakikita niya sa mga mata ni Allejo ang pagnanais nito matulungan si Mira para tumigil na ang kapatid niya sa pag-iyak, pero hindi pwede dahil iba ang plano na tumatakbo sa utak niya. Nakatayo lang siya at nanonood sa nangyayaring bidding nang lumapit na si Izzy sa kaniya para makiusap.
“Please, Mr. Pellegrini… help Mira. Help my friend,” gumagaralgal ang boses na pakiusap nito sa kaniya.
“Let’s go, Allejo. We cannot spend any money at someone’s cost. Look at the price of the men wanting her, she is now worth fifteen million pesos,” malamig na sabi niya rito.
“Please… Allejo, please…” pakiusap pa rin nito at sinenyasan niya si Allejo na ilabas na ito. He waved his hand to Martha at nang tumango ito bilang pag-recognized sa pagpapaalam niya ay tumalikod na siya at sumunod na sa mga kasama.
“Stefano, Flavio… Mirabella is now for sale in the auction. Look for the exits and entrances of this hall and intercept anyone who will take her. You need to get her as soon as possible,” bilin niya sa dalawa bago tuluyang lumabas ng bulwagan.
Nakikita niya ang mga nakakadiring reaksyon ng mga lalaki habang nakatingin sa kaniya, ang suot-suot niya ay manipis na black lingerie at black satin panty na kapares nito. Bakat na bakat ang mga kaselanan niya at iyon ang unang beses na nakapagsuot siya ng ganoon.
Gusto na niyang umiyak sa takot pero hindi niya gagawin. Nang magsimula ang bidding ay agad-agad na siyang pinag-aagawan lalo na ng ipagsigawan ni Martha na virgin pa siya at kung sino man ang bibili sa kaniya ay talong buwan siyang ipapagamit ni Martha rito at bahala na ang bibili sa kaniya kung ano ang gagawin sa kaniya sa tatlong buwan. For three months ay magiging alipin siya ng sinuman na bibili sa kaniya.Nakita ni Mira ang pagkaway ni Rex Pellegrini sa ate niyang si Martha. Paalis na ang mga ito at paimpit siyang napahikbi sa nararamdaman na sakit na tuluyan na nakaligtas si Izzy pero siya naman ang mapapahamak kapalit nito.
Nang makita niya sina Izzy sa may dulong bahagi ng bulwagan ay doon tumulo ang luha niya. Nailigtas niya ito at nakita niya na nakikiusap si Izzy sa kasama ni Allejo na si Rex Pellegrini para siguro bilhin siya pero doon niya nakita na kumaway na ito para magpaalam habang hinihila ni Allejo palabas si Izzy sa bulwagan.
Nang tuluyan ng mawala sa paningin niya ang mga ito ay doon na siya nakaramdam ng pag-iisa habang napapaligiran ng mga demonyo. Takot na takot na siya lalo na nang isigaw ni Martha na si George Lim ang nakabili sa kaniya. Tinignan niya ito at kinilabutan siya sa pagnanasang nakikita sa mga mata nito. Kilala niya ang lalaki dahil naibalita ito dati na kinasuhan ng dating asawa dahil sa p*******t, sadista ito at pagkatapos mahiwalay sa asawa ay nagkaroon ng mga artista at modeo na karelasyon pero lahat ng mga iyon ay inireklamo rin ito ng p*******t.
Napalunok siya sa takot na nararamdaman. Nakita niya na may isinenyas ito kay Martha at tumango naman ang ate niya at kasunod na ay ang pagdating ng dalawang tao nito at hinila na siya palabas ng bulwagan.