Unti-unti nabawasan ang guilt ni Sasha sa tanong niya nang sabihin ni James na pagka pagraduate pa lang daw nito ng high school naging modelo na ito. Malaki ang kinikita nito sa career na iyon kaya tinuloy-tuloy na raw nito. Kaso mas interesado raw ito sa production process ng isang fashion show kaysa sa pagrampa. Kaya kinukulit nito palagi ang producer, director at staff ng mga show kung saan ito kasali. Nagtanong ito ng nagtanong, inaral ang kalakaran hanggang rumaket na production assistant sa pagitan ng mga modeling gig. He gained the knowledge and experience he needed until he was able to get a huge break as a fashion show director. Pagkatapos tuluyan na raw nitong tinalikuran ang pag momodelo. “Hindi mo naisip pumasok sa school nang maging successful ka na sa career mo?” curious na

