NAG-IISA na lang ang sasakyan ni James sa dulo at madilim na bahagi ng parking lot nang dumating sila roon. Nagulat tuloy si Sasha kasi lalo lang niya narealize na ang tagal pala nilang nakapuwesto sa damuhan kanina to the point na nakaalis na lahat ng sasakyan doon. Nagkatinginan sila ng binata at nasiguro niyang narealize din nito iyon. Tahimik pa rin sila nang pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkasara nila ng mga pinto at pagbukas ng interior lights ay biglang sumikdo ang pulso ni Sasha at may kumalat na kilabot sa buo niyang katawan. Nilingon niya si James na kahit mahigpit na nakahawak sa manibela ay titig na titig naman sa mukha niya. Nanuyo ang lalamunan niya nang makita ang mga emosyon sa mga mata nito. “Bakit mo ako tinitingnan ng ganiyan?” mahinang tanong ni Sasha. “Bakit? Pa

