Pagkaupo pa lang ni James sa likod ng manibela nakita na niyang nag va-vibrate ang cellphone na iniwan niya sa passenger’s seat. Tumaas ang mga kilay niya nang makitang pangalan ni Sasha ang nakarehistro sa screen. Kinuha niya ang gadget at sinagot ang tawag. “What are you doing here?” bungad agad ng babae. Malabo ang boses nito dahil masyadong maingay sa linya nito. “Napadaan lang,” tipid na sagot ni James. “I have to go –” “Wait. May dala kang sasakyan ‘di ba?” Natigilan siya at kumunot ang noo. “Oo bakit?” “Saang side ka nag park? Anong kulay ng sasakyan mo at ano ang plate number?” Lalong lumalim ang kunot ng noo ni James. “What’s going on?” Hindi agad sumagot si Sasha at base sa papahinang ingay sa paligid nito ay mukhang lumayo ito sa maraming tao bago bumulong, “Can you

