MALUWAG at malinis ang unit ni Sasha Dela Torre. Walang masyadong gamit at wala rin ni isang palamuti sa mga pader. Siguro dahil sapat nang disenyo ang kaliwang pader na imbes na semento ay isang buong one way mirror. Ganoon din ang French doors na kaharap ng pinto at kasalukuyang bukas ang mga kurtina kaya nakikita ang overlooking na liwanag ng siyudad. “Gusto mo ng kape habang hinihintay dumating ang order natin?” tanong ni Sasha kaya naputol ang pag oobserba ni James sa paligid. Nakatayo na ang dalaga sa entrada ng kusina nito at nakatitig sa mukha niya. Tumango siya. Ngumiti ito, tumalikod at tuluyang pumasok sa kusina. Humakbang siya pasunod sa dalaga. Napansin niya na bukod sa kusina may dalawa pang nakabukas na pinto sa side na iyon, parehong kuwarto. A sweet and familiar smell i

