BIGLANG dumilat si James Salgado at napatitig sa puting kisame. Mapait siyang napangiti at nilingon si Dr. Silva na nakaupo sa stool na katabi ng reclining leather chair kung saan siya nakapuwesto. Halatang nagulat ang matandang doktor at bumakas ang concern sa mukha. “What’s wrong? Hindi pa tayo dapat tapos. Bakit bigla kang tumigil sa pagsasalita?” Ilang segundong tinitigan ni James ang mukha ng matanda. Sa totoo lang hindi siya komportable na masyado itong concerned sa kaniya. Hindi siya sanay at pakiramdam niya palagi may ibang motibo ang mga tao kapag umaaktong mabait. “My first time sounded like a plot for a porn video. I bet teenagers will get off with that scenario. Kung hindi lang ako ginago at pinaglaruan ng babaeng iyon pagkatapos ng gabing iyon baka naging magandang alaala

