MULING inihilig ni Lorraine ang kanyang ulo sa balikat ko. Tiningnan ko muna siya at pagkatapos ay muling inalala ang nakaraan at inumpisahang magkwento... "Wow, ang ganda talaga rito sa bayan. Mabuti na lang at kasali ako sa District Math Quiz Bee. Bihira kasi akong makarating dito," sabi ko sa isip ko nang minsang may sinalihan akong contest noong ako ay Grade 2. Sa hindi naman kalayuan ay may natanaw kami ng kasama kong isang maitim na usok sa likod ng isang 'di kalakihang establisyemento. Agad namin iyong tiningnan dahil na-curious din kami tungkol doon. Isa palang pabrika ng plastik ang nasusunog. Sa pagtingin namin ay may isang bagay ang umagaw ng aking atensyon. May isang batang babae na halos ay kaedad ko ang mag-isang nakatingin sa sunog. Mas malapit siya sa sunog at marahil ay

