(PAGTATAPOS) NAKAKAILANG pala 'pag may kasamang maganda at sexy na babae sa mataong lugar. Lalo na kung ganito at holding hands pa kami ni Lorraine habang naglalakad sa bayan. Pakiramdam ko nga ay ang daming gustong pumatay sa akin gamit ang tingin. "L-lorraine... 'Wag mo na kayang hawakan ang kamay ko? Duguan na ako sa mga nakatitig sa atin. Parang lahat sila ay may galit sa akin..." bulong ko sa kanya. "Sus... Pabayaan mo nga silang mamatay sa inggit sa iyo. Tara na sa plaza at magpahinga muna," nakangiti namang tugon niya. Pagkatapos naming bumili ng makakain sa supermarket ay dumiretso na rin kami ng plaza. Maganda ang plaza rito sa amin, may mini park sa dulo. Medyo malawak at maaliwalas doon dahil sa mga puno at halaman. Swak na swak para sa mga magsing-irog na gaya namin. Haban
ดาวโหลดโดยการสแกนรหัส QR เพื่ออ่านเรื่องราวมากมายฟรี และหนังสือที่ได้รับการอัปเดตทุกวัน


