Secret 19

1567 คำ
HINDI pa ako makapagsalita nang hilahin ako ni Soo Hyun papasok sa kanyang kotse. KIA pala ang brand guys. Malamang, Koreano eh. Huehue. Hindi ako nag-aadvertise ha, wala nga akong kotse, di ba? Pinapagana ko lang ang natigang kong kaluluwa. Eh pano hindi matitigang, bukas panga ako kanina nang sabihin ni Soo Hyun kay David na nililigawan niya ako. Eh hindi naman totoo. "Bakit ka nagsinungaling, Soo Hyun?" Tulala kong tanong sa kanya nang makaupo na ako sa passenger's seat. Nilingon ko siya habang nagpapaandar na nang makina. Napatingin siya sa akin at di ko maintindihan kung bakit gulong-gulo ang kanyang reaksyon. Mahirap bang intindihin ang tanong ko? O baka naman nagkukunwari lang tong batang to. "What are you saying?" Balik na tanong sa akin ni Soo Hyun. At dun ko napagtanto na kaya pala hindi niya ako maintindihan eh kasi Tagalog pala ang ginamit kong lenggwahe. Shaks naman oo. Mag-eemote na nga lang, wrong language pa! "I said, why did you lie earlier? To think that we're still inside the church." I ask him again. English na talaga. Maya-maya'y ramdam ko na ang pag-ugong ng sasakyan. Teka, san ba ako dadalhin ng Koreanong to? "I didn't." Seryosong sagot ni Soo Hyun. Kinabahan ako bigla nang hindi niya inialis ang mga titig sa akin. Hindi naman siya ganyan dati. Kung nuon pawang kalokohan lang at paglalambing ang mga titig ni Soo Hyun, ngayon iba na. Parang mas malalim pa ata. Tinapang taho! Kinaaawaan ba niya ako? Naaawa siya sa akin? Pero hindi ko naman sinabi sa kanya ang full details about sa amin ni David. Ano kaya ang nakain ng batang to at biglang nagbago ang aura? Nauntog ba sa pader ang ulo ni Soo Hyun? Ni hindi nga kami close. Siya lang naman itong feeling close sa akin eh. Ni hindi ko nga alam kung ano ang buo niyang pangalan, o kung ang Soo Hyun ba ay pangalan lang, eh baka naman family name pala. See? I don't really know. Active ako sa ministry at sa church, oo, pero hindi naman ako masyadong sociable. At hindi ako palatanong! KANINA "I don't intend to date her in secret." Sabi ni Soo Hyun na ikinabigla naming dalawa ni David. Pero kung nabigla ako, mukhang mas nabigla si David. Matagal-tagal pa bago siya nakasagot. "Why are you telling me this?" Resbak na tanong naman ni David. Sa tono ng pananalita niya ay mukhang hindi siya nasisiyahan. Alam ko yon kasi we used to be bestfriends. Alam ko kahit paborito niyang pagkain, paboritong kulay, mga kanta at kung anu-ano pa. Kulang na lang talaga kasalan eh—kaso hindi naman ako ang ikinasal sa kanya. Si Shey. "Because I love this woman. And the way I see it, you don't know your limitations. You're not just a famous artist, but you're a Christian who inspires the youth through music. Be aware of what you do. The Media has a lot of eyes. And I don't want you to drag Aryen into that chaotic world." Pagkatapos non, hinila na ako ni Soo Hyun palabas ng simbahan. Iniwan namin si David na naguguluhan pa rin sa inasal ni Soo Hyun at sa mga pangyayari. Pati ako, naguguluhan din. "As far as I remember, we're just friends and nothing more Soo Hyun." Sabi ko sa kanya, para ngang signal sa SMART yong boses ko eh, putol-putol!!! Buti na lang hindi out of the coverage. Waley talaga. Mabuti pa ang tinapang taho, kahit walang taho, may tinapa pa rin. Okay hanap. Huehue. Ano na ba tong pinagsasabi ko, Lord? Ako ata ang nabagok eh. Si David kasi Lord, bakit kasi andito siya? Ginugulo na naman niya ang isipan ko. Ayoko ng ganito. "I don't remember you dating or courting with me." "That's because it will start today, noona." "What?" Naloloka kong tanong. Di ko na siya maintindihan. Kanina lang sabi niya dini-date niya ako, tapos ngayon magsisimula pa pala? Yong totoo, inconsistent liar lang ang drama? Lord sana po patawarin niyo si Soo Hyun sa pagsisinungaling niya. At patawarin niyo po ako kasi ako ang dahilan kung bakit nagsisinungaling siya. "Noona, I want to ask you out. Is that too much to ask?" Medyo nalulungkot na tanong sa akin ni Soo Hyun. Nakatingin pa rin siya sa akin. Kahit umaandar na ang sasakyan ay hindi pa rin niya pinapatakbo. "Soo Hyun...I..." "Please don't answer yet. Everything seems quick to me as well. But please, I'm really serious with you, noona. I know it's not time yet to ask you about these things, but watching you earlier shakening in front of David makes me want to confess. Honestly, I want you to see David and sort things out from the past, but when I saw him hugging you like that...I did not like it." Biglang humigpit ang kapit ni Soo Hyun sa manubela. Ibang-iba siya sa nakagisnan kong Soo Hyun. Wait. "How did you know about me and David?" Natataranta kong tanong. "How far do you know?" "I asked your sister. Clarice noona. And I don't know much." Ano? Si ate Clarice pala ang nagsabi sa kanya? Bakit naman niya sinabi kay Soo Hyun yon? Past is past na yon eh. Past is past pa nga ba? Napabuntong-hininga na lang ako. Binaling ko ang aking atensyon sa harap. "Soo Hyun..." Mahina kong saibi. "Ne, noona?" "Please pray for it. You have to ask God first about it. Don't just jump into conclusions that you love me and all. Because in the end if the Lord says you can't, then you can't, even if you wanted to. I've been there, Soo Hyun, and it's not an easy road. As a sister in Christ I don't want to hurt you. So please, think it twice and pray for it while it's still early." Tumahimik bigla si Soo Hyun. Hindi ko na siya nilingon kasi hindi ko magawang tingnan siya. Sa sinabi ko kasing yon ay para ko na ring binasted agad ang binatang Koreano. "I understand, Aryen noona." Mahina ngunit maunawaing sagot ni Soo Hyun. Gumaan ang pakiramdam ko kasi naintindihan agad ni Soo Hyun yon. Buti pa siya. Kasi matagal kong naintindihan noon yon, eh. Kaya naman humantong pa sa nasaktan ako ng matindi dahil kay David. Hindi ko kasi inayos ang prayer life ko kay Lord. Padaos-daos ako agad nang hindi Siya kinokonsulta. Kaya yon, hurting much. Suffer the consequeces, ika nga. Nagulat kami pareho ni Soo Hyun nang may kumatok sa bintana, dun banda kay Soo Hyun mismo. Patatakbuhin na sana ni Soo Hyun ang kotse. Kaso sinundan pala kami ni David! David made a body sign na pagbuksan siya. Tiningnan lang ako ni Soo Hyun. Ang mukha niya'y parang nagtatanong sa akin kung bubuksan ba o hindi. Tumango na lang ako. "Let him speak, Soo Hyun. It was actually rude that we left him alone." Ang lakas ng buntong-hininga ni Soo Hyun habang binubuksan niya ang bintana. Hindi na rin ito umimik pa. Kaya naman ako na lang ang nagtanong kay David. "Bakit? May kailangan ka pa ba?" "Sa unang kanto malapit dito, may isang branch ng Tadakuma restaurant." Pagsisimula ni David. Biglang uminit ang daloy ng dugo ko. Ang puso ko'y nakakaramdam din ng matinding kaba. Parang alam ko na ang sasabihin ni David, eh. Tokwang okra! Hindi pa rin nagbabago si David. Kaya naman bago pa niya matapos ang sasabihin ay ako na mismo ang bumara. "No, David. My answer is no." "Maghihintay pa rin ako. 7PM. Tadakuma." Pagdidiin niya at mabuti na lang at hindi siya naiintindihan ni Soo Hyun. "Busy ako mamaya. Sorry." Tanging sagot ko tapos hinudyatan ko na si Soo Hyun na isara ang bintana ng sasakyan. Obedient din namang sinunod ni Soo Hyun. This time, pinatakbo na talaga ni Soo Hyun ang sasakyan. Naiwang mag-isa si David. At wala akong ginawa kundi sundan ang papalayo niyang repleka sa side mirror ng sasakyan. Ang gwapo pa rin talaga ni David. Napaka-blessed talaga ni Shey. Complete package na eh. HOURS later. 7PM na. Hindi ako makatulog. Pabaling-baling ako sa aking higaan. Kanina nasa kwarto ako at kasamang nakipag-all-out-war sa kama kay Marcela. Ngunit sadyang malikot ang lintang yon lalo na kapag nakainom ng kunting soju. Mas lalo akong hindi makatulog kasi lagi niya akong dinadaganan. Kaya naman napagpasiyahan kong sa labas na lang matulog. Dun ako sa couch sa living room naming maliit. Akala ko makakatulog na ako dun kasi wala ng disturbo galing kay Marcela. Aside kasi sa mahilig tumanday ang babaeng linta na yan, malakas din kung humilik. 7:20PM. Ilang beses na ring akong pabago-bago ng posisyon. Ngunit hindi pa rin ako komportable. Tiningkan ko ang orasan na nakakapit sa pader. Napabalikwas tuloy ako. Past 7PM na. Maaga pa naman para matulog. Kaso kailangan kong matulog ng maaga kasi may program sa school bukas. Si Marcela naman ay lasing nang umuwi, kaya sa kama agad ang bagsak. Pinilit ko ang sarili na makatulog ng mahimbing. Katatapos ko na ring magpray for the third time...but end up in a failure. Maghihintay ako. 7PM. Tinapang okra naman, oo. Lord bakit ganito? Hindi na ako makatiis. Gusto ko ng matulog ngunit boses ni David ang lagi kong naririnig. 8PM. Tumayo na ako sa couch at dumeretso sa kwarto. Nagbihis ako ng madalian at naglagay pa ng kunting blush on. Teka, teka, teka! Teka, wait. Bakit ako nag-aayos? Para saan? Tinapang okra naman, oo. What did you do to me, David?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม