Secret 20

2197 คำ
KINAKABAHAN ako pagbaba ko sa taxi cab. Kasalukuyan po kasi akong nababaliw. Kahit alam kong ikasasama ng puso ko ay sa huli pupuntahan ko pa rin si David. Pasado alas nuwebe na ngunit nagbabasakali pa rin akong naghihintay si David sa Tadakuma. Maghihintay ako. Sabi niya. At naniwala naman ako. Like duh! Same old me! Twenty minutes rin akong nakaharap sa salamin kanina. Pinapagalitan ko ang sarili ko. Eh panong hindi? Dalawang taon nga akong hindi nagpapakita kay David, tapos ngayon sa isang iglap lang hindi ko na siya matitiis? Kaya nga ayaw kong magpakita sa kanya eh. Kasi lumalambot at lumambot pa rin ang puso ko pagdating sa kanya. Lord, patawad. Ilang ulit kong sinasabi. Ilang ulit kong pinagdadasal. Lord, patawad. Bago kasi ako lumuwas ng Korea ay nangako ako kay Lord na kakalimutan ko na si David. Pati ang pagkakaibigan namin. Nangako ako kay Lord na hindi na ako magpaparamdam kay David. Nangako ako na hindi ko guguluhin kung ano meron sila ni Shey. Kasi ayokong maging dahilan ng pag-aaway nilang mag-asawa o kaya naman pagseselosan. Iba kasi ang depenasyon ni David sa pagiging bestfriend naming dalawa. At alam kong hindi yon maiintindihan ni Shey. Kaya naman kahit alam kong masakit ay pinili kong iwasan si David. Pinili kong kalimutan ang pagiging bestfriend naming dalawa. At ibaon na lang ang lahat sa nakaraan. Dahil noon akala ko yon ang ikabubuti naming dalawa. Ngunit biglang naglaho ang lahat ng yon ng makita ko siyang muli. Para bang pinaglalaruan ako ng panahon. Gayunpaman, di ko sinisisi si Lord sa muli naming pagkikita. Wala akong sinisisi. Sa katunayan, ang laki rin ng pasalamat ko kay Lord at nagkita kaming muli. Para bang sinasabi ni Lord sa akin na, "Oh hija, andyan na si David. Pinadala ko talaga sayo para ayusin niyo ang binaon niyong pagkakaibigan. Ayusin niyo yan. Para saan ba't naging mag-bestfriend kayo." Opo. Ang reason kung bakit makikipagkita ako kay David ngayon ay para maayos namin pareho ang pagkakaibigan namin noon. Hindi ko siya pipikutin noh! Ano ka ba. May asawa na si David at pareho kaming Christians. Syempre hindi uso sa amin ang The Other Woman. Makikipag-kaibigan lang ulit ako. Mangungumusta. Okay lang kahit hindi na gaya nong dati. At least magkaibigan pa rin kami. Yong tipong nag-uusap, nagtatawanan, nagkukumustahan. At hindi yong nag-iiwasan! Nakasuot lang ako ng makapal na jeans at itim na winter boots. Pinaresan ko rin ng puting sweater, ngunit nakabalot din ako sa isang makapal na camel coat. Nagsuot na rin ako ng ear muffs. Saka gloves. Malamig na kasi. Sa katunayan, paglabas ko ng taxi cab nagsisimula ng umulan ng kaunting snow. Sa labas ng kalsada maraming mga ilaw. May mga Christmas lights na rin sa mga establishments. May mga sweet couples pa nga na naglalakad sa gilid. No comment na lang ako. Huehue. Ang sweet kasi nilang tingnan. Eh ako, single pa rin for 8 eight years. In fact, nakalimutan ko na kung ano ang feeling nang pagiging isang nobya. Matagal na rin akong naging passive pagdating sa relasyon. Ni hindi na ako nagkakagusto. Minsan nga napagsasabihan na ako ng Korean pastor namin sa Covenant Church. Kasi dapat daw sinasali ko rin sa prayers ko ang pag-aasawa. Lalo pa at tumatanda na rin ako. Eh kaso wala talaga sa prayer list ko ang pag-aasawa, eh. 25 years old pa naman ako ngayon. May 5 years pa bago maging 30 years old. Huehue. Pagpasok ko sa Tadakuma ay agad kong hinahanap kung saan nakaupo si David. Wala akong phone number niya. Hindi ko siya matext na dadating ako. Medyo may kalakihan ang Japanese restaurant na ito compared sa kinakainan namin ni David sa Pinas. Napa-smile tuloy ako nang maalala ang mga panahon na yon. Praning pa kasi ako non. Huehue. Sa kasamaang palad, hindi ko mahagilap ang mukha ni David sa loob ng restawran. Nakaramdam ako ng lungkot. Akala ko kasi hinintay niya talaga ako. Hays. Assuming pa rin hanggang ngayon, Aryen? Nakakainis pero mas nalulungkot ako. Hindi niya pala ako hinintay. Maghihintay ako. Neknek mo David. Ako namang si tanga, naniwala naman agad. Sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon para ayusin namin ang aming pagkakaibigan. Epic fail pala. Mali ata ang pagkakaintindi ko sa conviction ni Lord kanina, eh. Hays. Hindi na ako nagtagal pa sa loob. Hindi na rin ako umupo o umorder man lang. Lumabas na rin ako ngunit hinarang ako bigla ng gwardiya sa labas. "Miss, excuse me." Sabi ng Koreanong gwardiya sa akin. May kung ano siyang hinawakan sa kamay, picture ata. Tiningnan niya ito tapos binaling ulit sa akin ang atensyon. "Are you miss Aryen?" Nasurpresa ako sa tanong ng gwardiya. Pero in fairness ha, kahit mali-mali ang pronunciation ni kuya guard ay tama pa rin ang English niya. Bihira lang naman kasi ang mga Koreanong marunong mag-English lalo pa't gwardiya lang si kuya. Mayayaman lang kasi ang alam kong nag-eeffort matuto ng English eh. Sinagot ko na lang siya ng, "Yes, why? Do I know you?" Kung akala ko marunong mag-straight English si kuya guard, mali pala ako. Yon lang pala ang alam niyang bigkasin, eh. Huehue. Hindi na kasi siya muling nagsalita. Inabot niya lang yong litratong hinawakan niya. Halos malaglag naman ang mga mata ko nang makita kong ako pala ang nasa picture, ako yun two years ago. Medyo bata pa akong tingnan sa picture pero walang duda na ako nga. Nakangiti ako sa picture at halatang may tinitingnan ako sa gilid ko. Pero hindi naman nakita sa litrato kung sino ang tinitingnan ko. Tinuro naman ng gwardiya ang likod ng picture kung saan may nakasulat na mensahe. Nagtataka man ay binasa ko ang mensahe. For sure, galing to kay David. Alam kong dadating ka. Pero sorry, Aryen. Nangako akong hihintayin kita. May emergency kasi sa banda at kailangan ko munang umalis. Pero babalik ako. Pangako, babalik ako. Please, in case of anything, call me: 09071543362 – David Hindi ko alam, pero napangiti ako. Kung may reason naman pala, okay lang. At least nag effort siya na mag-explain. Pinasalamatan ko ang gwardiya bago ako bumalik sa loob. Abot tenga ata ang ngiti ko habang humanap ng pwestong mauupuan. Pangako, babalik ako. Chos. Ano ba tong nangyayari sa akin, kahit yon lang naman ang sinabi ni David bakit parang kinikilig ako? Wait. Kinapa ko ang dibdib ko at...gulay naman oo! Kinikilig nga ata ako. Ang lakas ng t***k ng puso ko! Dali-dali akong humanap ng table at kumaway ng isang waitress. Pag dating ng waitress umorder ako agad ng isang mainit na Japanese ramen. Nang makaalis na ang waitress ay kinapa ko ulit ang dibdib ko. Okrang talong! Nandun pa rin ang kilig moment ko. Susmeta, Aryen! Maghunos-dili ka! May asawa na yang lalakeng kinikiligan mo. Pano ko iwo-work out ang pagkakaibigan namin ni David kung ganito ako? Ako talaga ang may problema dito eh. Pero dapat kong idisiplina ang puso ko kasi hindi ako dapat forever ganito. Dapat ko talagang ayusin ang pagkakaibigan namin ni David. Para once and for all ay mabigyan na ng closure tong puso ko. Dumating na lang ang order kong ramen ngunit wala paring David na bumalik. Naubos ko na lang ang ramen at wala pa rin si David. Umorder ulit ako ng isang bento sushi ngunit wala pa ring David. Halos magdadalawang-oras na ngunit naghihintay pa rin ako. Walang David. Wala nah. I check the time again on my phone. Malapit ng mag-alas onse ng gabi. Buti na lang at mahaba ang pasensya ko. Pero syempre, limited din naman to. Mae-expire rin. Naku David ha. Times two ka na sa akin. Mananagot ka kapag magkita na tayo. Naisip ko namang itext na lang si David. Gagawin ko sana kanina yon kaso nagdalawang-isip ako. Ayoko kasing magtext ng una sa kanya. Baka sabihin niyang desperada ako. Pero ngayon, mukhang desperada nga akong makontak siya. Mag-aalas onse na ng gabi! Kinuha ko yong litrato at nagtext sa number na ibinigay ni David. I'm still here, waiting. Aryen. SENT. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi siya nagreply. Aba naman, papresyo much itong si David ha! Naku kapag nagkataon at tuluyan niya akong inindyan, no more na talaga. Kakalimutan kong nagkita kami. Kakalimutan kong gusto kong makipag-ayos as friends. At kakalimutan ko talaga siya ng tuluyan. Kahit as friend. Napabuntong-hininga ako. Tokwa naman kasi. Hindi ko parin siya matiis. Kaya naman instead na maghintay ako sa reply niya ay naisipan kong tumawag na lang talaga. Baka kasi walang load si David. Bagohan pa siya sa Korea at baka di niya alam kung saan magpapaload. So, I dialed his number. Dialing...Ringing...Connecting... "Hello, David? Si Aryen to. San ka na ba?" Medyo naiinis kong panimula. Inulit ko pa nga ang pangalan niya ng hindi siya sumagot kaagad. "Si Aryen ba 'to?" Tanong ng sa kabilang linya. I widen my eyes. Nasorpresa ako kasi boses babae ang sumagot sa phone ni David. At nakaramdam din ako ng panghihina. Pamilyar kasi ang boses na yon. "Yep. Si Aryen nga. Maaari ko bang malaman kung sino 'to?" "This is Shey." After that, I nervously ended the call. "NOONA, I can't contact you recently. Did you change your number?" Tanong ni Soo Hyun pagbungad ko pa lang sa labas ng apartment. Ang puting pusit na Koreanong yan, hindi ba alam ang salitang privacy? Ilang araw na niya akong ginugulo sa apartment eh. Hinahatid sundo ako sa umaga at sahapon papuntang school kung saan ako nagtuturo as English teacher. Ayoko man ngunit wala akong magawa. Makulit ang binata. Isa pa, medyo mahirap kumuha ng taxi these days kasi umuulan na ng snow, marami na akong kakompetensya sa sakayan. Minsan kasama niya sina Sao Ri at Lee. Pero kadalasan ay hindi. Hindi ko rin alam kung ano ang pinagkakabusyhan ni Tae Han ngayon. Bihira ko na lang kasi siyang makita. "I changed my number." Sagot ko naman kay Soo Hyun. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan, ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Tapos umupo na ako ng deretso. Feeling akin lang ang car, ganon. Tapos driver ko si Soo Hyun. Huehue. "Why?" "Because it's winter." Napakunot ang noo niya sa sagot ko. Like, duh, anong koneksyon ng winter sa pagpalit ko ng numero? Eh sa wala akong maisip na isasagot sa kanya, eh. Meron man ngunit di ko pwedeng sabihin. "Then, can I get your number again?" Tanong niya habang pinapaandar na ang sasakyan. "You don't need it. You see me every day." Pagdidiin ko at napatawa na lang si Soo Hyun. Magpapa-andar na sana siya ng kotse nang biglang may humarang sa harap ng sasakyan. Nilingon ako ni Soo Hyun, his face asking me kung kilala ko ba ang babae. I answered, "She's David's wife." Napa oooh naman si Soo Hyun. "Should we get out?" Umiling ako at sinabing, "Turn the wheels and drive. Please don't mind her." Kabado kong sagot. Sinunod naman ni Soo Hyun at sinimulang patakbuhin ang kotse, just enough na hindi masasagasaan si Shey. Nilingon ko na lang sa side mirror ang nakangangang asawa. I felt bad. I felt guilty. Mas lalong nakaramdam ako ng panghihina kasi tinakasan ko si Shey. Alam kong gusto niya akong makausap. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas since I called David in his number. Magpapasko na lang ngunit hindi na yon nasundan pa. Pinalitan ko agad ang number ko pagkatapos non. Para walang dahilan si David na tawagan ako ulit. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Shey kung saan ako nakatira. Siguro malakas lang talaga ang radar ng mga babae lalo na pag dating sa kanilang asawa. Hindi ko naman masisisi si Shey kung desperada siyang makausap ako. Kasi naman nagmukha akong...third party. Kahit hindi naman talaga ganon. Mas lalo ngang naging ganon kasi iniiwasan ko siyang makausap. Hindi pa kasi ako handang makita si Shey. Hindi pa nga ako nakarecover sa pagkikita namin ni David, tapos ngayon si Shey na naman. Sobrang nakakapanghina. Ayoko munang makipag deal sa kanilang dalawa. Pinagsisihan ko rin na pumunta ako sa Tadakuma. Sana hindi na lang. Hindi sana nangyari yon. Alam kong inaakala ni Shey ngayon na nakikipagkita ako ng palihim kay David. Eto naman kasing si David, parang gago rin kung minsan. Malay ko ba na kasama niya si Shey dito sa Korea? Pero hindi eh. Dapat alam ko na yon agad. Malamang magkasama sila dahil mag-asawa nga di ba. Bakit kailangan pang humantong sa ganito, Lord? Am I turning to a bad woman now? Dalawang taon...dalawang taon kong kinaya na hindi makipag-communicate kay David. Okay na sana eh. Nakarecover na ako dun. Bakit ngayon parang bumabalik na naman ako sa dati? Am I a bad woman? Am I like that because until now I love David? Akala ko ba okay na ang lahat? Sana di Mo nalang pinadala si David sa Korea. "Are you okay?" Tanong ni Soo Hyun. "Yep." Sabi ko. Tumatakbo na pala ang sasakyan sa malapad na kalsada ng Seoul. "You sure? Then why are you...crying?" Tinapang gulay. Ginisa mix. Okrang talong! Ang daldal ng maputing pusit na ito! Umiiyak na nga ako, kailangan pang i-verbalize. Sa susunod na magtagpo ang landas namin ni David, ipagdadasal ko na magkaroon ako ng amnesia.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม