Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak. Nakakahiya kasi nasa loob pa ako ng kotse ni Soo Hyun. Binaling ko na lang ang atensyon sa labas ng bintana, para di niya makita ang mga butil ng perlas sa mukha ko. Hiya much naman to. Iiyak na nga lang, sa kotse pa ng ibang tao! Sa tingin ko naiinis lang talaga ako sa sarili ko. Assuming pa rin kasi hanggang ngayon. Kasalukuyan pa rin kaming bumabyahe. Ihahatid niya kasi ako papuntang school kung saan ako nagtuturo. Simula nong gabing magkikita sana kami ni David, mas naging obvious ang panliligaw ni Soo Hyun sa'kin. Ilang beses ko na siyang tinaboy at pinagsabihan, ngunit lagi niyang sinasabi na, “I won't stop courting you until I see a godly man who can make you happy.” Hanggang sa tinamad na akong mang-basted sa kanya. Hinahayaan ko na lang. Bast

