"He's not married, noona. And you never knew it. What will you do now, Aryen noona?" tila ipo-ipo ang mga salitang binibigkas ni Soo Hyun, umiikot ang mga to at pabalik-balik sa mga tenga ko. Nakakabingi. Nasasaktan ako. May kung anong humuhugot sa dibdib ko. He's not married... Ang impormasyon na yon ay parang bagyo, unti unti akong hinihila sa dako paroon...lupaypay at nawawalan ako na ng lakas. Nakakahilo ang ikot sa ulo ko. Sa katunayan, di ko alam kung ikatutuwa ko ba ang narinig ko. Naguguluhan talaga ako. Totoo ba to? Totoo ba ang mga naririnig ko? Baka naman nasa panaginip lang pala ako. Pero kung nasa panaginip ako, bakit nandito si Soo Hyun?Driven by confusions, kinurot ko ang pisngi ko. Napa aray tuloy ako. Yan. Kurot pa more! Sino ba kasi ang nagpauso na kurutin ang saril

