SUNDAY. Like many other Sundays, nagsisimba ako. This time hindi na ako nag-iisa. Kasama ko si Marcela. Tumalon ako sa tuwa nong sinabi niya na sasama siya. Akala ko gusto na niyang magseryoso kay Lord. Yon pala gusto lang niyang ma-meet sina Tae Han, Lee, at Soo Hyun. Pero okay lang. Kung yon ang magiging dahilan para magbago si Marcela, then why not di ba? Para-paraan lang naman yan pero in the end ang paraan pa rin ni Lord ang masusunod. Huehue.
"Ito na ba yong Covenant Church? Wow ha, ang laki pala." Pauna ni Marcela habang hawak-hawak niya ang kaliwa kong braso. Hanggang ngayon ay para pa rin siyang linta kung kumapit sa akin.
"Oo." Sagot ko at dali-dali niya akong hinila papunta sa malaking gate. Hindi ko naman maiwasan na magtaka sa rami ng sasakyan na nakaparada sa parking space. Usually, marami talagang sasakyan ang nakaparada, kasi marami naman ang mayayaman. Kaso mas marami ata ngayon. Anong meron?
Hindi lang yon ha, ang dami pang mga tao! Ang busy-busy tingnan sa labas ng simbahan. Kanina sa labas ng gate akala ko normal lang. Pero pagpasok namin ni Marcela sa loob ng gate ay sobrang nagtaka na talaga ako sa rami ng tao. Hindi naman ganito karami ang tao before.
"Hala eh, pinipilahan pala ang entrance sa church na to? Ang daming tao ah." Mahinang komento ni Marcela. Nakikipila na rin kami sa linya para lang makapasok ng simbahan. OVERRR. Di naman ganito last Sunday ah! Anengyeri????
"Hindi naman ganito usually. I don't know what's happening. Pero I think it's a good thing. Wait—baka may revival na nangyayari!!!" Sagot ko sa kanya at naexcite ako bigla. Baka may revival nga. Yon bang maraming tao ang tumanggap kay Lord isa isang iglap lang? Oo. Yon.
"Anong bang revival yang pinagsasabi mo?"
Napatingin ako sa kanya at sa tingin ko malabo ring maintindihan ni Marcela kahit iexplain ko pa sa kanya. "Never mind." Tanging sabi ko. Nakikipila pa rin kami guys! Wow ha.
Lumingon-lingon ako sa paligid, nagbabasakaling makikita ko sina Soo Hyun. Kaso wala eh. Napansin ko tuloy na hindi ako pamilyar sa iilang tao. Active ako sa children's ministry dito, at halos kilala ko na lahat ng parents ng mga bata. Ngunit may mga parents' face ngayon na di ko mamukhaan.
"Ang struggle palang magsimba dito."
"Hoy, wag kang ganyan!" Mabilisan kong sabi sa kanya.
Well, after many years of lining up, nakapasok na rin kami ni Marcela sa loob. Actually, occupied na pala halos lahat ng seats! Pati favorite spot ko sa may likuran ay taken na rin! Ano bang kababalaghan ang nangyayari ngayon? Yong ibang mga tao ay nakatayo na lang. May mga tao pa ngang hindi na nakapasok kasi crowded much na.
Nakatayo na lang kami ni Marcela sa may gilid. Nagsimula na rin ang worship part...at sa tingin ko malapit na ring matapos. Nakikinig lang si Marcela sa music. Minsan napapasayaw din siya kapag lively ang kanta. Happy Day pa nga ang kanta ni Kim Walker at Jesus Culture. Hindi naman bago ang mga ganitong songs sa kanya, kasi nagsisimba naman siya sa church namin sa Pilipinas dati. Hindi nga lang constant. Huehue.
Nang maramdaman kong malapit ng matapos ang worship songs, nag-excuse na ako kay Marcela kasi kailangan ko ng pumunta sa Sunday school.
"Ano? Iiwan mo ako ditong nakatayo at nag-iisa?"
"Okay lang yan. Babalikan kita dito sa spot nato mamaya. Alam mo namang teacher ako sa Sunday school dito." Sige Aryen, explain pa more! Huehue.
"Sama na lang ako sayo, Aryen! Tulungan kitang magturo." Ang babaing to, nagpapakyut na naman sa harapan ko. Magsasalita pa sana siya ngunit piniringan ko na ang mga mata niya. Baka mag-puppy eyes na naman kasi siya. Ayokong ginagawa niya yon, kasi naaalala ko si Puss sa Puss and Boots. At paboritong pet ko talaga ang mga pusa. Pero kahit ni isa wala ako! Huehue. Ay meron pala, si Marcela. Siya ata ang pet ko. Sssh.
"Sulitin mo na lang ang pagpunta mo, Marcela. Makinig ka sa Word ni Lord. Ikaw talaga." Tapos nun ay binitawan ko na siya. "In case na mawala ka dahil sa rami ng tao, tawagan mo na lang ako. Okay?"
"Tss. Okay." Pagkatapos non ay iniwan ko na si Marcela.
"AND SO, for God so loved the world that He gave His only begotten Son....that..."
Knock! Knock!
Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ang pagkatok. Yon pala, sa may glass windows nangggaling ang tunog. Opo, sosyal ang facilities dito. Glass windows ang wall at transparent. Makikita talaga ng mga magulang ang kondisyon ng kanilang mga anak sa loob ng Sunday school. Nag-uumapaw ang blessings ni Lord sa simbahan na to. Hindi rin ako masosorpresa, ang lalim din kasi ng faith ng mga Korean Christians. Mas intense pa nga sila pagdating sa prayers at pagpapahalaga sa Holy Spirit.
Well, si Soo Hyun pala ang kumakatok.
"Teacher, it seems that hyung wants to get inside." Inform sa akin ni Hye Sung, eight year old na uberrr sa cute. Pero honestly, pare-pareho na silang lahat ng hitsura para sa akin. Huehue.
"Alright, please excuse teacher for a little bit. Behave while I'm turning my back, okay?" I tell them at sabay-sabay rin silang sumagot ng, "Nee, teacher noona!!!"
Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ng ingay mula sa sound system sa labas ng room. Sound proof kasi ang room sa children ministry para hindi papasok ang ingay mula sa labas. Ngunit pagbukas ko ng pinto, narinig ko ang boses ng nagsasalita sa harapan ng congregation. Opo, may speaker sa labas ng congregation para marinig ang preaching sa loob.
Ang di ko inexpect ay ang marinig ang pamilyar na boses.
"God has been so good to me that sometimes I feel like I'm not worth it." Narinig kong sabi ng boses mula sa speakers.
"Noona? You okay?" Tanong sa akin ni Soo Hyun.
"Huh? Ahh...hmn." Hindi ko maintindihan pero hindi na ako mapakali. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Soo Hyun sa kaliwa kong kamay. He pulls me forward and gently, saying, "I met your friend, Marcela, isn't it?"
"Hmn."
Ang boses na yon...hindi naman siguro. Impossibleng kay David yon.
Wala siya dito. Hindi mangyayari yon. Ang laki ng Korea. He will not be here.
"Well, I passed by at her when she suddenly grabbed me. She told me to bring you inside for an urgent matter. So please excuse yourself from the kids and come with me, noona."
"Wait." Sabi ko habang hinila ko pabalik ang aking kamay. "I'm the assigned teacher today."
"I will take over. Will that be alright with you?"
"Why are you suddenly like this, Soo Hyun?"
Biglang sumeryoso ang mukha ni Soo Hyun. Nawala na yong usual na feminism niya, hindi naman siya femine pero yan lang ang tawag ko sa kanya kasi mas maganda pa siya sa normal na babae.
"Because Marcela said you have waited for this day to come. And you've always been waiting for it." Pag-eexplain ni Soo Hyun at dun ako mas lalong kinabahan. "That person you liked, isn't he the vocalist of Beloved Band? Well, noona, they're here."
So tama pala ako.
David's here.
I placed both of my hands behind my back, trying to stop the shiver. And with a facade on my face, I forced a smile to Soo Hyun.
"Ahh, is that so? That's good to hear. Thanks for informing but I have to go back inside. I have my priorities."
Bago pa man ako hilahin ni Soo Hyun ay dali-dali na akong pumasok sa loob ng classroom, feeling ko nga nasaniban ako ng kung anong kidlat sa bilis ng aking lakad. Soo Hyun followed me pero ini-lock ko na agad ang pinto mula sa loob.
So what if nandito sa David?
Years back and even now, it doesn't concern me anymore. I shouldn't be. I was out of his life from long, long ago. It was a decision I must took. Because he wasn't for me. An encounter with him right now would not change anything at all.
I rest my case...upon the Lord.
PAGKATAPOS ng service hindi muna ako lumabas sa classroom-s***h-nursery-room. Nilinis ko na lang ang kalat ng mga bata mula sa activity nila kanina. Baka kasi magtagpo kami ni David sa labas at ayokong mangyari yon. Hindi naman sa ayoko pero para sa akin yon ang mas nakakabuti. I haven't seen him for two years. Not seeing him now is the same thing.
Hinintay ko talaga na lumagpas ng alas dose ang oras. Mag-aalauna na nga. Kahit niyaya na ako ni Sao Ri na kumain ng lunch, hindi ko tinanggap. Tinext ko si Marcela na puntahan ako sa kids' classroom kaso nireplayan lang ako ng, "Sorry, Aryen. Nauna na akong umalis. We'll talk later."
Napagod din ako sa kapupulot ng mga naaksayang papel. Nilagay ko ang mga to sa isang trash basket. Tapos I checked the time at nilingon ko rin ang labas ng glass windows. Hmn. Wala na masyadong tao. Kompyansa ako sa sarili ko na wala na ang Beloved Bond. Natural na yayayain silang kumain ng pastor namin sa labas. Kaya naman binuksan ko na ang pinto at tinungo ang malaking basurahan sa may banyo.
At tinapon ang mga dapat itapon.
"Aryen?"
Ngunit paano kung ang itinapon mong bagay ay biglang bumalik?
"Is it you, Aryen?"
Hindi na niya kailangan pang magsalita ng ikatatlong beses. Tama na ang isang beses para malaman ko kung kaninong boses yun.
Kay David.
Well, act natural. As if it's normal.
Nilingon ko siya at hindi ko na siya halos mamukhaan. Ang laki na ng pinagbago niya. Mas lalong kuminis ang kutis at gumuwapo. Magkukunwari na sana akong nasurpresa sa pagkikita naming muli, kaso bigla na lang akong sinunggaban ni David ng isang mainit na...
YAKAP.
"Praise God, we meet again!"