"FOR WHAT reason, noona?" Soo Hyun asks me. Ano bang isasagot ko? Oh well, it doesn't even matter. As if naman maiintindihan ako ng mga Koreanong ito. Isa pa, past is past. Pag sinimulan kong sabihin for sure aabutin kami ng umaga. So better keep silent na lang. Sasabihin ko na sanang "never mind" kaso inunahan ako ng makulit na si Soo Hyun.
"Was he someone you liked, noona?"
Tinapang talong! Wait, ano kayang lasa non? Huehue. Di lang siya makulit ha, ginamitan pa ako ng psychology. Sana di ko na lang sila dinala sa bahay. Hays.
"That's enough, Soo Hyun. Let's go home." Si Tae Han! Waa, di ko alam pero na-appreciate ko na sinabi niya yon. At least di na ako mahirapang mag-explain sa kapatid niyang makulit.
"But noona hasn't..." Pagdidiin ni Soo Hyun pero hinila na siya paatras ni Tae Han. "Hyung! I'm not done yet."
"Everyone, tidy up. Let's go home." Tawag ni Tae Han kina Sao Ri at Lee. Agad din naman silang sumunod sa nakakatandang pinsan at tumungo na din sila sa pintuan. Napakurap na lang ako sa mga mata sa bilis ng pangyayari. Naiwan pa rin kasi kami ni Marcela sa banyo.
"We're leaving, Aryen. Thanks for the little time." Narinig kong sabi ni Tae Han. "We'll visit you often."
Huh? What he did is unexpected from Tae Han.
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto at kasabay nito ang maingay na boses ni Soo Hyun. Mukhang ayaw pa nitong umalis. Napilitan lamang siya sa kagustuhan ng kapatid.
"Sino ang mga yon, Aryen?" Tanong sa akin ni Marcela na mukhang natauhan na rin. In fairness ha, kung hindi umalis ang mga Koreano ay hindi niya mapapansin na andito sila. Wow naman. Tumayo ako at inabot ang kaliwang kamay kay Marcela. Tinulungan ko siyang tumayo mula sa sahig. Gentle-lady din kasi ako kung minsan. Oo, gawa-gawa ko lang ang term na yan. As if naman makikita mo yan sa dictionary, huehue.
"Mga kasamahan ko sa church." Sabi ko.
"Really?" Biglang na-excited si Marcela. She claps her hands in the air, and adds, "Ang gwapo pala ng mga ka-churchmate mo, Aryen! Bakit di mo sinabi? Sana nag-church na lang din ako sa inyo! They look like some Kpop stars! May musician ba sa kanila?"
Si Marcela ang tipo na ilang beses ko ng dinala palapit kay Lord but will end up going on her own way. She's like a switch, sometimes her faith is ON, and sometimes it's OFF. She believes in God but she is afraid that she will have to give up her life for the sake of faith. You can say that Marcela wants to enjoy her life first before she serves the Eternal God. That makes me sad most of the time. But the good thing is ako yong tipo na hindi gumi-give up sa kanya. Kahit ilang beses man niyang nirereject ang invitation ko to come with me in the church. Honestly, I keep praying for God's divine intervention sa buhay ni Marcela. I won't like it if she ends up broke and without faith. It's actually a good thing na ako ang kasama ni Marcela sa apartment.
Umalis na ako sa banyo at iniwan siyang mag-isa. Siyangapala, ang babaeng yan pag dating sa mga magagandang lalake ay tumataas agad ang kanyang radar. "Akala ko ba loyal ka kay Nikoli. Umaandar na naman yang pagka-fangirl mo."
"Di ah! Loyal naman talaga ako kay Nikoli. Pero hindi naman bawal ang admiration sa ibang tao, noh."
"Oo, dyan ka magaling. Kaya naman hanggang ngayon wala ka paring boyfriend." Natatawa kong sabi. Tumungo ako sa sofa kung saan nakaupo si Tae Han kanina, kinuha ko ang remote at nilipat sa ibang channel ang TV. Nilipat ko na lang sa Entertainment Channel. Ayoko kasi ng mga balita, wala namang good news. Always bad news.
Dali-dali namang umupo si Marcela sa sofa at inunahan niya pa ako sa pwesto. Pero ang mga mata niya ay nakatingin sa akin, naging mapanuri.
"Wow naman, kung makapagsalita ka, akala mo may boyfriend ka na."
"Hindi ko kailangan ng boyfriend. Kung meron man, yong kasalan na agad, at yong galing talaga kay Lord." Sagot ko habang umupo sa tabi ni Marcela.
"Wala namang instant husband."
Napalingon ako sa kanya, at napaisip. Oo nga naman.
"Sabagay. May point ka. Pero I still believe na walang impossible kay Lord. Any instant kaya Niyang gawin."
"Talaga lang ha? Then how about an instant re-encounter with David Gonzales?"
Kaloka tong babae na to ah. Alam na alam niya ang isa sa mga weak points ko. Opo, alam ni Marcela ang kwento namin ni David. At alam din niya na kasama ni Nikoli si David sa Beloved Band. Malamang, iisang banda lang sila eh. At avid fan naman itong si Marcela. All out support kasi yan kay Nikoli.
Pero, higit sa lahat, alam ni Marcela na ipinagbabawal kong imention ang pangalan ni David sa loob ng apartment or anywhere as long as I'm concerned. Alam niyang sensitive pa rin ako sa mga bagay na yan ukol kay David. Hindi naman sa bitter ako (or siguro nasa denial stage pa rin ako or whatever) pero ayoko lang maremind sa nakaraan. I have a tendency to self-pity kasi. At ayokong ma-feel ko ulit yon.
"Malabong mangyari yan." Sabi ko sa kanya. "Dahil ako mismo ang iiwas sa kanya."
"I don't mean it like that. Sabi ko, paano kung si Lord mismo ang mag-oorchestrate na mag meet kayo? Iiwasan mo pa rin ba?"
"Pamilyado na si David. I don't think the Lord will allow that to happen."
"Then I think not all instant is possible." Komento ni Marcela at sabay na kaming lumingon sa telebisyon. Napabuntong-hininga ako sa komento niya. Well. It takes time to change a person. Desisyon na rin ng tao yon. Hindi naman robot si Marcela para ireprogram ko ang kondisyon ng kanyang puso o prinsipyo sa buhay. Kaya nga may free will ang tao di ba.
When I focused my attention towards the TV, I end up shocked. Halos malaglag ang panga ko sa nasaksihan sa telebisyon. Ang mga mata ko'y parang bolang crystal sa sobrang dilat. Hindi. I'm just imagining things. Impossible. Hindi. Nope. Uh-oh.
"So David, what drives you to accept the offer this time? It's been a fact that you don't do concerts outside the Philippines, even though Beloved Band is roaring high in ratings." Tanong sa kanya ng isang TV host reporter. Christian Channel pala ang nilipatan ko!
"Well, I was actually hesitant at first. Beloved Band don't do this kind of thing. However, the Lord has impressed something to me recently. And then the whole group feels the same." Sagot ni David. OH EM GEE. That's the firs time in forever that I have heard his voice! Oh how I missed that voice. That face. Seriously, I must be dreaming right now.
"And what could it be?"
"The Lord reminded us about the group's main goal, and that is to inspire, bless, and encourage people through our music. Philippines is not the only country in the world. We have to share it to the whole world."
"Wow, such determination. Such faith." The TV host commented. She looked at her paper, and added, "Well, there is this speculation, is it true that aside from what you've said, you have other motive in coming here in Korea? Can you tell us what it is?"
I feel like my heart thumps for no apparent reason, especially when David turns his head towards the cameraman. Nakapokus na yong mukha niya sa TV. At pakiramdam ko nawala bigla ang hininga ko for some seconds. What is this feeling? It feels so nostalgic. I don't like it.
Kinuha ko yong remote at sinubukang i-off ang TV, kaso pumalpak. The second time I tried in turning it off, pinigilan na ako ni Marcela. Inagaw niya ang remote sa akin, sabay sabi, "Tapusin natin yong sasabihin niya. Wag kang KJ."
"The Lord convicted me two things. First, to inspire people. But the second one is more sensitive, more personal. I ended up lacking in sleep at first, and the band was affected entirely. So I prayed and prayed, until I finally got an answer. That's when I realized that He wants me to find someone here."
"Ohhhh!" Biglang hiyaw ng mga tao sa TV set.
"That someone used to be my bestfriend."
I feel like the time stopped. I couldn't hear anything but David's voice.
Just then, narinig ko na lang ang sabi ni Marcela na, "I take back my words. I think I believe in instant reencouter. It might happen really soon. What do you say, Aryen?"