Secret 15

1222 คำ
"MAINGAY ata dyan? May mga bisita ka ba?" Tanong ni ate Clarice. Ang butihin kong ate ay hindi na makahintay sa tawag ko. Kaya yon, siya na mismo ang tumawag for the second time around. Mas malala pa ata siya kaysa kay Mama. Hindi lilipas ang isang linggo na hindi siya tatawag. Shaks. Hindi Skype ang drama ni ate Clarice, international call talaga. Oh di ba, mayaman lang ang peg ng ate ko. Huehue. "Pasensya ka na ate, bukas na lang tayo mag-usap, pwede? May mga unwanted guests kasi ako ngayon." Mahina kong sabi habang papalayo sa mga Koreanong grupo. Pagpasok pa lang namin sa apartment ay kusina na agad ang tinungo ni Sao Ri at Lee—they're twin siblings by the way. Mas matanda sila sa akin ng isang taon. I don't know much about them, pero sa pagkakaalam ko, matakaw daw ang kambal na yan. Ewan ko ba pano nangyayari yon, ang papayat naman nila. "The ref is empty? Oh no, where's the food?" Nawewerlang sabi ni Sao Ri. I admit, she's the cutest Korean girl I have ever meet since I attended the Covenant Church. Marami namang magaganda dito pero halos lahat ay dumaan sa surgery at cosmetics. Pero iba si Sao Ri. Natural lang talaga ang beauty niya. Si Lee naman ay male version lang ni Sao Ri, mas matangkad nga lang si Lee. "How about drinks?" Malakas na tanong ni Lee. "There's nothing in here." "Ah, poor woman." I sigh. Binantaan ko sila kanina na wala silang mapapala sa apartment ko. Yan ang resulta. Hala sige, magdusa. Noodles nga lang binili ko for dinner, eh! Si Tae Han naman ay umupo nang deretso sa sofa bed. Nakita kong kinuha niya ang remote control at pinaandar ang telebisyon. He crossed his legs. Feeling at home talaga ang drama niya. Wow naman. Grabe. Feel at home lang ha. Napangaga ako sa "confidence" ng mga taong ito. Hindi ko naman mawari kung saan napadpad si Soo Hyun. Hindi malaki ang apartment ko. Good for two people lang. In fact, meron akong kahati sa pagtira dito. Mahal kasi ang mga bahay sa Korea. At mahal din ang mga renta. Kung ordinaryong trabaho lang ang meron ka ay mas mabuti na single ka muna at makihati sa renta. "Sinu-sino naman? Wala ka bang boyfriend dyan?" Si ate Clarice ulit sa kabilang linya. Muntikan ko pa syang malimutan. Nag-uusap pa pala kami. Huehue. "Ate naman! Itanong mo ulit sa akin yan pag sinagot mo na si kuya Grey." "Joke lang. Oh syah, ba-bye na. Uungkatin mo na naman kami ni Griyego." Si ate Clarice na mismo ang nag-end sa call. I was about to turn around when a shrill shout bombarded the whole apartment. "Arrgh!" Boses ata ni Soo Hyun! Kaming lahat ay dali-daling tumakbo papunta sa pinanggalingan ng boses—saan? Sa banyo lang naman! Of all places, ang banyo talaga ang unang pinuntahan ng lalaking to! Well, as if naman marami siyang mapupuntahan. Si Tae Han ang bumukas ng pinto sa banyo. At bumungad sa aming paningin ang isang nagugulat na Soo Hyun, para siyang ligaw na tuta. Hay naku. "Why are you shouting like a girl?!" Si Tae Han. Honestly, he's more masculine than Soo Hyun. And a lot older than Soo Hyun, too. Kamukha ni Tae Han yong bida sa A Man From Nowhere na movie. Ito namang si Soo Hyun ay parang miyembre ng isang Kpop band ang beauty, in short, parang bading. "Are you all right?" Tanong naman ni Sao Ri. "There's a dead man lying over there." Kinakabahang sagot ni Soo Hyun sabay turo sa kanyang hintuturo don sa sahig ng banyo. Hinawi niya ang shower curtain at lumantad sa amin ang nakahandusay na katawan. Napasigaw naman si Sao Ri. Buti na lang at tinakpan agad ni Lee ang kanyang bibig. Kung hindi ay baka kung ano pa ang isipin ng mga kapitbahay. Magkalapit pa naman ang mga bahay dito. I closed in to check it at dun ko nakilala kung sino ito. Sabi ko na nga ba. Why am I even surprised? I faced them to inform that, "It's not dead. And she's a woman—not a man." "Omooo?" "Y-you mean...you know this person?" Takang tanong ni Soo Hyun, still unbelieving. "What is she doing?" Si Tae Han ulit. "She's my roommate here. Marcela." Sabi ko habang tinungo ang nakahandusay na katawan. Napakamot na lang ako sa ulo tapos tinapik ko sa balikat si Marcela. "Hoy, Marcela, gising! Ano bang pinaggagawa mo at dito mo pa naisipang matulog, ha." "Hmnn..." "Wag mo akong i-hmnn. Gumising ka na dyan!" "What is she saying? She isn't speaking in tongues, is she?" Narinig kong tanong ni Lee. "Do we need to pray for Marcela?" "Don't tell me she's bewitched!" Hiyaw naman ni Sao Ri. I just rolled my eyes in return. Bakit ba ako napasubo sa mga Koreanong to. "She's just speaking in Tagalog." Pag-eexplain naman ni Tae Han. Buti naman. Remember Marcela, my college friend? Yep. She's my roommate here. Isang taon after kong makapagtrabaho sa Korea ay sumunod din naman agad si Marcela. She's not here to work though. She's here to study music and arts in Korea. After naging successful ang banda ni Nikoli, biglaan na lang ang naging interes ni Marcela sa pag-aaral ng music. Ewan ko sa babaeng yan. Meron namang music school sa Pinas, sa Korea pa talaga naisipang pasukan. And speaking of banda, oo, I'm referring about the Beloved Band. Ang banda kung saan vocalista pa rin si David Gonzales. Well, that's the farthest I know about David after I left the Philippines. It's not something na inusisa ko, you know. I just learned about it through commercial ads. Niyogyog ko ng malakas si Marcela at effective din naman. Pagbukas niya ng mga mata ay ako agad ang tiningnan niya. Ngunit tila merong kakaiba sa mga tingin ngayon ni Marcela. Hindi naman siya lasing. Hindi naman siya naglalasing—occasionally nga lang. "Aryen! Alam mo na ba?" Biglang niyang tanong. Merong excitement sa kanyang boses. Mukhang hindi rin niya napansin ang mga kaibigan kong Koreano sa likuran ko. "Ang alin?" "Nikoli and his band will have a concert here in Korea! Sponsored daw ang concert nila ng isang Christian church dito—waaah! Nikoli's coming! He's coming!!!" Tiling sigaw ni Marcela na ikinagulat naman ng mga Koreano. But then I remained speechless. Beloved Band will have a concert here? Di nga? Mali lang ata ang pagkarinig ko. Pero hindi eh...kasi kasama si Nikoli. If it's Nikoli, then it's about Beloved Band. Hindi ko alam kung pano mag-react ukol dito. The only thing I'm sure right now is that my heart is pounding unwantedly. "Then...David is coming, too." Mahina kong sabi. "Who is David, noona?" Soo Hyun suddenly asked. Napakurap ako sa gulat ng tanong niya at dahil na rin sa lapit ng mukha ni Soo Hyun sa mukha ko, na para bang he's searching something in my eyes. Who is David? Unfortunately right now, I have seemed to lost the answer to that question. "Who is David?" Soo Hyun repeated the question. The answer was simple. I could just tell them that he was someone from the same church back in the Philippines. That he was my bestfriend. But then why did I answer: "He is someone I have to avoid. No matter what."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม