Secret 14

1598 คำ
DECEMBER. Winter na sa Korea. Nakasuot ako ng makapal na coat, kulay pula at hanggang tuhod ang haba nito. May scarf din ako at makapal na stockings. With all honesty, I love the fashion here. Especially when it's winter. Of all seasons sa Korea, winter time ang gusto ko, with all the coats and boots. That fashion, you know. Huehue. Bumubuga pa nga ng aso yung bibig ko sa lamig. Haha. Parang dragon lang. Anyway, ako si Aryen Dela Cerna. 25 years old. English teacher sa isang Korean elementary school dito sa syudad ng Seoul. Christian. Still single for the past eight years. Ang bilis ng panahon. I've been staying here for two years already. And it's my second December without my family. Five months after ng graduation ko, I accepted the job offer as an English teacher in Seoul. Hindi naman mahirap para sa akin dahil Literature naman ang major ko. At magaling din ako sa English. Actually, madali din akong natanggap, may connection kasi. You know naman na English tutor si ate Clarice ng mga Korean kids before. Nilalakad ko lang pauwi galing school ang apartment na tinitirhan ko. Medyo malapit lang. Wala din akong car kahit kaya ko namang bumili. Wala kasing parking space yung place na tinitirhan ko. Minsan, pag pagod talaga ako, kumukuha na lang ako ng driving service, meron kasing ganito sa Seoul. Malaki-laki na rin ang naipon ko sa sweldo. Hindi naman kasi ako gumagastos ng gasolina. Huehue. Isa pa, bihira lang din ako magpadala ng pera kina Papa sa Pilipinas, kasi hindi naman nila kailangan. Usually, damit at Korean goods ang pinapadala ko sa Pinas. Isang beses lang din akong umuwi, last November lang. Busy much eh. Huehue. Noong una, medyo nahirapan akong mag-adjust sa environment. Iba kasi sa nakasanayan ko. Pero nang kalaunan, naging okay din naman ang lahat. Isa pa, sa tulong din ng spiritual leaders ko sa church namin sa Pinas ay nirefer nila ako sa isang Christian church dito sa Seoul. Covenant Church ang simbahan na ina-attenan ko dito. English speaking sila, kaya naman di ako nahirapan. In fact, after one year of attending the church, isa na rin ako sa nagvolunteer as teacher sa children's Sunday school. Nasa children's ministry nga talaga ang talent ko, huehue. Nagkaroon din ako ng mga Korean friends, and most of them ay galing sa Covenant Church. Masaya naman ang buhay ko dito, atlhough minsan nami-miss ko din ang dating church, especially my family. Graduating na si ate Clarice sa law school, this coming March na nga yon eh. Pinag-iisipan ko pa kung uuwi ako or hindi. Pero alam kong magagalit si ate kapag hindi ko siya inuwian sa graduation niya. As for tonight's dinner, bumili lang ako ng Korean noodles sa isang malapit na convenience store. No time na akong magluto. Pag labas ko naman nag ring yong phone ko. Speaking of ate Clarice, she's calling. "Oh, ate napatawag ka?" "Nagtatanong ka pa. Tumatawag ka lang kasi kung gusto mo. Kamusta naman ang lamig dyan?" Tanong niya sa kabilang linya. Napataas pa nga ang boses niya kaya kailangan ko pang ilayo kunti ang phone sa tenga ko. "Okay naman, kayang-kaya, glory to God." Nakangiti kong sagot kahit di naman niya nakikita. "Alam mo namang gustong-gusto ko ang winter season." "Kailan ka ba uuwi? Pupunta ako ng Gensan next week at ang kulit nina Papa. Magpapasko na lang daw at hindi ka pa nagpaparamdam." "About that tatawagan ko sila bukas. Hindi kasi ako uuwi this December." "Ano? At bakit naman, aber?" "Sorry ate, nakacommit na kasi ako sa church this December. May event kasi ang mga bata dito at kailangan ako sa event na yon. You know naman, teacher thingy." Natahimik siya bigla sa kabilang linya. Pero hindi naman nagtagal. "Sure ka ba yan lang ang dahilan?" "Ate naman, ano pa nga ba?" "Ikaw Aryen ha, baka dahil na naman yan kay David." "Ate!" Hiyaw ko. "Yan ka na naman. Ikaw ata tong hindi pa makamove-on kay David, eh." "Sinisiguro ko lang. Alam na alam ko ang kaibuturan ng puso mo." "Please ate, ayokong pag-usapan to over the phone." Si David. I haven't heard about him for two years. And I thank my sister for not giving me any information about him ever since I left the Philippines. I lost contact with him ever since he got engaged with Shey. I don't have the feelings for him anymore. I think time and the distance helped me from recovering. And of course with the help of the Lord's healing. But I couldn't say that I don't miss him either. Because with all honesty, I miss David from time to time. The happy memories with him are always there. After all, he used to be my bestfriend. He must be having a blessed marriage life with Shey right now. At kontento na ako sa thought na masaya siya sa piling ng iba. If there's one thing I regret, it's the fact that I fell in love with him. Kasi yon ang trigger point na sumira sa aming pagkakaibigan. Kung hindi dahil dun, siguro magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Pero mabuti na rin ang ganito. My only wish is that sana hindi niya ako kinalimutan kahit bilang kaibigan man lang. Beep beep. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang malakas na busina ng kotse sa may gilid. Ginisa mix naman, oo. Sa dami-dami ng kotse dito sa Korea, ang kotse ni Soo Hyun pa talaga ang dumaan. Nagkunwari na lang ako na hindi ko nakita at nagpatuloy sa paglalakad. "Ate, tatawag na lang ako mamaya pagdating sa bahay. Sige, sige. I love you. Mwa mwa chup chup." Then I ended the call. Bumisina ulit ang sasakyan pero no turning back lang ang drama ko. Si Soo Hyun ay isa sa kasamahan ko sa Covenant Church. Isa sa mga kaibigan ko. Okay naman siya. Mabait. Gwapo. Matangkad. A man of God. Makulit nga lang. "Hey, Aryen-noona!" Narinig kong tawag ni Soo Hyun. Kung hindi niya ako tinapik sa balikat, hindi ko talaga siya papansinin. Hindi naman sa rude ako, pero minsan talaga nais ko siyang iwasan. Lalo na kapag nasa labas ng church. Medyo na-aawkward na kasi ako pagdating sa mga makukulit na lalaki. Isa pa, feeling close kasi itong si Soo Hyun all the time. Nagkataon kasi na student pala siya ni ate Clarice five years ago sa tutorial class. He was fifteen years old at that time. Sa picture ko lang siya nakilala, not really in personal. And oh yes, he's five years younger than me. So whatever you're thinking right now is not even possible. In my eyes he's just a kid. "I finally caught you. You didn't stop right there." Panimula niya. Napangiti na lang ako at nagkunwaring ngayon ko lang siya napansin. Syangapala, English speaking din itong si Soo Hyun. Halos lahat ng Koreans sa Covenant Church ay English speaking people. May kaya kasi sila at ang iba ay nakapag-aral sa United States. Ako lang ata ang napadpad dun na kakaiba, eh. "Oh, Soo Hyun, is something the matter?" Syempre, English din ako kung makipag-usap sa kanila. Hindi naman ako fluent sa Korean kahit dalawang taon na ako dito. At wala naman akong balak mag-asawa ng Koreano para mag-aral ng linggwahe nila. Kontento na ako sa Filipino, English, at kunting Bisaya. "Oh? Nothing really, haha." Napakamot siya sa ulo. "Thought you're going somewhere. I can take you there. I have a car. It so happened I noticed you." "Obviously—you have a car. Thanks for the kind offer, but I'm going home." "Really? Then how about I'll take you there!" Tinapang taho. Ang bata kung matuwa, wagas. Lumabas pa ang dimples niya sa lapad ng ngiti. Pero wait...ano daw? He will take me home? Obviously no! "No, thanks. That's not a good idea. You know what I mean, right?" "That's not it. I'm not alone. Sao Ri, Lee and my brother's with me, too." Pagkasabi nyang yon ay napatingin ako ulit sa kotse niya at nakita ko si Sao Ri na kumakaway sa bintana ng sasakyan. Si Sao Ri at Lee ay magkapatid, na pinsan naman ni Soo Hyun. Tapos kasama pa pala si Tae Han, ang medyo antipatikong kapatid ni Soo Hyun. Napabuntong-hininga na lang ako. Umiiwas na nga ako sa isa, tapos ngayon marami pala sila. "Hi, Aryen! Can we go to your house?" Narinig kong sigaw ni Sao Ri. "So, how about it?" Nakangiting tanong ni Soo Hyun. Minsan talaga nakaka-insecure ang kutis ng lalaking to. Kung hindi lang maiksi ang buhok niya ay mapagkakamalan ko talaga siyang babae. Napatingin ako sa wrist watch ko. "It's 7:20PM already. And I don't have foods at home. In fact, I never bring visitors." "Pretty please? Please, noona? It's been a year already and you never invited us to your house." "Why would I?" "Because we're brothers and sisters in Christ! You're not just someone else." Because we're brothers and sisters in Christ. Sometimes that line would become a good excuse to invade someone's else privacy. Really. But then, sighing in defeat, I nodded to agree. Bigla ko na lang naramdaman ang paghila ni Soo Hyun sa kamay ko papunta sa kotse niya. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. And then I realized, it's been such a long time since someone else held my hand just like that. Kahit si David nga ni hindi ako nahawakan sa mga kamay. Oh wait. Erase erase. Why does he appear in moments I don't want him to appear? Oh what a pain. Goodbye, my silent life in Korea.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม