Secret 8

1387 คำ
"MARAMING salamat po, tita Riz." Panimula ni kuya Grey. Inihatid kasi kami sa labas ng mommy ni David. Katatapos lang namin mag dinner. Pauwi na kami at sasabay na lang ako sa future kuya ko. Naks naman, future kuya talaga. Huehue. "Hindi ko na ba kayo mapipigilan? Maaga pa naman, Grey." Sagot ni tita Riz. Actually, gusto ko pang mag-stay longer para maka-bonding sina Nhads at ilan sa Music team. Kaso alas otso y media na nang gabi at kailangan ko na talagang umuwi. Hanggang 9PM lang kasi ang paalam ko kay ate Clarice. Isa pa, ayokong magpaiwan kung aalis na si kuya Grey. Baka isipin niya na gusto ko pang manatili nang matagal dahil kay David. Double kill na ako nyan. Hindi naman sa magagalit siya dahil wala naman siyang karapatan para don, pero ayokong mabad-shot kay kuya Grey. Kahit hindi naman kami magkapatid sa dugo ay mataas pa rin ang respeto ko sa kanya. Kung hindi lang dahil kay David ay siguro hanggang ngayon may gusto pa rin ako kay kuya Grey. Wait. Teka nga lang ha. Bigla akong napailing. Hindi din healthy sa heart ko na magkagusto sa best friend ko, noh! Naku naman. Pwede bang magpalit ng puso? May sayad ata 'tong puso ko, eh. Puso ng saging na lang kaya? Huehue. Napakurap ako sa mga mata nang makita ko si David na papalapit. Sumunod pala siya sa labas. Nagkunwari na lang ako na busy sa phone para hindi niya maisipang lumapit. Lumalakas na kasi ang kabog ng dibdib ko kapag kinakausap si David. Mahahalata ako ni kuya Grey. Hay naku. Bakit ba naman kasi kino-complicate ko ang mga bagay. "Online job kasi ang trabaho ko tita Riz. Naisipan ko lang magdrop by para kamustahin si David." Sabi ni kuya Grey sabay lingon kay David na nakatayo sa tabi ng ina. "Pero mukhang okay na si David kaya wala na akong dapat ipag-alala." Oo nga pala, web developer kasi si kuya Grey sa isang company firm sa Australia. Big time din ang sweldo niya dun kahit online job. Malalaki ang sweldo kapag developer lalo na kapag out of the country ang clients mo. That explains kung bakit may sariling car na si kuya Grey. Sariling bahay na lang ata ang pinag-iipunan niya, eh. He's stil living with his parents pa kasi. "Salamat sa pagpunta, kuya Grey." Sabi ni David. "At salamat din hijo ha, sa pagsugod mo sa kanya sa ospital. Naku, kung hindi dahil sayo baka mas malalala pa ang aabutan ng anak ko." "Walang anuman, tita. Para saan ba at magkasama kami sa iisang simbahan kung hindi magtutulungan? Anyway, sige ho, I really have to go." "Oh sya, sige mag-ingat kayo." "Salamat po." Sabi ko. "Pwede ka namang magpaiwan, Aryen, kung gusto mo." Napalingon ako kay kuya Grey ng sinabi niya yon. Huh, bakit? "Huh? Ay wag na kuya Grey. Kailangan ko na ring umuwi, eh." Agad kong sagot sabay suot ng aking sneaker shoes. Hindi nga ako pwedeng magpaiwan! Ikamamatay ko sa loob ng bahay ni David! Kaya tumayo na ako at hinila sa kaliwang braso si kuya Grey patungo sa labas ng gate. "Pwede ba akong maki-hits kuya Grey?" Sabi ko sabay hanap kung saan nakaparada ang kanyang kotse. "Oo naman." Sagot niya na tila ba nagtataka sa mabilisan kong kilos. "Salamat ulit, Aryen!" Sigaw ni David at nilingon ko na lang siya upang kumaway ng saglit. Katatapos ko lang kumaway nang si kuya Grey na naman ang humila sa kamay ko. Hinila niya ako papunta sa kotse niyang nakapark. He pressed something which made his car blinked its external lights. Siya na rin ang nagbukas ng pinto sa kotse, sabay sabi, "Alright, get in the car now." Tumango na lang ako sabay pasok then he closed the door for me. Nasa driver's seat na siya nang muli akong magsalita. "Okay lang na i-drop mo ako sa may highway, kuya Grey. Sasakay na lang ako ng jeep pauwi." "Do you really think I would do that?" Tanong niya habang pinaandar ang makina ng sasakyan. Napalunok na lang ako sa tono ng boses ni kuya Grey. Galit ba siya? Parang ganon kasi, eh! "Are you...mad?" Lunok laway pa ako bago ko nabigkas ang huling salita. "What made you think that I am?" Sabi niya pero ganon pa rin ang kanyang boses, na para bang may ginawa akong kasalanan kahit di ko naman maintindihan kung bakit at ano. Naramdaman ko na lang na umaandar na ang sasakyan palabas ng kanto. "Para kasing ganon. You sounded different." Sabi ko. Sa kalsada ko na lang binaling ang mga mata ko, baka kasi hindi ko magustuhan ang maasim na mukha ni kuya Grey. Bipolar ata siya ngayong gabi. "Gusto mo bang marinig kung bakit?" Tanong niya at ramdam ko ang mga titig niya sa akin kahit di ako tumitingin, pero saglit lang naman kasi binaling niya agad sa kalsada. "Bakit?" "Hindi ko lang nagustuhan ang pagpunta mo sa bahay ni David." Muntikan pa akong mabulunan sa sarili kong laway. Kahit inexpect ko na ang sasabihin niya ay nakaka-shock pa rin. You know what I mean? Hindi naman siya ganyan dati! "I'm not alone naman kuya Grey." Depensa ko. Mukhang galit nga siya. "That's not the problem, Aryen. Ano ang paalam mo kay Clarice?" Bigla niyang tanong. Kinabahan ako bigla. Ano ba ang isasagot ko? Aaminin ko ba na nagsinungaling ako kay ate Clarice? Arrrggh! Why is it so hard to be a Christian? Even a simple white lie gives you very strong conviction! In the end, I felt guilty. "I told her na may pupuntahan akong kaibigan." "And you didn't mention David's name?" I shook my head to say no. "Hindi." Bigla siyang napabuntong-hininga. "Okay, ganito na lang, matanong ko. Bakit di mo sinabi kay Clarice na sa bahay ni David ka pupunta?" Naspeechless ako bigla. Bakit nga ba? Ah. "Dahil alam kong di niya ako papayagan." SHOOT. Bigla siyang nagpreno at napahawak ako sa sandalan ng kinauupuan ko. Akala ko dahil sa sinabi ko, yun pala dahil nag red light lang 'yong traffic lights. Huehue. Binaling ni kuya Grey ang malalim niyang mga titig sa akin, sabay sabi, "SEE? You know it in the first place na hindi ka papayagan ni Clarice." "Because he's a man and I'm a woman? Is that it?" "Best friend ka ba talaga ni David?" Bigla niyang tanong, napakunot tuloy ang noo ko. Anong klaseng tanong ba yan? Di ba alam na niya ang sagot ko dyan? "Hindi ko na maintindihan. Bakit nagagalit ka sa pakikipagkita ko kay David?" Medyo seryoso ko ng tanong. "Dahil hindi nga maganda na nakikipagkita ka pa rin sa kanya!" Naasar na niyang sagot, tumindig tuloy ang mga balahibo ko sa katawan, pati ata buhok ko tumayo na rin. Si kuya Grey ba itong kausap ko? "Bakit nga?!" "Because David is officially courting Shey and Shey is considering to answer yes. Your sister's reason is the same as mine. Hindi maganda na patuloy kang nakikipagkita sa kanya because you might end up getting hurt! Why can't you see it?" BOOM PANIS. I couldn't help but get shocked. Hindi ko alam. Hindi ko alam na officially na palang nanliligaw si David kay Shey. Hindi niya sinabi. Best friend ka ba talaga ni David? BOOM PANIS PANIS. Pakiramdam ko nanigas ang leeg ko. Hindi ko alam. Hindi sinabi ni David sa akin ang bagay na yan. Since when pa? Since when did he start courting Shey officially? BOOM PANIS PANIS PANIS. Hindi ko alam. I guess, we're not really best friends after all. "Hindi ko alam." Mahina kong sabi at hindi na nakuhang marinig ni kuya Grey dahil nag-green na ulit ang traffic lights. "Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko, Aryen?" Hindi ko na namalayan ang mga sinasabi ni kuya Grey, bigla atang nag-mute ang paligid ko. "Hindi sa ikaw ang sinisisi ko, pero tinotolerate mo kasi ang attitude ni David. He cannot officially court Shey and at the same time date you in secret. I don't want you to get hurt." Date me in secret? "Isa pa, nag-aalala na ako. I asked David about this and he keeps denying. Hindi ko alam kung bakit tinotolerate mo pa rin. Do you really like him that much?" Napa-smile ako bigla. Mapakla. Ganito pala ang pakiramdam. Ang mabrokenheart nang dahil sa pagiging asyumera. Assuming. Big word.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม