Secret 9

1607 คำ
TAHIMIK lang ako habang hinihintay na buksan ni ate Clarice ang pinto. Lupaypay much ang aking pakiramdam. Ay ewan. Hindi pa naman magugunaw ang mundo pero parang pasan ko ang lahat. I don't like this feeling. Matagal-tagal na rin ang lumipas since I felt brokenhearted. When I became a Christian, I initially thought hindi na madudurog ang puso ko. Pero mali pala. Dahil mas nadudurog ito ngayon. Ang masaklap, ayokong magkaganito. Sino ba naman ang gustong ma-brokenhearted? Parang kailan lang kasi na inamin ko sa sarili ko na may gusto ako kay David. Hindi pa nga ako nakakarecover sa revelation na yun. Tapos ngayon malalaman ko na nanliligaw na pala siya kay Shey. Aneng yeri? Matagal ko nang alam na may gusto si David kay Shey. At alam ko na hindi pa siya nanliligaw. Gusto pa kasi niyang mag-ipon muna. All this time I thought na kapag dumating ang araw na yun ay sasabihin ni David sa akin. Kasi nga mag bestfriends kami. Pero ang sakit pala pag sa ibang tao mo malalaman ang impormasyon. Hindi ko na namalayan na bukas na pala ang pinto. Bumungad sa harapan ko si ate Clarice. "Aryen? Grey?" Rinig kong tanong ni ate. Oo nga pala. Kasama ko pa rin si kuya Grey. Siya ang kumatok sa pintuan para sa akin. Inihatid niya talaga ako sa bahay. Di na rin ako nakipag-argue kasi medyo nawala na ako sa katinuan. Parang baliw lang, ganon. Ugh. Erase. Wag naman sana, Lord. "Pasok ka muna Grey." Narinig kong anyaya ni ate Clarice. "Sorry if medyo makalat sa loob. Nakahilira kasi ang mga books ko, you know, studying." "Salamat Clarice, pero wag na. Hindi ako magtatagal. Inihatid ko lang talaga ang kapatid mo." Sagot ni kuya Grey habang papasok naman ako sa loob ng bahay. Dahan-dahan kong hinubad ang medyas ko sa paa. Wala na akong pakialam kung maamoy man ni kuya Grey ang baho ng mga paa ko. As if naman hindi mabaho ang paa niya, wait, mali ata tong iniisip ko! Huehue. "Teka, bakit nga pala kayo ang magkasama?" "Long story, actually. Mas mabuti na itanong mo kay Aryen kung bakit. As of now, hindi makakabuti na pagalitan mo siya. She rather needs your comfort." Hindi ko nakita ang reaksyon sa mukha ni ate Clarice. For sure, confused. Pagkatapos kung hubarin ang mga medyas ko ay humarap ulit ako kay kuya Grey. I bowed a little, sabay sabi, "Salamat sa paghatid kuya Grey. Mag-ingat po kayo sa daan." Tapos dumeretso na ako sa loob ng kwarto. Narinig ko na lang si kuya Grey na nagpaalam kay ate Clarice. Hindi ako umakyat sa kama ko, tinamad ako bigla. Kaya naman sa kama ng ate na ako humiga. Tapos kinuha ko yong huggable teddy bear niya sabay yakap dito. Sana hindi ko na lang nakilala si David. Malungkot kong isip. This is not a "huehue" night. Huhu night na naman ako. Ayoko na rin yatang manuod ng Korean drama. Nakakaimpluwensya. Kasi nagiging DORAMA na din ang buhay ko. Ano ba to, Lord? Sa dami-dami ng problema sa mundo, bakit love life pa talaga ang drama ko? "Ano ba kasi ang nangyari sayo?" Narinig kong tanong ni ate Clarice. Pumasok pala siya sa kwarto? "Bakit ganun na lang kung makapagsalita si Grey? Inaway ka ba nun?" Umiling ako sa ulo. Sabay yakap nang mahigpit sa teddy bear niya. Mickey yata ang pangalan nito. Nakalimutan ko na. Whatever. As if naman importante. Naramdaman ko na lang ang pag-upo ni ate Clarice sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko para hindi lubusang tumulo ang mga butil ng tubig. Tinapang okra, oo. Mukhang iiyak pa yata ako! "Aryen, kung may problema ka, sabihin mo. Hindi yong kinikimkim mo ng mag-isa. Paano kita matutulungan kung hindi ko alam kung ano ang problema? Hindi naman ako mind-reader." "Ate...ano kasi..." "Ano nga?" "Si...si..." "Sitsiritsit?" "Hindi! Ate naman, eh!" "Ano nga." "Mahal ko pala si David! Waaaa!" Bigla kong hiyaw sabay iyak, yong iyak na hagulhol talaga. Pwede humingi ng isang balde? Para may paglagyan na tong mga luha ko. Gagawa pa ata ako ng sariling dagat, ah! For the first time in forever ang lakas-lakas ng iyak ko! Ramdam ko ang mga mainit na haplos ni ate Clarice sa ulo ko. Ramdam ko rin ang lungkot sa boses niya. "Sabi ko na nga ba, eh. Ayokong nakikipagkita ka sa kanya. Hindi sa ayaw ko kay David pero alam kong in one way or another, mahuhulog talaga ang loob mo sa kanya. At ang masaklap ay hindi kita masisisi kasi halos nasa kanya na ang lahat. May takot sa Diyos, maganda ang boses, musician, gwapo, may pormal na trabaho, at mabait." "Ate naman, eh! Pinaalala mo lang kung bakit ko siya nagustuhan!" "Aba dapat lang. Hindi mo mareresolba ang problema kung hindi mo alam kung bakit. Kaya lang, ang problema mong yan, hindi lang dapat iniiyakan." Suminghot pa ako bago sumagot. "Eh ano?" Humugot muna nang malalim na hininga si ate Clarice. "Alam kong alam mo na may ibang gusto si David." Napatigil ako sa pag-iyak. ALAM KO NGA. MATAGAL NA. "Kaya lang, minsan ang puso ay hindi natuturuan, sumusuway ito kahit alam mong hindi dapat. Pag dumating ka sa point na hindi mo na kaya, dun mo pa aaminin na nagkamali ka nga." "Sa umpisa pa lang alam ko na may ibang mahal si David. Pero I still end up loving him. Kasalanan ko ba ate? Saan ba ako nagkamali?" "It can't be helped. You're a woman after all. But if you don't let it go, it will become a bigger problem. Let go. Let God. Yan naman lagi kong sinasabi sayo, diba?" "What if I did? And still can't?" "Then it's your accountability to God. In fact, it's my major accountability because I'm your older sister. Pero wag mong sabihin na hindi mo kayang i-handle yan, walang problemang hindi nasosolusyunan." "Ayoko ng heartache ate, masakit—ouch!" Literal na napa-ouch talaga ako kasi pinitik ni ate Clarice ang noo ko. "Ate naman, eh!" "Dorama masyado, wag ka na kasing manuod ng Korean dramas. Pati emosyon mo naaapektuhan na. Basta Aryen, ito lang ang masasabi ko, wag kang mag-self pity. Normal lang na masaktan ka pero wag mong alagaan ang sama ng loob mo. Let go and let God. Para ano pa't tinanggap mong Savior si Jesus kung hindi mo naman Siya kinokunsulta?" "Opo, opo. Kinokonsyensya mo naman ako. Ako na nga tong nasasaktan, eh." "Hindi naman ako nagkulang sayo ng pangaral. Hala sige, maiwan na muna kita at iiyak mo yan kay Lord. At pag tapos ka na, learn from it." Tumayo na si ate Clarice at nagtungo sa pintuan. Binigyan pa niya ako ng fighting sign bago lumabas. Si ate talaga. Kilalang-kilala na ako. Alam niya na I really need to have a quiet and private time with the Lord. Sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang malaking unan. Tapos dun ako nagpatuloy sa hagulhol. Nagdadasal nang mataimtim na sana bukas...bukas mawala na ang kirot sa puso ko. Lord, sana mapatawad mo ang pagiging asyumera ko. Heto tuloy, ako mismo ang nasasaktan ngayon. Hindi ko naman masisisi si David. Kasi nga ako naman tong nagpabaya. Sana bukas wala na to. Please lang, Lord. Please. Please. Please? At yon nga, di ko namalayan na nakatulog pala akong umiiyak. Pag gising ko sa umaga ay nasa kama pa rin ako ni ate Clarice. Dun sa kama ko na lang din siya natulog. Hay buhay Kristiyano. Laging may ups and downs. ARYEN, pwede ba tayong magkita mamaya? Text na naman ni David. Sutil na binata! Anong akala niya sa akin, summoning pet? Napailing ako sa ulo habang tinapon sa kama ang Cherry mobile ko. Ayokong mag-reply. Ayoko. Masakit pa ang puso ko. Kaiiyak ko lang kahapon sa kanya. Tapos ngayon magpaparamdam agad siya? The feels! Paano ako makaka-move on kung si David mismo ay hindi ako pinapatahimik? Wait. Hindi niya naman alam na may gusto ako sa kanya, ah. Napabuntong-hininga ulit ako. Tumunog ang phone. This time it's a call. Hayaan mo lang Aryen! Hayaan mo lang! Brrrrrr. Brrrrr....hanggang sa tumigil ang tunog. Nag beep na naman, text ulit. Nakatayo lang ako habang tinitigan ang phone. Nagsimula ng kumati ang mga daliri ko. Tinapang okra. Nangangati na akong mabasa kung ano man ang laman ng text ni David! Arrrgh. Sinabunutan ko ang sarili ko, surrendering. Padabog ko na lang kinuha yong phone mula sa kama. Tapos sinapak ko ang kaliwang kamay ko bago ko pinagpipindot ang phone. In the end, binuksan ko ang message ni David. David: Please rep. Magkita tayo mamaya, sa Tadakuma pa rin. Pwede? David: Please. May sasabihin lang akong importante. Importante? For sure alam ko na ang sasabihin niya! Nanliit ang mga mata ko habang nagta-type ng reply, tapos yun, SENT! Ako: Busy ako. Busy na ako all the time. I can't meet with you anymore. Yan. Sana matagal ko nang sinabi yon sa kanya. Hindi na sana ako magkakaganito ngayon. Wait. May nakalimutan akong sabihin. Nagpipindot ulit ako nga letters. Tapos sent. Ako: Congrats pala. God bless sa inyo ni Shey. Tapos itinapon ko na ulit ang phone ko sa kama ni ate Clarice. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang ref sa kusina. Bumili si ate Clarice ng ice cream kagabi pero hindi ko na nakain, nakatulog nga ako di ba. Kinuha ko ang isang gallon ng ice cream, flavored cookies and cream. Tapos kumuha ako ng malaking kutsara saka sinunggaban nang pagkabilis-bilis ang malamig na ice cream. This is it. I need ice cream to cool down. Relax-relax din pag may time. Tomorrow's another day. And tomorrow, David Gonzales will be out of my heart! Humanda!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม