NAKAUBOS na ako ng dalawang basong tubig. Pero pakiramdam ko uhaw na uhaw pa rin ako. Buti na lang at isang pitsel ng tubig talaga ang binigay ng waiter. Binuhusan ko ulit ng isa pang round ang baso ko, tapos dali-dali kong ininom. Eh pano di ako uuhawin, kabado ako masyado. Nagtext na kasi si David na malapit na daw siya. Walks away na lang daw. Ewan ko lang kung pareho kami ng depenasyon sa "walks away" baka kasi "miles away." Sana naman hindi.
Opo. Andito ako ngayon sa Tadakuma restawran. Ang lakas pa ng loob ko kanina na hindi ko siya sisiputin, yun pala ako ang hindi makakatiis. Tama nga ata si kuya Grey, tinotolerate ko si David at ang mga pagkikita namin. Nagtext ako sa kanya kanina na busy ako. Nagreply pa naman ng, "galit ka ba?" Tinapang gulay talaga ang David na yan. Pinapakonsyensya ako nang hindi man lang niya alam! Hindi naman ako galit sa kanya. Gusto ko lang talaga siyang iwasan. Kaso pinapahirapan naman niya ako. Ang kulit.
Hayaan mo, ito na ang huling araw na itotolerate ko siya. Napagdesisyunan kong sasabihin ko sa kanya ngayon na hindi na kami pwedeng maging bestfriend. Hindi na niya ako pwedeng i-bestfriend kasi nga lalake siya at babae naman ako. Baka pagselosan pa ako ni Shey. Ayoko naman ng ganon. Low profile lang ang gusto ko sa life.
Anyway, sana mag work out tong plano ko.
Biglang nag ting yung pintuan ng Tadakuma. Bumukas ito. Paglingon ko si David na pala. Oh noseee, yong puso ko nataranta bigla. Pahamak na pag-ibig-wala naman sa lugar.
"Aryen! Sorry, kanina ka pa?" Humihingal na sabi ni David. Napaangat na lang ako sa mukha. Running contest ba ang pinuntahan ni David? Pawis na pawis kasi siya at humihingal pa talaga.
Umupo na siya sa harapan ko habang sinagot ko siya ng, "Pawis mo oh, tulong-tulo na. Yung totoo, sumali ka ba sa Amazing Race Philippines?"
"Joke ba yan?" Tanong niya. Pakainin ko kaya to ng sili? Pfft.
"Hindi. Pero seryoso, punasan mo muna yang pawis mo." Sabi ko habang hinablot ko ang panyo ko mula sa bag, tapos inabot ko kay David. Mabuti naman at kinuha niya. Di naman siya marunong mahiya. Kahit siguro pinahid ko ang panyo sa sipon ko ay tatanggapin pa rin niya. Hindi naman kasi siya maarte.
"Salamat. Pasyensya na at natagalan ako."
"Nasanay na ako, noh. Lagi ka namang late sa usapan natin. Wala namang pinagkaiba ngayon."
"Bitter naman to."
"Saan ka ba kasi galing at pawis na pawis ka? Di ko naman sinabing takbuhin mo yong workplace mo hanggang ditto." Medyo concern kong sabi sa kanya. Okay. Hindi medyo, concern talaga ako. Obvious naman kung bakit di ba? Huehue. Pero last na to. Promise.
"Nagkita kasi kami ni Shey." (insert start the music here—-huehue. ipatogtog niyo ang Steady My Heart ni Kari Jobe, nasa right side nitong story. huehue. plss?)
AHH. Kaya pala. Wow naman, nakakaasar si David kahit di naman niya alam. Naasar ako sa kanya. Date namin to tapos isasali niya sa usapan si Shey? Wow naman. Pero wait, eto na naman ako, assuming na naman. Anong date ba ang pinagsasabi ko? HINDI NAMAN TO DATE! Babae, wag mag assume!
"Pinasakay ko muna siya ng jeep. Ang nangyari, natrapik ako sa bandang mall. Mas mabilis pa ang takbo ko kaysa sa trapik. Kaya tinakbo ko na lang papunta dito galing mall." Sige David, explain pa more! Okay ka din naman, noh? Ang sakit mo kung tumira. Nakakasakit ka sa puso kahit wala ka namang ginagawang masama. May topak nga ata tong puso ko.
"Umorder ka na ba?" Tanong niya ngunit hindi ko na nasagot. Inulit niya.
"Hindi pa." Sabi ko. Ramdam ko ang tamlay ng boses ko.
"Anong gusto mong kainin?" Kinuha niya yung menu sa lamesa pero biglang nawala ang gana ko sa pagkain.
"Busog pa ako, David. Order ka na lang ng sayo."
"Huh? Maaga pa naman ah, mag-aalas syete pa."
"Busog nga ako." Pagdidiin ko. Mukhang nagulat ata siya sa sinabi ko. Kaya naman bigla siyang tumayo tapos hinawakan ang noo ko gamit ng kanyang kanang kamay. Napausod ako sa ginawa niyang yun. Nagulat ako! Nanlaki ang mga eyeballs ko nang maramdaman ang kanyang palad. Pahamak na binata! Lord, bakit???
Tinapik ko ang kamay niya paalis sa noo ko.
"Wala akong sakit." Sabi ko sa kanya. Inunahan ko na lang siya. Yun din naman ang itatanong niya.
"Seryoso? First time yata na tinanggahin mo ang pagkain!" Sabi niya habang bumalik na siya sa pagkakaupo.
"Bakit bawal ba?"
"Hindi maganda na tanggihan mo ang grasya."
"Hindi ako tumatanggi. Kumain na talaga ako bago pumunta dito para di mo na ako ililibre." Palinawag ko. Isang gallon din kaya ng ice cream ang inubos ko kanina! Oo. Seryoso ako. Syempre hindi ko naman naubos agad-agad, the whole afternoon ko kaya yung pinagka-busyhan!
"You did it on purpose? Why?"
"Ayoko na kasing magpalibre sayo."
"Bakit nga?"
"Hindi ba obvious? Akala ko pa naman matalino ka. Ayokong mabawasan pa ang ipon mo sa kalilibre sa akin. Baka sabihin ni Shey na kaya kayo matagal ikakasal kasi nakikihati pa ako sa pera mo."
Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kumunot kunti ang noo niya. Nagkunwari na lang akong umiinom ng tubig para maiwasan ko ang mga mapanuri niyang mga mata. Yan, magiging ice water na talaga tong tiyan ko.
"Bakit mo naman naisip yan. Ginusto kong nililibre ka. Ako nga nagyaya di ba?"
"Ayoko na nga."
Natahimik siya ulit. Ano to, drama? Magdramahan na lang kami dito, parang ganon? Ang batang to. Pinapahirapan akong magmove-on. Last ka na ha.
Humugot muna siya ng hangin bago nagsalita muli. "Ahh. Salamat."
"HUH?" Bigla kong hiyaw. Syempre hindi malakas, slight lang! Huehue.
"Salamat sa sinabi mo, Aryen. At least hindi na ako mahihirapang magpaliwanag sayo tonight." Sabi niya salamat pero bakit matamlay ata ang pagkakasabi niya non? O baka naman sira na tong isang tenga ko?
"Palinawag san? Na nililigawan mo na si Shey? Tapos ako ang pinakahuling tao sa mundo ang nakaalam. Ako na bestfriend mo? Wait, bestfriends nga ba tayo? Curious na kasi ako eh. Baka kasi assuming lang ako na bestfriend tayo. Pwede iclarify mo?"
"Sorry."
"Wow naman, David. Sorry lang? Walang explanation? Sa pagkakaalam ko kasi, nangako ka na sasabihin mo sa akin kapag manliligaw ka na sa kanya." Sorry Lord, mukhang nadala na naman ata ako sa emosyon. Galit na ba ako? Galit ba ako sa ganitong level? Waa. Hiya much naman tong drama ko. Wala naman akong karapatang magalit sa kanya! "Hindi ako galit ha. Wala naman akong karapatan. I'm just someone you know."
Chus! Drama!
"Aryen naman, galit ka ata, eh?"
"Hindi nga ako galit. Nasaktan lang ako sa ginawa mo. Hindi mo agad sinabi. Para akong tanga nang malaman ang impormasyon na yon galing sa ibang tao!"
"Yan, yan ang isa kong problema sayo, eh. Lagi akong napapangunahan ng ibang tao, tapos hindi ka pa nagtatanong ng deretsa sa akin." Pakiramdam ko si kuya Grey ang ibig niyang sabihin. Sino pa nga ba? Lagi naman akong Grey dito, Grey doon sa kanya noon.
"Hindi naman yan ang punto ko, David. Ang rami ng chances na pwede mong sabihinn sa akin. Bakit hindi mo agad sinabi? Respeto man lang bilang kaibigan mo. Pakiramdam ko tuloy hindi mo pinapahalagahan ang pagkakaibigan natin."
"Sasabihin ko naman talaga sayo. Kaso..."
"Kaso ano?"
Napalunok ako ng laway nang biglang sumeryoso ang mga titig niya sa akin.
Tinapang taho! Goosebumps, men!
"Dahil alam kong iiwasan mo na ako pag ganun. Hindi ka na magrereply sa mga texts ko, hindi ka na dadating kapag sinabi kong manlilibre ako, at mas lalong hindi na tayo magpapansinan sa church tuwing Linggo."
"Abnormal ka din naman, ano? Syempre dapat lang, may Shey ka na! Pag ganito pa rin tayo ka-close sa isa't isa, pagseselosan na niya ako. Pero hindi naman ibig sabihin nun na iiwasan kita totally."
"Parang ayoko nang ganun. Ikaw lang naman kasi ang bestfriend ko."
"Abnormal ka nga. Hoy, David ha, wag mong sasabihin sa akin na ayaw mong mawala ako sa buhay mo. Dahil kung ganun, eh sana ako na lang yong niligawan mo at hindi si Shey!"
Oops. Wrong move.
Napalihis ata ang madaldal kong bunganga.
Natahimik kami bigla sa sinabi ko. Nakita ko ring napakurap siya sa mga mata. Pakiramdam ko tuloy biglang uminit ang buong restawran. Hindi naman siguro ako nabuking ano? Para mawala ang biglaang tensyon, dinaan ko na lang sa kalokang tawa. "Haha, syempre biro lang. Point ko lang yon para mas maintindihan mo. Hindi na tayo pwedeng magkita pa, like now."
"Pero Aryen..."
"Excuse me, sir, ma'am, sorry po. Pero oorder po ba kayo?" Biglang tanong ng waitress sa amin. Nakasuot siya ng Japanese apron at may hawak na menu. Oh shooot. Matagal-tagal na pala kaming nag-chismisan dito sa loob. Pero hindi pa kami naka order kahit isa. Oh di ba. Wagas? Pahamak na David kasi.
Now what?