Secret 11

1265 คำ
"DALAWANG ramen, miss. Tapos isang bento ng sushi na rin." "Isang ramen lang, miss. Siya lang kasi ang kakain, eh." Pagtatama ko sa order ni David. Nilakihan niya ako ng mga mata, na tila ba nagsasabing wag akong OA. Hindi naman ako OA. Dramatista lang. Chus. "Dalawang ramen, miss, and that's final." Pagdidiin niya at dali-dali namang sinulat ng waitress ang order niya, ni hindi man lang tumingin sa akin for confirmation. Nabighani ata sa charisma ni David kaya ganon na lang ka insensitive. Umalis na ang waitress at hindi na ako muling nagsalita. Hinayaan ko na lang si David. Feeling like a boss, eh. "Hindi ka pa rin ba magsasalita?" Tanong niya ng mapansin ang pananahimik ko. "Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin." Sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nagkunwari kasi akong busy sa Cherry mobile ko, hindi ito advertisement ha. Kung advertisement to mayaman na siguro ako ngayon. Huehue. "Pero kung may sasabihin ka pa, go. Sabihin mo na lahat habang may chance ka pa." "Bitter ka pa rin?" And then stop. Bitter? Binitawan ko ang phone at nilagay sa ibabaw ng mesa. Tapos nag-angat ako ng mukha upang tingnan si David nang deretso sa mga mata. Bitter daw. Huh. Ako? Bitter? At sino naman siya para maging bitter ako? Magsasayang lang ako ng feeling. Si David Gonzales lang naman siya, no special feeling. Just someone I used to call "my bestfriend." My bestfriend who turned out to be the love of my life and he doesn't even know it. My bestfriend who turned out to be courting someone else. My bestfriend whom God has prepared for another woman, and not for me. He's not exclusively mine in the first place. He's just...just... "Oo, bitter ako. Happy?" Tinapang tokwa! Ginisa Mix! Ano ba tong pinagsasabi ko out of the blue. Napanganga si David sa sinabi ko. Malamang. Confirmed na bitter ako, eh. Bitterela lang ang peg. Kung sa palengke to, bagsak presyo na ako. "B-bakit ka naman bitter? Ganun ba kasama ang ginawa kong paglilihim sayo ukol kay Shey?" Bigla niyang tanong. Parang nataranta nga yong boses niya, eh. Ang lalaking to, nakakawerla na. Lord, matured na nga ba tong si David? Para pa kasing bata kung minsan! O baka naman sa harap ko lang siya ganyan, tapos sa ibang tao hindi naman? Hay naku ewan. Just end it NOW. "Hindi masama. Nakaka-disappoint lang." Sagot ko. "Sige lang, ipagdadasal ko the whole week na mapatawad mo na ako. Kung kailangan kong mag-fasting, gagawin ko." "Hoy, over! No need na. Sinurender ko na kay Lord ang bitterness ko sayo." "Kung ganon, bestfriend pa rin tayo ha? All right?" Natameme ako bigla. Speechless si tita. Bakit ba kasi kailangan ganito si David? Bakit ba kasi ako pa ang bestfriend niya? Bakit? "Hindi na nga tayo pwedeng maging bestfriend." Sabi ko. "At bakit naman hindi? Ano to drama? Nasa totoong buhay naman tayo." "Kaya nga HINDI pwede. Kasi nasa totoong buhay tayo. The reality is, hindi kailan man magwo-work out ang magbestfriend na lalaki at babae. Like duh, a man and a woman? Alam mo ba kung bakit? Kasi sooner or later one of them will develop feelings towards the other, and the other one mustn't even know. Kasi nga, magbestfriend lang. Pero hindi yan ang worst scenario eh. The worst scenario is when you feel like you're ruining your bestfriend's relationship. And you become the subject of jealousy. And jealousy corrupts the soul. We're humans after all. Okay sana kung babae ka, kaso hindi eh. Get it?" Sige Aryen, explain pa more. Kunting-konti na lang at mabubuking ka na. Halata much ka na girl. "I get it. Pero mindset lang kasi yan, Aryen. Mindset ng tao. Kaya ierase mo na ang ganyang mindset kasi hindi naman tayo madedevelop sa isa't isa. I have Shey, and you are reserved for someone even better than Grey. And I mean it." "Hindi madedevelop? Huh! You will never know." Medyo mataas na ang boses ko dito. Nakakaasar na talaga si David. Hindi daw madedevelop? Maswerte lang talaga siya kasi AKO ang unang nadevelop sa kanya!!! Kung si David ang nasa sitwasyon ko ngayon, tiyak kong masasabi rin niya ang mindset ko. "So, are you telling me that you like me? That you have fallen for me? Your bestfriend? Is that it?" Biglang sabi ni David Gonzales, wala man lang preno. Tuloy-tuloy. Wagas. Napanganga tuloy ako. Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko kasabay ng aking panga. Oh sahig, hilahin mo ako! Ang mga mata ko'y tila bolang apoy na nagliliyab, hindi sa galit, kundi sa sobrang hiya. Alam kong tama siya. He finally got a point there. And I couldn't blame him because I was the one who initiated it. Binigyan ko siya ng hints. Ang tanga ko din naman, ano? Grabe. This is frustrating. Napatayo ako bigla sabay hampas ng dalawang kamay sa mesa. Nabigla ko siya sa kilos kong yun. And I don't care now. "Wow naman, David, ang taas din naman ng confidence mo, noh." "Did I...get it right?" Shoot. Talagang nag eye to eye contact kami. Ang maunang umiwas, talo. Luhaan. Chus. Well, sisiguraduhin kong hindi ako ang unang iiwas. "If I say yes, what will you do then?" Sabi ko na para bang nanghahamon. "Is that a confession, Aryen?" Hindi ko na mawari kung ano ang ibig ipahiwatig ng tono sa boses ni David. As of this time being, I finally regret that he's my bestfriend. I finally get why ate Clarice doesn't want me to get close to him. I get it now. Because it is painful. Hurting. And it makes me want to self-pity. And by doing so, I just committed a sin. Oh God. Whether David will hate me for it or not, I don't care anymore. I don't care if he knows my feelings for him. Hindi naman namin sinadya na magkaganito ako—na magkagusto ako sa kanya. Whether he pities me or not, it won't concern me anymore. Because after all this, we're no longer bestfriends. "I asked you first, so answer me first. What will you do if what you said is true? What will you do if this insanity, these words, is actually my confession?" Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni David. Alam kong hindi niya inexpect ang tanong. At lalong hindi niya aakalain yon. All this time he ONLY thinks of me as his bestfriend. Kaya naman alam ko na ang sagot sa tanong ko. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang sagot. I read it all. He's too obvious. He doesn't feel the same way. I am, after all, a bestfriend. Just a bestfriend. "Kung totoo yan, Aryen, alam kong alam mo na ang isasagot ko." "I still want to hear it though." Natahimik siya ulit. Pakiramdam ko tuloy nasa loob kami ng Korean drama. Tapos ito yong scene kung saan madudurog ang puso ng babaeng bida. The only difference is that hindi ako ang bida dito. Iba ang bida sa puso ni David. "Then..." sabi niya, "...I will have to avoid you." BOOM! Alam ko. Dapat lang. Pero ang mga salitang yon ay dapat sana sa akin nanggaling. Ako naman kasi ang dapat umiwas. Kasi ako yong may feelings. Pero napangiti nalang ako. Syempre drama lang ang ngiti. To cover up the pain, you know. Kahit alam kong obvious naman sa mukha ko. Akala ko tapos na siya. Hindi pa pala. "I have to avoid you. Because Aryen, you're not the woman I have prayed to God for so long." Lord, I'm counting on You. Please fix my shattered heart.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม