“JC!!!” natitilihang hiyaw ko sa pangalan nito bago ako tumakbo palapit sa kinauupuan niya. Malakas kong ipinukpok ang kamao ko sa kaniyang ulo at nagngingitngit na tumakbo palabas ng kusina. Malalaki ang mga hakbang kong nagtungo sa loob ng aking silid upang madaling magpalit ng kasuotan. “Bw*sit!” nanggigigil kong usal. Sa dinami-rami ng lalaking pwedeng makakita ng katawan ko ay parati na lamang si JC ang nakakatiyempong makakita niyon. “Sinasadya ba talaga ng lalaking ‘yon na mamboso sa akin,” nanggigigil kong bulong sa isipan. Matapos kong makapagpalit ng damit ay agad akong lumabas ng silid upang balikan si JC sa kusina. Magtutuos kaming dalawa! Nagpupuyos sa ngitngit ang dibdib ko habang papasok sa may pintuan ng kusina, ngunit natigilan ako ng wala roon ang binata. N

