“Stella, wake up!” Gising ko sa dalagang nakapadapa sa ibabaw ng aking katawan. Akap-akap ko pa rin siya nang gumulong kami mula sa itaas na bahagi ng talon. Mabuti na lang ay madamo ang kinabagsakan naming dalawa ni Stella kung kaya hindi nabagok ang ulo namin. Nawalan nga lang siya ng malay nang matapos naming mahinto sa patag na bahagi ng lupa. Nabigla siguro siya sa pangyayari. Mataas din ang pinagmulan namin at mabuti na lang ay maagap ko siyang nayakap. Nagpagulong-gulong lamang kaming dalawa hanggang sa tuluyang mapunta rito sa ibaba. Pinakiramdaman ko ang sariling katawan kung mayroon bang nabali sa mga buto ko. May gasgas akong natamo sa bandang siko at ramdam ko ang paghapdi niyon. “Wake up, Stella...” Muling gising ko sa dalaga. Pag-ungol lamang ang naging tugon niya sa

