Kahit inis na inis akong makita ang pagdidikit nina Vera at JC ay tiniis ko. Iniisip ko na lang kunwari na multo silang ‘di nag-e-exist sa aking paligid. Wala akong choice kundi sumama sa pagpunta sa talon upang ‘di masabi ni Vera na wala akong word of honor. Kahit naman nabubw*sit ako sa kanilang dalawa ni JC ay hindi ko pa rin ugaling magpatalo. Lalo na’t ganda ang puhunan este isang salita pala! Nauna na akong naglakad upang ‘di lalong mabw*sit sa nakikita kong landian ng dalawa. Tiyempo namang nadaanan namin si Mark na nakaupo sa may sanga ng punongkahoy. “Mark!” sigaw ko sa binatang tila nagmumuni-muni sa kaniyang paligid. “Uy, Stella!” ganting bati nito. “Kailan ka pa dumating?” tanong pa niya sa’kin sabay lundag mula sa sanga. “Kahapon lang,” tugon ko naman sa binata. “Te

