Wala na sana akong planong magluto, pero biglang sumulpot sa likuran ko si JC na sumunod din pala agad sa’kin. Nakita niya ang pangyayari kaya wala siyang imik na pinaalis ang pusa sa ibabaw ng lamesa. Nakakainis lang! Ang lambing niyang pinaalis ang pusa pero kapag ako naman ang kaharap, akala mo ay kaaway. At dahil kinain nga ni mingming ang almusal sana naming dalawa, nagluto na lamang ulit ako ng bagong kakainin. Hindi na rin siya umalis pa sa loob ng kusina at tahimik na lamang niya akong pinanood sa pagluluto. “Ano ang plano mong gawin habang narito ka?” kapagkuwa’y tanong ko sa kaniya habang kumakain kami sa may harap ng hapagkainan. “E ‘di wala...” tugon niya habang patuloy lamang siya sa pagkain. Inismiran ko siya kasabay nang pag-iisip ng pwedeng magawa habang narito

