Chapter 13 - Annchen

2528 คำ
Alas sais ng gabi ang bilin ng Papa niya para sa dinner. Alas sais y media na ay hindi pa siya nakahanda. Balak niyang suwayin lahat ng utos ng Papa niya mailabas lang ang inis sa dibdib niya. Tulad ng sinabi ng ama, wala namang ibang magmamana ng lahat kung hindi sya. Bakit pa niya kailangang mag-effort? Hindi siya binibigyan ng Papa niya na magdesisyon para sa sarili niya, pero hindi na siya batang sunud-sunuran na basta na lang tatango o yuyuko sa bawat utos ng ama. "Lady Annchen..." Hindi tinig ni Ayah ang kumakatok sa labas. Alam niyang nasaktan niya ito sa mga nabitawan niyang salita kanina. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang isang Pilipinang katulong. "Lady Annchen, hinahanap na ho kayo ng Papa niyo." "Pakisabi ho na bababa na ako in ten minutes." "Eh... Gusto na hong itapon lahat ng kubyertos..." alanganing wika ng katulong. "Lumayo-layo lang kayo para hindi kayo tamaan." "Buti ho sana kung ganoon lang eh. Baka ho may mawalan ng trabaho kapag may nagkamali sa mga katulong at natyempuhan ni Señor Fernando." Isang buntunghininga ang pinakawalan niya. Kinokonsensya siya ng katulong kasi alam nitong maawain siya. Katulad siya ni Ayah na kapag puwede namang palagpasin ang isang bagay ay hahayaan na lang lalo na kung makakapinsala ng iba. "Five minutes." "Puwede ho bang hintayin ko na lang kayo?" Umikot ang mata niya sa inis. Pinapasok niya rin ang katulong kalaunan. "Nasaan si Ayah?" "Hindi ko pa ho nakikita mula kanina." Napilitan na siyang magbihis dahil sa naghihintay na katulong. Sa hagdan pa lang ay naririnig niya na ang singhal ng Papa niya sa isang tauhan. Nasa labas ito ng recreation area kung saan isasagawa ang dinner meeting nila. Sumisikdo ang dibdib niya tuwing makakarinig siya ng kalabog. Hindi biro kapag nagalit ang Papa niya. "Good job, Lady Annchen," pang-iinis pa ng Mama niya nang pumasok siya sa dining room. "Your father fired two maids and one bodyguard. What are you trying to prove everyone here?" "I don't want to prove anything to anyone." Nagsimula siyang sumandok ng pagkain kahit wala pa sa silya nito ang Papa niya. "You maybe Fernando's only heiress, but he still is the king of the house. Remind me to train you again about the house rules tomorrow. But do me a favor, dear... Wait for your father to come back before you enjoy that food on your plate." Hindi na siya nakipagtalo sa ina-inahan. Hinintay niya ngang makabalik ang Papa niya na abala na sa paghahanap ng mali sa mga tauhan para may mapagbuntunan ito ng galit. Nang umupo na ito sa hapagkainan ay tahimik na ang lahat. Hindi niya matandaan kung kailan sila nagkasama-sama sa isang hapunan na kasama ang ina-inahan at ang inaakalang dalawang kapatid. Kung noon ay ikatutuwa niya ang ganitong pangyayari, ngayong alam niya nang hindi niya kadugo ang mga ito, naglaho ang lahat ng kagustuhan niyang magkalapit-lapit silang lahat. Tiyak niyang hindi naman siya tanggap ng ina-inahan noong una pa lang. "What took you so long?" deretsong tanong ng ama sa kanya. "I was busy with my manuscript I lost track of time." Totoo naman na may tinatapos siyang manuscript. Pero kasinungalingan na hindi nya napansin ang oras. Ni wala nga siyang nagawa sa manuscript niya dahil bantay niya yata bawat minutong lumipas. "Non ti ho detto di ignorare tutte le tue attività scolastiche? Non ne avrai più bisogno, Annchen!" (Did I not tell you to disregard all your school activities? You will not be needing that anymore, Annchen!") Sumikdo na naman ang dibdib niya sa malakas na boses ng Papa niya. Mas malakas ngayon kaysa kanina dahil ngayon ay magkaharap na sila. Gayunman ay hindi niya gustong magpakita ng pagkasindak. "I won't leave everything behind, Papa, you know it's my dream. I am trying to fulfill your wish to be what you want me to be. But, can you also accept what I want to do with my life? It makes me happy. Can you just let me do what I want inside this house?" Nakita niya ang panlalaki ng mata ng Mama niya nang sagutin niya ang ama. Napatingin ito kay Fernando pagkatapos na tila hindi makapaniwala na sumagot siya nang ganoon. "Okay, I will let you do your hobbies. But, make sure to be responsible next time. You are wasting other people's time by making them wait for you for half an hour. That's so unprofessional and rude." "Yes, Papa..." "I told her that I will train her good manners and our rules in this house, Fernando," sabat naman ng Mama niya. "No. I will train my daughter myself. As I've told her this morning, she will be my assistant starting tomorrow." Sumandok na ito ng pagkain kaya't sumandok na rin ang Mama niya pati ang dalawang kapatid. Siya ay kanina pa may pagkain sa pinggan kaya't nagsimula na siyang kumain. "Le presenterai tutto?" (You will introduce to her everything to her?" tanong ni Orlando. "Yes. Little by little she will embrace what it is to be a real Lady Annchen." "Sei sicuro che non urlerà di terrore?" (Are you sure she won't scream in terror?) Isang nakakainis na ngiti ang pinakawalan nito. "Your sweet little girl years for romance, tenderness, and compassion. I can't imagine her being ruthless, savage, and---" "My daughter is a true Valentino, Rosalia," inis na sagot ng Papa niya sa Mama niya. "Don't ever forget that." Hinayaan niya lang mag-usap ang mga ito habang inaabala niya ang sarili niya sa pagkain. Bukod sa wala siyang interes, hindi niya gustong salubungin ang mga mata ng Mama niya na puno ng pangungutya dahil sa tingin nito ay mahina siyang babae. "Stamattina sono arrivate sei donne, papà. Le ho mandate direttamente al nostro circolo." (Six women arrived this morning, Papa. I sent them straight to our club.) Si Orlando ang nagsalita. Napaangat ang tingin niya sa itinuring na kapatid sa mahabang panahon. Naghihintay lang ito sa isasagot ng Papa niya. Pero nang mapansin na napalingon siya ay sinalubong nito ang mga mata niya. "How old are these women? Mr. Pilaris wants younger and innocent--" "Why do we need women?" Kaagad siyang sumabat. "To sell s*x," kaagad sagot ni Orlando na inaakit siya ng tingin. "Our clients are exploring to new s*x adventures. They want to taste young women. Young. Inexperience. Women." Sinadya pa talaga itong isa-isahin ang sinabi saka hinintay ang reaksyon niya. Gusto niyang manghilakbot sa pag-uusap na iyon. Nawalan siya ng ganang kumain kaya't pinunasan niya ang labi ng table napkin. "That's good news, Orlando." Matamis na ngumiti ang Mama niya na tila proud na proud naman sa panganay na anak. "You always do your job exceptional. You can be a good leader of this organization." "He will stay at Casa del Florence as my trusted right hand. It will take some time for my daughter to learn everything so I need your full cooperation as she prepares to be the President soon. Nothing will change for now except Annchen will join the organization," sagot naman ng Papa niya sa pahayag ng asawa nito. "Benvenuta in FTG, Lady Annchen. Sono così felice di lavorare per voi." (Welcome to FTG, Lady Annchen. I am so glad to be working for you.) Hindi niya ginantihan ang ngiti nito. Sa katunayan ay kanina pa siya hindi ngumingiti. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mundong ginagalawan ng buong pamilya niya na naitago sa kanya sa matagal na panahon. Ang alam lang niya noon ay dahil mayaman sila kaya siya palaging may bodyguard. Na dahil sa mga Rossini na mahigpit na kaaway ng pamilya nila kaya may panganib sa kanilang kaligtasan. Sila pala ang dapat na katakutan. Sila ang nagdudulot ng kapahamakan sa ibang tao. "How was the shipment of the cargo the other day, Ricardo?" tanong ng Papa niya. Sa mag-iina ay si Ricardo ang kanina pa hindi nagsasalita. Hindi naman talaga palaimik ang kapatid niyang ito kahit noon. "Everything is complete, Papa. Goods will be out next week." "Are those good firearms? Where is the list? How did you know it is complete?" "Mr. Chen sent the list in my email." "And then? How did you know it is complete?" "We already had four transactions with them without any delay and discrepancies. Mr. Chen assured me he personally checked the goods and the shipment itself." "That's it? Just because he assured you? Did you even check our previous shipments if it was really complete?" "No, Papa." "Allora, non è completo! Ti avevo detto di non fidarti della parola di nessuno, Ricardo! (Then, it is not complete! I told you not to trust anyone, Ricardo!) Hindi na nangatwiran ang kapatid niyang si Ricardo. Sa ilang sandali ay nanatiling tahimik sa hapagkainan habang kinakalma ng Papa niya ang sarili. "L'altro tuo figlio non stava facendo bene il suo lavoro, Rosalia. Dobbiamo controllare quanti milioni abbiamo perso a causa della sua incompetenza." (Your other son wasn't doing his job properly, Rosalia. We need to check how many millions we've lost because of his imcompetency.) "My son is not incompetent," madiin namang sagot ng Mama niya. "He had been your faithful servant since he was sixteen years old." "I need to check that cargo tomorrow evening to see it with my own eyes. From now on, I will demand you to report to me all the time what's happening with your shipment!" Tiningnan ng Mama niya ang anak at senenyasan na tumango na lang. Napilitan namang sumunod si Ricardo sa ina. "Is Lady Annchen going with you too?" Sandaling tumingin ang ama sa kanya na tila hindi pa nagdedesisyon. Wala siyang balak sumama dahil hindi siya interesado sa kung anuman ang shipment na iyon. "No. It's dangerous for women to go to Pier 17." "If it is part of her job, why should you spare her from going?" nang-iinsulto nitong wika. Siya naman ang sumagot dala pa rin ang inis sa dibdib. "Did I remember you told me to stop interrupting Papa when he said something so?" Paalala niya sa madrasta. "If he said I'm not going with him, I'm not going." Kung sasagot pa ang Mama niya ay hindi siya mangingiming sagutin ito ulit nang pabalang. Wala siya sa mood ngayon at mainit din ang ulo niya. Kinuha niya ang kopita ng alak na nasa harapan at tumikim nang kaunti. Pakiramdam niya'y makakalma ng red wine ang dibdib niya. Inabot pa ng isang oras ang meeting nila na hindi niya pinagtuunan ng pansin ang pinag-uusapan ng mga ito. Gusto niya na lang magkulong sa silid at matulog, o kaya'y lumabas sa mansyon at magwala sa bar na mag-isa. Baka puwede siyang lumabas ngayon kung masasamahan siya ni Miguel. Narinig niyang aalis pa ang Papa niya at si Orlando para bisitahin ang ilang casino na hindi nadadalaw ng Papa niya. Bukas pa naman siya magsisimula sa trabaho bilang si Lady Annchen. Hindi pa rin niya nahanap si Ayah paglabas niya sa recreation area. Pero naroon si Miguel na kaagad niyang kinausap. "Hintayin mong mag-alas dyes, mahal," pabulong nitong sagot. Palihim nitong inabot sa kanya ang earpiece para makapag-usap sila nang palihim. "Nasaan ba si Ayah? Kailangan ko ng damit niya." "Nagpapahangin sa rooftop. Nakita kong nakaalis na ang Mama mo. Ang Papa mo at si Orlando na lang ang kailangan nating paalisin." "Paano si Ricardo? Ang alam ko'y wala siyang lakad dahil kinagalitan siya ng Papa kanina." "Huwag mong alalahanin si Ricardo dahil hindi siya katulad ng mag-inang Rosalia at Orlando." Nasabik siya sa kaisipang makakalaya siya kahit sandali sa tila kulungang bahay nila. Gusto niyang magpakalasing nang tuluyan dahil nabitin siya sa alak kanina sa hapunan. "Kumusta ka?" Napalingon siya kay Miguel na hindi naman siya nilingon dahil nakatuon ang atensyon nito sa paligid. Sila na lang yata ang tao sa kalsada dahil papunta sila sa Florence. Mas malapit daw iyon sa Lucca at may club itong alam na mas kaunti ang tao at mas payapa ang lugar. Ibig sabihin ay sa liblib na lugar ang tinutukoy ni Miguel. Okay lang naman dahil ang gusto niya lang ay ilabas ang inis sa dibdib niya. Ang gusto lang niya ay huminga. "Hindi ko alam kung para saan ang tanong mong 'yan, Miguel." Ibinaba niya ang salaming bintana ng kotse at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin. "Sinabi ni Ayah ang kalagayan mo. Nasasaktan siya para sa 'yo." "I am fine. Tulad ng sabi ni Papa, isa akong Valentino. I should act and behave like one." "Pero isa ka ring Melendrez, huwag mo sanang kalimutan 'yun." "Ibig mo bang sabihin ay dapat akong maging mahina?" "Sa tingin mo ba mahina si Ayah?" Nilingon siya ni Miguel sa unang pagkakataon. "I don't know, Miguel. Hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko." "Ngayong alam mo nang si Ayah ang totoo mong ina, huwag kang mag-atubiling humingi ng tulong sa kanya. Siguro nga ay mahina siya sa paningin mo, pero kaya niyang isuong sa panganib ang buhay niya para sa 'yo." Hindi na siya sumagot. Tahimik na lang din si Miguel na nakatuon ang konsentrasyon sa paligid para manatili siyang ligtas. "Nasaan tayo?" tanong niya nang ihinto nito ang sasakyan sa isang maliit na bar. Sa kabilang dako naman ay mababasa ang malaking billboard na 'Piacere'. "Dito lang tayo kung ang gusto mo lang ay uminom. Sa entrance lang ako ng club para manmanan kung sino ang mga pumapasok. Kaibigan ko ang may-ari ng club kaya't nasisiguro ko na ligtas ka dito. Huwag mo lang tatanggalin ang salamin mo nang hindi ka na makakuha pa ng atensyon." Marami din ang tao sa loob. Pero halos walong metro lang ang dance floor at puno rin ng kabataan ang bawat mesa. Kaya siguro siya doon dinala ni Miguel ay dahil halos kabataan lang ang naroon. Ni walang lumilingon sa kanya dahil mukha siyang guro sa suot niyang salamin. Iyon naman ang gusto niya. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino sa ngayon. Pinili niya ang upuang halos tago na sa karamihan ng tao. Baka kahit si Miguel ay hindi siya matanaw roon. Madilim sa parteng iyon ng bar dahil hindi na halos naaabot ng ilaw. Dalawang shots kaagad ng brandy ang inubos niya. Ang sabi ni Miguel ay isang oras lang siya puwedeng magtagal roon. Ayaw pa sana niyang umuwi kaagad pero hindi niya gustong mag-alala si Miguel sa kaligtasan niya kapag mas lumalim pa ang gabi. Pangatlong shot ng brandy ay matapang na siya. Kung sa Skyline sana sila nagpunta, baka may kasama na siyang lalaki ngayon sa dancefloor para mawala lang ang inis niya. Pero walang gustong makipagkilala sa kanya ngayon dito dahil puro grupo ng kabataan ang natatanaw niya. At wala siyang mapang-akit na damit na dala ngayon katulad noong una siyang tumakas. Gusto niyang puntahan si Miguel sa entrance ng bar para ito ang yayaing magsayaw. Pagtayo niya ay bumangga ulit sa kanya na hinapit kaagad ang baywang niya. "We've met again, Señora..." Sumikdo kaagad ang dibdib niya nang magsalita ang lalaki at ibinalik siya sa sulok na iyon. Gusto sana niyang masindak kung hindi lang niya naamoy ang pabango na gustong palambutin ang mga tuhod niya. Ito ang lalaking nakabungguan niya sa fire exit!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม