Chapter 12 - Annchen

1629 คำ
Sa hardin siya dinala ng mga paa niya. Gusto niyang umiyak sa inis. Lahat ng inilatag na plano ng Papa niya ay hindi niya pinangarap para sa sarili. Ang gusto niya ay magsulat, magtanim ng halaman at mamitas ng mga bulaklak, at magkaroon lang ng simpleng buhay. Hindi niya gustong maging si Lady Annchen. "Tuo padre ha convocato per un incontro la sera." (Your father called for a meeting in the evening.) Napalingon siya sa Mama niya katulad ng dati ay wala man lang simpatya kung tingnan siya. May hawak din itong sigarilyo at pinaglaruan ang usok sa ere. "Yeah..." Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot. Ibinalik niya ang tingin sa magagandang bulaklak sa hardin. Inaako ng Mama niya na pag-aari nito ang hardin dahil ito ang asawa ng Papa niya. Pero kung tutuusin ay si Ayah ang naghirap doon na magtanim at alagaan ang mga halaman. "Mi ha detto di chiamarti Lady Annchen. Quindi ora sei la regina della casa". (He told me to call you Lady Annchen. So, you are the queen of the house now.) "Of course, you are. You are his wife." Hindi nito sinagot ang pahayag niya. O sinalungat man lang. Wala itong balak ipagkausap sa kanya ang bagay na iyon. "Fernando hates waiting so make sure to show up on time. And he hates being interrupted when talking, or being objected. Whatever he decides that against your will, don't try to argue anymore. Another thing, everything that we discuss in the meeting stays inside that room. It is confidential. Make sure to remember these rules, Lady Annchen." Ang Lola niya ay tinatawag na Lady Carmel noong nabubuhay pa ito. Dapat ay Lady Rose ang itinatawag sa Mama niya ngayon kung ito sana ang napiling sumunod na Presidente ng kompanya kapag nag-retiro ang Papa niya. Hindi na siya nagtataka ngayon kung bakit matabang ang pakikitungo ng Mama niya sa kanya. Bukod pa sa bunga siya ng kataksilan ni Fernando dito. "You are the queen of his house. No one would want to take that position away from you. Neither do I. Call me Caitlin Anne," matabang niyang wika. "You are not listening. I just told you that you should not argue about your father's decision. You are Lady Annchen and everyone in this house would call you by that name from now on." "And when would you call me your daughter?" Naisipan niyang mang-inis sa ginang. Puno ng inis ang dibdib niya ngayon na lahat yata ng tao sa paligid ay gusto niyang pagbuntunan. "Didn't my father ordered you to treat me like your daughter too?" Hindi ito sumagot. Umalis na lang itong walang sabi-sabi sa tabi niya. Lalo tuloy nagrerebolusyon ang dibdib niya dahil wala siyang mapagbuntunan ng inis. Nang wala nang magawa ay umakyat siya sa silid at doon nagmukmok. Gusto sana niyang libangin na lang ang sarili sa pagsusulat pero hindi niya mahanap ang konsentrasyon. Palakad-lakad lang siya sa silid. O sa balkonahe para tanawin ang malawak nilang ari-arian. "Lady Annchen..." Tinig ni Ayah ang pumuno sa tahimik niyang silid. "Oh, please... Pati ba naman kayo, Ayah?" Hinarap niya ang ginang. Kung kanina ay hindi niya naibunton sa Mama Rose niya ng inis, ngayon ay puwede niyang gawin iyon kay Ayah. Tiyak na mahaba ang pasensya nito at hindi magagalit kahit pa magtaas siya ng boses. Pero hindi niya magawang magtaray ngayon. Para siyang nakahanap ng kakampi sa tunay niyang ina na itinuring niyang yaya sa matagal na panahon. "Narinig kong sinabihan ni Rose ang lahat ng tauhan na Lady Annchen ang itawag sa 'yo. Hindi mo ba gusto ang taguring 'yan?" Malambing ang tinig nitong hindi mo gugustuhing sungitan. "No..." Sa wakas ay nagpasya siyang umupo sa gilid ng kama. "Ano ang gusto mong itawag ko kung gayun?" "Anne. Just Anne." "Sige, simula ngayon, Anne ang itatawag ko sa 'yo." Napatitig siya sa ina. Umiwas itong salubungin ang tingin niya. "How did you agree to all of this?" lakas-loob niyang tanong. "Anong... ibig mong sabihin?" Naroon ang pagkabalisa sa mukha nito. "Papa told me everything. Do you have a family back in the Philippines?" Isang alanganing ngiti ang pinakawalan nito. Bata pa si Ayah; nasa kwarenta y siete anyos pa lang. At bagama't morena ang kutis, hindi maitatanggi na maganda rin ito at malambing pang magsalita. Kaya siguro nagkagusto ang Papa niya at hindi nakaiwas sa tukso. "Buhay pa naman sina Inay at Itay. May mga kapatid din ako na nasa iba't ibang probinsya na nang mag-asawa." "And you? Do you have a husband?" "Wala..." Malungkot itong umiling. "Maagang namatay ang una kong asawa kaya't napilitan akong mangibang-bansa para maitaguyod ko ang... ang anak namin..." "You have a son?" Namilog ang mata niya nang marinig na may anak ito sa una. Ibig sabihin ay may kapatid siyang totoo. "Oo. Matanda siya sa 'yo ng sampung taon. Nawalay kami sa mahabang panahon noon dahil akala niya'y pinabayaan ko siya." "Where is he now?" Isang kibitbalikat ang isinagot nito. Pagkatapos ay alanganing ngumiti. "Baka nakakaistorbo na ako sa pagpapahinga mo. Nagpahanda ang Mama mo ng maraming pagkain para sa hapunan niyo sa mahabang mesa." "She is not my real mother. You all lied to me all this time." Muli itong natigilan. Sinamantala niya ang pananahimik nito. "Hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit kayo pumayag na manatili dito sa mansyon at magpanggap na katulong? Bakit pumayag kayong makiapid kay Papa?" Pinagsalikop nito ang dalawang kamay na tila batang napagalitan. Nakayuko itong ayaw tumingin sa kanya. Tama nga ang Papa niya, nakuha niya ang pagkakaroon ng mahinang loob kay Ayah. Hindi siya puwedeng ganito kapag siya na ang tumayong Presidente ng kompanya. Kailangan niyang patatagin ang dibdib niya. "Kung may galit ka sa akin dahil itinago ko ang totoo, humihingi ako ng tawad." "Yes, I am angry, I am furious, I am shocked..." Muli siyang tumayo nang bumalik ang inis sa dibdib niya. "Why, Ayah? Why?" "Kinailangan ko ng malaking pera noon," sagot nito na puno ng pait sa tinig. "May sakit ang anak ko at kailangan niyang masalinan kaagad ng dugo at ma-confine ng matagal sa ospital. Sinusuportahan ko ang kapatid ko sa pag-aaral kaya't wala akong ipon. Saang kamay ng Diyos ako kukuha ng isang milyong piso?" "What do you mean? Did you sell your body to my father?" "Matagal nang kasal ang Papa at Mama mo pero hindi pa sila nagkakaanak. Ang Lolo mo ang nagsuhestyon na mag-anak ang Papa mo sa ibang babae para magkaroon ng tunay na Valentino. I offered myself..." Gusto niyang mangilabot sa mga narinig. Ni hindi pala magkasintahan ang dalawa katulad ng sinabi ng Papa niya kanina. Literal na ipinagbili ni Ayah ang sarili para mailigtas ang kapatid niya sa bingit ng kamatayan. "My family has billions of money... Bakit hindi na lang ipinamigay ang isang milyon sa 'yo?" "Don't blame your grandfather, Annchen. Not even your father." "Bakit hindi ko sila sisisihin? Sinamantala nila ang gipit mong kalagayan para sa pansarili nilang kapakanan. Papa even told me you had an affair with him when it was clear that they used you." "Totoo ang sinabi ng Papa mo..." Itinakip nito ang kamay sa mukha saka nagpahid ng luha. "What? You really had an affair with my father?" "Patawarin mo ako, anak. Nalunod din ako sa kalungkutan noon na natutunan ko rin siyang mahalin. He showered me all the material things and his time... and love... "Love? Or s*x?" sarkastiko niyang dugtong sa sasabihin nito. "Hindi ko pinagsisihan ang lahat ng nangyari dahil maraming magandang naidulot ang pakikiapid ko sa Papa mo." "Oh, yeah... Money... Did you become a billionaire too?" "Akusahan mo na ako na mukhang pera, tatanggapin ko. Marami kang hindi nalalaman kaya't madali mo akong husgahan." "Hanggang ngayon ba ay may relasyon pa rin kayo ng Papa?" Hindi ito sumagot. Hindi niya tuloy alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Hanggang ngayon ay tumatayong mistress ang tunay niyang ina sa Papa niya. "I think I would get sick with all of those revelations about my past, my life and my future. Sana hindi niyo na lang ako ipinanganak." "Huwag na huwag mong sabihin 'yan, Caitlin Anne!" Sa unang pagkakataon ay nagtaas ng boses sa kanya si Ayah. Pero wala ang galit sa mukha nito kung hindi ang sakit. Hindi niya naiwasang mangilid ang luha sa inis sa sarili at sa lahat ng nangyayari ngayon sa kanya. "At bakit hindi?" mapait niyang tanong. "Dahil hindi mo alam kung gaano ako nagsakripisyo na maging kabit ng Papa mo manatili lang sa tabi mo at maalagaan ka. Kaya hindi ko pinagsisisihan na naging puta ako ng Papa mo dahil ikaw ang magandang regalong iyon." "You could have change the course of your life, Ayah." "Pero ang tanging paraan para hindi ako ilayo sa 'yo ay ang manatili sa kama ng Papa mo kung kinakailangan niya ng babaeng hindi tuod katulad ng ina-inahan mo. Hindi kita kayang iwanan dito kahit kailan. Mamamatay akong ako ang kasama mo. Ang nag-aalaga at nagpapadama ng pagmamahal sa 'yo. Trabaho iyon ng isang totoong ina, Caitlin Anne." Tuluyang naglandas ang luha niya sa pisngi na hindi niya pinagkaabalahang pahirin ng kamay. Gusto niyang namnamin ang luhang iyon para makabawas man lang sa bigat na dinadala sa dibdib niya. "Kaya ka naisilang sa mundong ito dahil nangailangan ako ng pera para sa kapatid mo. Hindi ibig sabihin na nailigtas mo siya ay pababayaan na kita. Kailangan mo akong higit ngayon. Kahit itaboy mo ako sa galit mo ay hindi ako mawawala sa tabi mo." Tuluyang siyang humagulgol nang lisanin ni Ayah ang silid niya. Gusto niyang itapon ang lahat ng gamit sa silid niya. Hindi niya kailangan alinman sa mga iyon. Ang gusto niya ay makalayo sa lahat ng ito at kalimutan na isa siyang Valentino.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม