"Ayah?!" Mas lalo lang siyang nawindang. Parang gustong umikot ng paligid niya.
"Yes. Your nanny."
"P-paano nangyari 'yun?" Halos wala nang lumabas na tinig sa lalamunan niya. Ang sumagi sa isip niya ay kung paano siya asikasuhin ng inaakala niyang yaya. At kung paano ito mag-alala palagi kapag masama ang pakiramdam niya o naiinis siya sa Mama't Papa niya.
"She was your grandfather's nurse for a long time. I was already married to your Mama at that time when I had an affair with her."
"At... alam ni Mama ang pagtataksil niyo?"
"Yes. Hindi niya ako mabigyan ng tagapagmana kaya't wala siyang magagawa nang mabuntis si Ayah sa 'yo. Pero hindi ko naman tatanggalan ng mana sina Orlando at Ricardo dahil iyon ang kapalit para akuin ka niyang parang tunay na anak."
"Akuin bilang tunay na anak? No, Papa. We both know she didn't." Kung babalikan niya ang nakaraan, ngayon niya naiintindihan kung bakit ganoon katabang ang pagtrato sa kanya ng Mama niya. Akala niya'y sadya lang wala itong emosyon.
Kung mayroon mang kunswelo sa lahat ng nangyayari ay ang kaisipang ang totoo niyang ina pa rin naman ang nag-alaga sa kanya simula noong maliit pa siya. Na hindi siya nawalay dito at ipinaramdam sa kanya ang pagmamahalna hinahanap niya sa Mama niya.
"Pero katulad ng sinabi ko kanina, hindi sila ang mamamahala sa kompanya dahil hindi sila tunay na Valentino. Ikaw iyon, Annchen," putol ng Papa niya sa pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan.
"Wala akong balak mamahala ng multi-billion company, Papa. Ano naman kung hindi mo tunay na kadugo sina Orlando? Valentino pa rin ang nasa dokumento nila at wala namang nakakaalam ng katotohanan na hindi mo sila anak."
"You don't understand."
"I clearly understand, Papa. And I could tell you now, I am not capable of handling any businesses under FTG. Hayaan mo nang si Mama, Orlando at Ricardo ang mamahala sa lahat ng yaman niyo. All I want is a simple life."
"Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang Mama?" Ang tinutukoy nitong muli ay ang Lola niya. "Tuwang-tuwa si Papa noon sa 'yo. You were smart and playful sweet little girl when they were still alive. Kaya gumawa ng testamento ang Papa na sa isang tunay na dugong Valentino lang mapupunta ang pamamahala ng FTG. Hindi napalapit ang loob niya sa mga anak ni Solita."
"Pero--"
"This isn't a request but an order, Annchen. Pagkatapos ng semestreng ito ay magsisimula na ang pagtatrabaho mo sa kompanya at magsasanay ka na rin sa paghawak ng baril para sa sarili mong kaligtasan."
"Oh, please..."
"Katulad ng dati, anim na bodyguards ang palaging magbabantay sa 'yo. Pagkatapos mo sa eskwelahan ay sasama ka sa akin para makita mo kung ano ang negosyong pamamahalaan mo balang-araw. You will be Lady Annchen from now on."
"And if I refused?"
Isang buntunghininga muna ang pinakawalan ng Papa niya.
"Matanda na ako, anak. Hindi sa lahat ng oras ay kaya kitang protektahan. Isa kang Valentino at hindi mo na 'yun matatakasan pa. Marami tayong kaaway sa labas at anumang oras ay puwede tayong mapahamak. Lalo na ang mga Rossini na gustong ubusin ang lahi ng mga Valentino para sila ang maghari sa bayang ito. Kailangan mong yakapin ang katotohanang 'yun, Annchen."
"Pero, hindi ito ang gusto ko!"
"Non si tratta più di quello che vuoi!" (This isn't about what you want anymore!"
"It is, Papa!"
"Bilang isang Valentino ay responsibilidad mo 'yun! Sa tingin mo ba'y sasantuhin ka ng mga Rossini kapag ngumiti ka at nakipagkasundo sa kanila?! No, Annchen! They will burn you alive!"
"Oh, God..."
Para siyang nilipad ng ipo-ipo na wala siyang magawa kung hindi ang umayon sa kung saan siya dalhin. Hari ang Papa niya sa bahay na ito na hindi mababali ang bawat sasabihin. Mababa pa nga ang tinig nito ngayon dahil binibigyan pa siya ng panahon para i-absorb ang lahat ng inilatag nito sa kanya. Pero nakikita niya kung paano ito magalit sa mga tauhan. Kahit sina Orlando at Ricardo ay hindi nakakaligtas sa galit ng ama kapag may nagawang pagkakamali.
"I know this isn't an easy job." Muling nagsalita ang Papa niya sa mababang tinig. "At kahit magkamukha kayo ng Lola mo, mas nakuha mo ang katangian ng Mama mo. Pero simula ngayon ay hindi mo kailangang maging mahina, maunawain, mapagbigay sa kahit kanino. You are now Lady Annchen - the next leader of mafia in Lucca, Italy."
"A mafia?!"
"FTG is not a simple amusement and gaming company, at hindi rin ordinaryong shipping line ang Valentino Shipping Corporation. Mamaya ay magkakaroon tayo ng meeting kasama ang Mama mo at dalawang kapatid. Ilalatag ko na sa inyong lahat kung ano ang plano ko sa susunod na mga araw."
"Wait... I still have activities at school, Papa." Gusto pa niyang iantala ang gustong mangyari ng ama. Gusto pa muna niyang mag-isip. Hindi pa niya ma-proseso sa utak niya lahat sa ngayon.
"Hindi mo na kailangang tapusin ang semestreng ito. Si Ayah na ang bahalang kumausap sa university para mabigyan ka ng clearance. You don't need a degree anyway. You are a billionaire and you will soon be a leader of a big organization."
"I have a manuscript needs to be---"
"Tulad ng sinabi ko kanina, hindi mo kailangang tapusin kahit anong aktibidad sa eskwela. Magsisimula ka na bukas ng training mo sa paghawak ng baril kaya't kalimutan mo na 'yang pangarap mong maging isang manunulat."
Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na hahawak siya ng baril. Kahit lumaki siyang naririnig ang mahigpit na away ng pamilya nila at ng mga Rossini, wala siyang nasaksihang kaguluhan o sinugod man ang pamilya nila ng kabilang angkan. Itinatago siya ng Papa niya sa malapalasyong bahay nila. Nakakubli siya sa mga bodyguards. At natitiyak niya ngayon na inilayo siya ni Ayah sa mga kaguluhan sa labas ng bahay na ito - pansamantala.
Pero ngayon ay haharapin niya na ang totoo niyang mundo. Hindi siya prinsesa. Hindi rin fairytale ang buhay niya at wala siyang prince charming. Kung paano niya yayakapin ang panibago niyang mundo ay hindi pa niya tiyak sa ngayon. Matinding pagtutol ang nasa dibdib niya ngayon na kung puwede lang niyang takasan ay ginawa niya na.
Naalala niya ang taong nagpapahanap sa kanya noong minsang tumakas siya para maki-party kasama sina Alice. Kung nagtagal pa pala siya sa club na iyon at naabutan siya ay baka nagkagulo pa. Baka may balak ang kaaway ng pamilya nila na kidnap-in siya. Kaya siguro nadagdagan pa ang bodyguards niya matapos ang gabing iyon.
"Ipatatawag kita ulit mamaya kapag nandito na pati ang dalawa mong kapatid."
"They are not my brothers," pagtatama niya. Ngayong alam niya na ang buong katotohanan, malinaw na rin kung bakit malayo ang damdamin niya sa Mama niya at sa dalawang lalaking anak nito.
"But they promised me to protect you."
"They promised..." Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan niya. Ang Mama niya'y laging nakamata sa kanya at laging galit sa kaunting pagkakamali. Si Orlando ay may pagnanasa sa kanya at tiyak niyang ikapapahamak niya ang pakikipaglapit dito kung hindi lang ito takot sa Papa niya. Si Ricardo ay tahimik lang na hindi niya alam kung may simpatya ba sa kanya o wala rin itong pakialam.
"You are my only daughter, Annchen. You are rich and you are powerful. Walang gagalaw sa 'yo hangga't alam mong gamitin ang dalawang bagay 'yan na minana mo mula sa min."
Tinapos na ng Papa niya ang pag-uusap nila kaya't napilitan na siyang lumabas ng opisina nito. Paglabas niya ay naroon pa rin si Ayah na tila nakikinig sa lahat ng pag-uusap nila ng ama.
At gusto man niya itong yakapin dahil ito ang totoo niyang ina, nanaig ang galit sa dibdib niya sa hindi pagsasabi sa kanya ng totoo. She lied to her all this time.
"Annchen----"
"G-gusto ko ho sana munang mapag-isa..."
Isang marahang tango ang pinakawalan nito. Nang lumakad siya palayo ay nanatili lang ito sa kinatatayuan.