Natanaw na ni Annchen si Orlando habang namimitas siya ng mga bulaklak. Palihim itong sumusulyap sa kanya pero nakita niya ang paraan ng pagtitig nito.
Ilang linggo rin itong hindi nagtatangka na lumapit. Nauudlot tuloy ang kasagutan sa mga tanong sa isip niya katulad ng kung bakit nadagdagan lalo ang bodyguards niya ngayon. Pinagbawalan na rin siya sa panatili sa campus sa matagal na panahon kasama ng mga kaibigan niya. Kahit pa kung tutuusin ay nakapalibot naman sa kanya si Ermis at anim na tauhan.
Naging abala na siya sa maraming school activities. Sumali siya sa writing contest na siya ring ikinasisiya niya kahit maghapon na lang siyang nakakulong sa mala-palasyo nilang bahay tulad ngayon. Gusto niyang matupad na maging isang manunulat balang-araw.
Sa kabilang dako naman ay si Miguel ang natatanaw niya. Palakad-lakad lang ito bagama't minsan ay nahuhuli niyang nakatingin. Kung hindi siya nagkakamali ay ito naman ang tila palaging nakabuntot sa kanya ngayon. Ang sabi ni Ayah ay ignorahin niya lang dahil sa entrance ng bahay ito ngayon nakadestino. Wala namang problema kahit bumuntot sa kanya si Miguel. Mula nang mapantanto niya na pinagkakatiwalaan ito ni Ayah ay napanatag ang loob niya sa binata kahit tipid lang ito kung magsalita.
Matapos kumuha ng daisy at pink carnation, lumakas na siya papasok sa bahay. Lumakad din si Orlando kung saan siya patungo. Walang ibang tao roon kung hindi si Miguel na nakasunod din sa kanya. May katulong siyang natatanaw pero abala ito sa gawain.
Pagkakataon niya na ngayon na kausapin si Orlando. Palagay niya'y sadya siya nitong sinusundan kaya't nagtungo siya sa dining room kung saan maya't maya ang katulong na pumapasok.
"Hai visto Papà?" Hinanap niya ang ama na kanina pa rin niya hindi nakikita. Hindi pa naman ito umaalis ng bahay. Hindi kasi niya alam kung saan magsisimula ng pagtatanong.
"He's at his favorite place with Mama. You picked flowers at the garden again. Mama will be pissed when she sees you." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya.
"These flowers will be replaced again by another bud tomorrow. When plants see that you appreciate their beauty, they would produce more buds and bloom beautifully."
"But I could send you more beautiful flowers. Expensive ones. Tulips, roses---"
"Never mind, Orlando. Anyway, I want to ask you something."
Tumaas ang kabilang sulok ng labi nito.
"Anything, babe..."
"Tsss..." Gusto niyang kilabutan sa endearment na gamit nito. "I heard you and Mama talking about Papa's retirement. And why did Papa added security for me?"
"We should not talk about that here." Nilinga nito ang paligid.
"Why not?"
"It is a confidential matter. If you want, you can go to my office next to my room."
Wala siyang balak puntahan ang silid nito. Nasa kabilang dako iyon ng bahay na malayo sa silid niya. Bagama't may bodyguards namang nagbabantay sa kabuuan ng mansyon ay hindi pa rin siya palagay. Alam niyang kapag nagkalapit sila ni Orlando ay sasamantalahin nito ang mahipuan siya katulad ng ginawa nito sa pool noon.
"Coffee?" alok niya para manatili pa ito ng ilang sandali. Siya ay hot chocolate ang ipinuno sa tasa. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Orlando bago luminga muli sa paligid. Hindi na nakasunod si Miguel sa kanila.
Lumakad ito patungo sa kitchen counter para kumuha ng kape sa coffee maker. Umupo siya sa silya habang ninanamnam ang masarap na hot chocolate para bigyan ng distansya ang pagitan nila.
Palihim niyang sinusulyapan ang kapatid. Hindi niya ito nakakasama madalas kahit noong mga bata pa sila. Malayo din kasi ang agwat ni Orlando na ngayon ay bente nueve anyos na. Kasunod lang nito sa edad si Ricardo na ngayon ay bente siete.
At kung siya ay palaging nakakulong sa silid kasama ng yaya kahit noon, ang dalawa niyang kapatid ay nagtatrabaho na sa Papa niya dise sais anyos pa lang yata ang mga ito. Kaya't mas lalong malayo ang loob nila sa isa't isa dahil kahit sa hapagkainan ay bibihira silang nagkakasabay kumain.
"Where is Ayah?" una nitong tanong. Umupo itong malayo sa kanya.
"In her room. She's not feeling well."
"How's your school?"
"Soon to end. I am planning to have a week in Paris on vacation. Do you think Papa will allow me?"
Kailan ba siya huling nagbakasayon kasama ng Papa niya? Sa Paris at London pa lang siya nakapunta at ilang taon pa lang siya noon. Buhay pa nga ang Lolo niya na siyang kasama nila madalas.
"Papa is busy with the upcoming anniversary of FTG. I don't think so."
"I'm not saying I will travel with Papa. I was asking if he would allow me."
"No. But if you go with me, maybe," kibitbalikat nitong sagot. Kaagad siyang umiling.
"I want to go alone."
"You're going alone? No." Ngumiti itong tumitig sa kanya.
"Why not? I'm old enough to take care of myself."
"You think so? Then, why do you have to go to school with bodyguards?" sarkastiko nitong tanong.
"Yeah, right. I will ask Papa to remove all of them. I can't even go to my friend's party and enjoy the freedom that they have."
"And do you think he would allow you? He walks with all those security personnel covering him. I cannot go out without them too. Why do you think he would allow you when you are his precious daughter and only heiress?"
"Only heiress?"
"Papa planned to leave all his wealth and power to his only daughter. Take note of that, Annchen. To his only daughter."
Napaawang ang labi niya sa narinig. Ito ang narinig niya sa pag-uusap nito at ng Mama niya. Hindi nga lang malinaw noon. At hindi pa rin malinaw ngayon.
"What do you mean by that? You are his first son. And then Ricardo."
"And Mama, don't ever forget her."
"Absolutely. What you said was an absurd idea. And it's not true."
"I don't know." Muli itong nagkibit-balikat. "I really don't know."
"What do you mean you don't know?" Napalakas ang boses niya sa inis dahil tumayo na ito at tila balak nang iwanan siya.
"I can't discuss this to you right now. But if I were you, I would start learning martial arts, firing guns, and..."
"And?"
"Never mind. Goditi la tua cioccolata calda."
"Orlando!"
Hindi na ito lumingon dahil na rin parating na si Ayah. At nakita nito ang inis sa mukha niya kaya't agad siya nitong dinaluhan.
"Anong nangyari? Bakit nagagalit ka kay Orlando?"
"Sa kwarto na lang natin pag-usapan, Ayah. Doon ko na rin uubusin 'tong hot chocolate ko," sagot niya na mabilis tumayo. Kinuha naman ng ginang ang hot chocolate para isunod sa kanya sa kwarto
Pagdating sa silid ay hindi siya umupo. Palakad-lakad siya habang inaanalisa ang binitiwang salita ni Orlando kanina.
"He said something like... Papa would leave everything to me."
"Anong ibig sabihin? Ang kayamanan ba ng Papa mo ang tinutukoy niya?"
"Yes. Why would he do that?"
"Bakit ka naman nagpapaniwala kay Orlando? Una, saan naman niya nakuha ang ganoong impormasyon?"
"Hindi ko alam, Ayah. Pero 'yun din ang narinig kong pinag-uusapan nila noon kasama si Mama. Bakit naman gagawin ni Papa 'yun?"
"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Hangga't walang sinasabi ang Papa mo, huwag kang makikinig sa ibang tao. Ang pagtuunan mo ng pansin ngayon ay ang pag-aaral mo."
"Hindi ko gustong isipin ng mga kapatid ko na hindi pantay ang pagtingin ni Papa sa aming tatlo. Kung meron mang higit niyang dapat pamanahan, iyon ay si Orlando at Ricardo dahil bata pa lang kami nagtatrabaho na sila sa kompanya."
"Sabi ko naman sa 'yo, huwag mo nang isipin ang sinasabi ng kapatid mo. Wala namang sinasabi ang Papa mo, hindi ba?"
"Sana nga hindi totoo ang sinabi ni Orlando. Wala akong balak pamahalaan ang negosyo ng pamilya namin." Umupo siya sa silya matapos niyang magpalakad-lakad sa silid. Nakalma lang ang dibdib niya nang matanaw ang mga bulaklak na pinitas niya sa hardin ng Mama niya.
Matapos niyang kumalma ay nagpasya siyang puntahan ang Mama't Papa niya sa recreation area. May mini bar doon dahil mahilig uminom ng alak ang ama. Naroon din ang mini golf nito at iba pang laro na puwede nitong pagkaabalahan kapag gusto nitong ma-relax ang isip at katawan.
Naroon pa rin ang Mama niya na hindi ngumiti nang makita siya. Sanay na siya roon dahil lagi naman talaga itong pormal.
"Hi, Papa... Hi, Mama..."
"Annchen." Lumapit siya sa ama saka humalik sa pisngi nito. Hindi na siya humalik sa Mama niya dahil hindi daw nito gusto ng ganoon.
"Can I talk to you?"
"About what?"
"Hmmm... I've heard from Orlando that we are celebrating FTG's anniversary again. What's the plan? I want to check what's the status of their preparation. I could send some help since school would be over soon."
Nagkatinginan ang Mama't Papa niya bago siya inakbayan ng huli at nagsalita sa wikang Filipino sa mahinang boses. Iginiya din siya ng Papa niya palayo sa kinaroroonan ng Mama niya.
"Mag-uusap tayo mamaya sa opisina ko. Ipapatawag kita kay Ayah kapag nakaalis na ang Mama mo."
Hindi niya alam kung bakit kailangan nilang mag-usap nang sarilinan. Hindi naman naiintindihan ng Mama niya ang lengwaheng ginamit ng Papa niya. At tila malabo rin na marinig nito ang pag-uusap nila ng ama dahil sa mahina nitong boses. Lalo lang siyang naguluhan. Pakiramdam niya'y ayaw niya nang pakinggan kung ano man ang sasabihing iyon ng Papa niya.
Pero napilitan siyang tumango. Pinaalis na siya ng ama sa lugar na iyon kaya't lumakad na siya pabalik sa silid niya.
Hindi na siya mapakali hanggang kinagabihan. Alas otso ng gabi ay ipinatawag na siya ng ama kay Ayah. Pero sa labas lang ng opisina ng Papa niya ang nanny niya.
"Have a seat." Itinuro ng ama ang sofa sa harap ng desk nito. Tumayo naman itong nagsindi ng tabacco.
"What's the matter, Papa? Bakit wala sina Mama at Orlando?"
"Hindi ko muna gustong malaman nila ang pag-uusap natin."
"Tungkol ho saan?"
"Do you remember your grandmother?" Mabilis siyang tumango. Wala pa rin siyang ideya kung bakit nabanggit pa ang Lola niya.
"She was considered one of the good leaders of FTG. Hinawakan niya ang pamamahala ng isa nating kompanya sa edad na bente anyos, alam mo ba 'yun?"
May portrait ang Lola niya sa hallway na malapit sa hagdan. Hindi niya na masyadong maalala ang abuela dahil masyado pa siyang maliit noon. Mas nauna itong namatay kaysa sa Lolo niya.
"Ano ho ang kinalaman ni Lola pag-uusapan natin, Papa?"
"As we all know, I'm already old, Annchen. Pero gustuhin ko mang magretiro, hindi ka pa handa."
"A-ako?! Bakit ho ako?!"
"You will be appointed as the President of FTG when I'm gone. Iyon ang nakasaad sa last will and testament ko."
"What?!"
"Natutuwa akong ikaw na mismo ang lumapit sa akin kanina para itanong kung kumusta na ang paghahanda sa parating na anibersaryo ng kompanya. Gusto kong maging aktibo ka na ngayon sa lahat ng bagay na may kinalaman sa FTG."
"I had no interest in becoming the President of the company, Papa. Ang totoo'y narito ako para hilingin na tanggalin niyo na ang mga bodyguards ko. Gusto kong mamuhay nang normal."
"And risk your life to our enemies?!" Tumaas ang boses ng Papa niya. Napansin din niyang naging awtorisado iyon at ang mukha nito'y naging matigas. "You will take over the company when I'm gone and you cannot do anything about it. Kaya kung ako sa 'yo, ngayon pa lang ay magtatrabaho na ako sa kompanya. Kailangan mo nang sanayin ang sarili mo. From now on, you will work for me as my right hand."
"No way, Papa!" Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Bakit hindi mo ibigay kay Orlando ang posisyon na 'yan gayung siya ang panganay?!"
"Because you are my only child!"
"Ano?!"
Muli itong nagsindi ng tabacco nang maubos ang isa kanina. Pagkatapos ay hindi pa muling nagsalita.
"Linawin niyo ang sinasabi niyong iyan, Papa!"
"Anak ng Mama mo sina Orlando at Ricardo sa una niyang asawa. Hindi totoong dugo ng isang Valentino ang nananalaytay sa mga katawan nila."
"What?!"
"Hindi ko sana gustong sabihin sa 'yo lahat ng sikreto sa pamilyang ito pero kinakailangan, Annchen."
Sandaling katahimikan ang namayanim. Hindi pa niya ma-absorb ang mga naririnig niya sa Papa niya.
"K-kaya ba... I mean... Pero kapatid ko sila kay Mama, hindi ba?"
Gusto niyang kumpirmahin ang katotohanan dahil kagaad sumagi sa isip niya ang paraan ng pagtrato sa kanya ng Mama niya. Malayo sa kung paano nito kinakausap ang dalawa niyang kuya. At kamukha rin nito ang dalawang anak na lalaki, pero siya ay hindi.
At ang isa pang dahilan ay ang pagpapakita ng interes ni Orlando sa kanya bilang babae. Hindi iyon para sa isang kapatid, natitiyak niya ngayon.
At nang umiling ang Papa niya ay napabalik siya ng upo sa sofa. Wala siyang kapatid. Nag-iisa lang siyang anak. At tulad ng sinabi ni Orlando kanina, nag-iisa lang siyang tagapagmana.
"Then... who is my mother?"
"Hindi mo na dapat pang malaman."
"Hindi puwedeng hindi ko alam, Papa! Parte 'yun ng pagkatao ko!"
Isang buntunghininga ang pinakawalan nito bago sumagot.
"Your Ayah."