Laking tuwa ni Orlando nang makaharap niya ang magandang anak ni Donato Picasso. Gayunman ay hindi siya nagpunta dito para sa dalaga kung hindi para agawin ang lupaing pinag-iinteresan ni Armano Rossini ngayon. Hindi niya bibigyang kasiyahan ang lalaking akala yata ay pag-aari lahat sa Italya.
Naharang ng mga tauhan niya ang pagpunta dito ni Armano. Tatlo sa tauhan niya ay tinamaan ng baril dahil walang tigil sa pagpapaputok si Armano kanina. Wala talagang sablay ang lalaking iyon. Palagi na ngang nakakaligtas sa pananambang ay palagi pang nag-iiwan ng pinsala sa mga tauhan niya. Isa sa nga ito ay nanganganib pa ang buhay dahil malapit sa puso ang tama ng baril.
But, life must go on, ika nga. Wala siyang pakialam kung ilang tauhan nila ang mamatay basta't masunod ang ipinag-uutos niya.
"There is no doubt that you want to win the bid against Armano Rossini, Orlando," awtorisadong wika ni Bianca. Kung hindi lang mataas ang obsesyon niya sa kapatid na si Annchen ay tiyak na pag-iinteresan niya ang isang ito. The woman was sophisticated, smart, and one of the richest woman in Pontedera, Italy. Kung magaling din ito sa ama ay duda nga lang siya rito. Pakiramdam niya'y isa itong walang damdamin sa kung paano ito makipag-usap nang pormal. Kanina pa niya idinadaan sa biro ang papuri pero ni minsan ay hindi ito ngumiti.
"I can double the price of what's Armano Rossini had been offering you."
"But it's not about the money," salungat naman ng babae. "Armano Rossini will make Torri Gemelle a tourist attraction. How about you?"
Hindi niya puwedeng sabihin na pasugalan at nightclubs ang binabalak niyang itayo dito kung sakali. Wala siyang balak magtayo ng recreation center katulad ng mga Rossini. Pero kailangan niyang sakyan ang excitement sa mga mata ni Bianca at Donato nang mabanggit ang plano ni Armano. Kapag napasakamay niya naman na ang lupain ay magagawa niya kahit anong gustuhin nang hindi na makikialam ang mga Picasso.
"Then, La Solaire de Pontedera it is. I will prepare all the layouts soon after our negotation is done. When can we do the signing of documents?"
"Ti chiamerò non appena io e mia figlia avremo finito la discussione." (I will call you as soon as my daughter and I have finished the discussion.) Si Donato Picasso ang sumagot. Wala rin siyang narinig na reaksyon mula kay Bianca. Sa katunayan ay hindi ito nagpakita ng interes pagkatapos hanapin ang plano niya sa Torri Gemelle at wala siyang maipakita.
"Armano Rossini is a dangerous man. I don't think negotiating with them is a good idea. Have you heard about women missing in Lucca?"
"What missing women?"
"We all know that Rossini owns few men's executive club, Mr. Picasso. They have nightclubs where women are being sold like a meat. Police suspected they are responsible for these missing women and the invistigation are ongoing now."
Nagkatinginan ang mag-ama na nakaramdam siya ng kaunting pagkapanalo. Tinapos na ni Bianca ang meeting at naunang umalis sa ama sa meeting room. Gayunman ay naiwan pa ang matanda.
"Garson has an interest of marrying my daughter to his son, Armano," panimula nito. "If he hasn't encountered pitfall on his way here, our agreement has already sealed by this time."
Sandali siyang natigilan sa hindi inaasahang sinabi ni Donato Picasso. Tila gusto nitong ipahiwatig na dapat ay tapatan niya ang alok na iyon ni Garson.
Pero wala siyang interes sa ibang babae sa ngayon kung hindi kay Annchen. At marami siyang plano sa ngayon na hindi niya na gustong madiskaril pa.
"Are you sure Armano agreed to his father about that idea?"
"Why wouldn't he? I don't want to brag, but my daughter is beautiful and rich. Any man would grab the opportunity to be her husband."
"Then, why did Armano didn't show up?"
"Because your men tried to ambush him and his people," pag-aakusa nito.
"Oh, c'mon... That's a lame excuse, Donato. We all know that the Rossini are dangerous people too. We might be their greatest enemy in Lucca, but using us so he could get away with the agreement you and Garson has is so obvious. And why would you want to trust him to marry your daughter? Hadn't you heard that he killed his wife before?"
"He killed his wife? That woman was also killed in an ambush, Orlando."
"Which he told the reporters we were his suspects again, didn't he? Why didn't he press charges against us then? Wasn't it ecause he only wanted to get away what he did?"
Sandaling natigilan ulit ang matandang negosyante. Tumayo na siya para ipakita ang kawalan ng interes sa usapan nila.
"It is up to you if you still want to deal with the Rossini, Mr. Picasso. And it is up to you to believe Armano's lies. Buona giornata."
Nang makaalis siya sa opisina ni Donato Picasso ay nasa unahan ang dalawang sasakyan ng mga tauhan niya. Hindi niya alam kung sa paanong paraan maghihiganti si Armano Rossini pagkatapos ng pananambang na ginawa nila kanina sa sasakyan ng mga ito. Pero palagi naman silang handa sa laban.
Pagdating niya sa mansyon ay kaagad naman siyang nag-report sa Papa niya sa naging usapan nila ni Donato Picasso. Kailangan niyang magpabango sa ama para makuha niya nang tuluyan ang simpatya nito.
"Did you mean you haven't convince him to sell Torri Gemelle to you?" akusa ni Fernando. Umikot ang mata ng Mama niya sa sarkastikong tanong na iyon ng asawa.
"Maybe I didn't. But I have made it appear that negotiating with the Rossini wasn't a good idea either. I am sure he will not deal any business with them anymore."
"Forget about that land they want to buy, Orlando. What happened to those missing women in the news I told you to cover up?"
Tatlong babae ang nawawala sa Lucca na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga imbestigador. Naibaon na ang mga iyon sa lupa matapos niyang ipaligpit sa mga tauhan. Nagbalak kasing tumakas ang mga ito bago pa niya ipagbili sa mga parokyano para gawing s*x slaves. Matatapang at matigas ang ulo ng mga babaeng 'yun. Hindi iyon magugustuhan ng mga customers nila. Pero dahil tiyak na kakanta ang mga ito kapag nakawala sa pangangalaga nila, siniguro nilang hindi na makakapagsalita pa.
"They are in good hands, Papa. And another set of women are coming next week to replace them."
"What are your plans in the coming anniversary of FTG, Fernando?" sabat ng Mama niya na nainip sa pag-uusap nilang mag-ama. "Aren't you suppose to retire already?"
"I am. But I haven't talked to Annchen about my plans."
"Annchen is still too young to handle job like this, Fernando," mataktikang wika ng Mama niya. "Don't expect her to be like your mother who were put as the President at a young age just because they look alike. Annchen is so vulnerable and childish. She doesn't fit to be a leader of our organization."
"She only lacks training and exposure, that's why," katwiran ni Fernando. Sinenyasan niya ang ina na hayaan na muna si Fernando sa desisyon nito. Sigurado naman siyang masisindak lang si Annchen kapag nalaman ang lahat ng aktibidad ng kompanya nila. Na front lang ang casino at pag-import nila ng kung ano-anong produkto sa ibang bansa.
"Do you want me to train her first?" Gustong-gusto niyang mapalapit sa dalaga pero mahigpit ang bilin sa kanilang lahat na walang lalapit sa nag-iisang anak nito na babae. Kahit sila ng kapatid na si Ricardo ay kasama sa pinagbawalang makalapit sa mahal nitong prinsesa.
"No. Let me handle that job."
Isang ismid ang pinakawalan ng Mama niya. Matapos pag-usapan ang iba pang estado ng mga negosyo nila ay iniwan niya na ang Mama't Papa niya sa refreshment area na paboritong tambayan ng ama. Malayo iyon sa main entrance ng bahay.
Hinanap ng mata niya ang babaeng bumubuo ng araw niya tuwing umaga. Nasa hardin na naman ito ng Mama niya para pumitas ng bulaklak kahit tirik na ang araw.
Hindi niya pinagsasawaang titigan ang maamo nitong mukha. Makinis rin ang maputi at mamula-mula nitong kutis na kaysarap pisilin. Hindi niya alam kung kailan siya makakapaglakas ng loob na magtapat ng nararamdaman nito nang hindi siya aangilan. At hindi niya gustong magkaroon sila ng alitan ni Fernando sa ngayon kaya nagpapakatino pa siya. Pero kaunti na lang ang pagpipigil niya.
"Presto sarai mia, Signora," (You will soon be mine, Señora) wika niya sa isip.