Ps.
Sorry po! hindi po ako ganon kagaling gumawa ng story kaya sana pag tyagaan nyo nalang po huhu.
_______
"OMG! Is that you Zei?" Nabaling ang attention namin sa hagdan kung saan na roroon si tita na nanlalaki ang matang naka tingin sakin.
Nangunot naman ang noo ko. "Bakit tita? hindi ba ako mukhang ito? P-pumangit ba talaga ako?" Naalala ko kasi yung sinabi nanaman nung bwiset na lalaking yon.
Daming nag sasabing ang ganda ko tapos yung lalaking yun sasabihan ba naman akong "Cheap ugly girl!" Aba! Kapal talaga ng mukha ng demonyong yun! Grrr!
"No! Wala akong sinabing pangit ka, okay? *Chuckled* Sa totoo lang ibang-iba kana ngayon kesa sa dati. Ang cute-cute mo pa noong huling kita ko sayo at ngayon! Gosh! nag mana ka ngang talaga sakin! Buti nalang ako ang pinag lihian ng mama mo"
Nangiwi ako sa sinabi ni tita. Wala ngang duda na sakanya ako nag mana...Mahangin rin eh, well maganda naman si tita kahit may edad na kasing ganda ko.
Mabilis itong lumapit sakin tsaka ako hinatak patayo para lang talaga yakapin ako. "A-aray tita ah..grabe" Napa nguso tuloy ako. Ikaw ba naman biglaing hatakin para lang yakapin.
"Hehe..sorry my dear..na miss lang talaga kita" Parang batang sabi nito. Gusto kong umirap pero wag na.
"Yo" Napa hiwalay sakin si tita ng marinig namin si tito, Ang tito kong parang robot pero mahal na mahal si tita.
"Mukhang ako nanaman ata ang naiiwan sakanila na walang pereber.." Mahinang bulong ko.
"No dear, baka nga dito kapa maka hanap ng ka poreber nayang sina sabi mo eh..sa ganda mong yan wala? Duh..mana ka kaya sakin" Tokwa! Narinig pala ni tita yon.
"Narinig nyo po pla" Sabi ko.
"Of course..anong may tenga ako eh" Napapa ngiwing sabi ni tita.
"Wala naman po akong sinabing wala..hehe" Nag peace sign pa ako kay tita. di naman ako pinansin ni tita tsaka sya dumiretso sa asawa nya at humalik rito.
Yawang mga to..yan nanaman ang mga mag cocouple. "Oh, Nga pala zei..may ipina gawa na akong bahay para sa inyong mag kakaibigan. okay lang ba sainyong mag kaka sama kayo?"
"Okay na okay po tita!" Siraulong sabi ni Kokoy, g*go talaga!
"OMG! TITAAA! OKAY—ARAY! ANO BA!" Napa ngiwi kaming lahat dahil sa bunganga ni shaina kaya ayan binatukan ni weng.
"O-okay lang po saamin yon, mas okay nga pong mag kaka sama kami kesa mag kaka hiwalay lalo na po at bago kami dito sa maynila" Mahinahong sabi naman ni jace.
Buti pa tong si jace hindi na kikitita sa tita ko ang kapal kasi ng dalawa eh kung maka tita akala mo talaga close.
"Oo nga po..okay na okay po saamin yon" Sangayon namn ni Weng na tumango tango pa. Napa ngiti naman si tita bago umangkla kay tita na poker face lang ang mukha.
"Okay then..may mag hahatid sa inyo doon, at sa Monday na nga pala ang pasok nyo sa Peyton University" Sabi ni tita.
"P-peyton tita? Ang pangit naman ng name–" Sinamaan ako ng tingin nila weng kaya naman napa peace sign ako "Joke lang! HAHAHA! ang ganda nga ng name eh" Natawa nalang si tita sa sinabi ko.
"Oh sya dito na muna kayo mag dinner at mamaya nalang kayo ihahatid sa bahay nyo okay?" Sabay-sabay kaming napa tango.
Sana nga dito ako maka hanap ng ka poreber ko kyaaahh! Para akong bulateng kinikilig dito sheytt!
***
"Woah!" Manghang bulalas lang ni Kokoy. Sino ba namang hindi diba? Titira lang naman kayo sa sobrang laking bahay!
"Bahay ba to oh? Mansyon..." Mukhang tangang sabi ni Weng, oo nga naman! Ang laki laki tapos bahay lang ang tawag!?
"Iba talaga kapag mayaman..bahay lang tawag nila sa gantong kalaking bahay!? Eh mansyon na to ehh!!!" Bwiset na bunganga talaga ni shaina.
Simple lang naman ang kulay nya like White and gray lang sya..Black naman ang kulay ng gate. Lalo na sa loob ang danda poe! Puro bulak-lak yung sa paligid..grabe! Mahilig talaga si tita sa mga bulaklak eh..
May garahe rin ng mga sasakyan tapos sheyt! May swing pa! siguro kapag na broken ako pwede ako doon mag drama Harharhar~
"Hindi naman tayo na nanaginip diba!? Kyaahh..ang ganda talaga rito" Naiiyak na sabi ni Weng.
Sumang ayon naman kaming lahat..ako naman ito nag lilibot sa loob. ang daming pasikot-sikot dito, Ang laki ng kusina! Lalo naman dun sa dining ang haba ng mesa pre..eh lima lang naman kami.
Isa pa ang ganda rin ng hagdan kanina papuntang second floor, Tapos tag iisa pa kaming kwarto pero syempre! Hahaha di muna ako nag punta ron trip ko lang mag gala dito.
Pag balik ko sa sala wala na ang mga g*go, sure akong asa kani-kanilang kwarto nayun sila. Nag kibit balikat ako bago umakyat.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang kwarto ko kasi may pangalan na eh, hanep diba? Nasa gitna ang kwarto ko.
Pag pasok ko doon ay nag ning-ning ang mata ko ng bumungad sakin ay ang kulay pulang karpet. hindi sya masakit sa mata. Pati narin ang king size ng bed! Waahh! May heart heart pa akong red na unan! Pati kumot ko red din!
Alos lahat ng makikita ko rito ay red pero may plain white din naman. napa silip rin ako kanina sa cr ay taray! may bath dun sheyt nemern~
Hay! tama na nga muna ang ka ekekan ko. Inayos ko nalang ang mga gamit na dala ko tsaka inayos. Grabe sila mama at papa. napa iling tuloy ako.
Ni hindi manlang umiyak na mawawala sakanila panganay nila! samantalang aki nag drama dun! tinulak-tulak pa talaga ako pasakay ng kotse habang tumatawa wengya!
Matapos mag ayos ay agad din akong naligo bago matulog.
***
"HOY! T*NG*NA MONG BABAE KA! GUMISING KANA JAN! WOYYYYY!!!"
"P*tang bunganga yan!" Naiiritang bulalas ko. Ang aga-aga bunganga agad ni shaina ang maririnig ko sa labas ng pinto ng kwarto ko! bwiset!
"Ito na! babangon na! Punyeta ka!" Lukot ang mukha na tumayo ako tsaka nag dadabog na bumaba sa malambot kong kama.
Inis na binuksan ko ang pinto matapos kong mag hilamos, bumungad sakin ang magandang ngiti ni Shaina.
"Nginingiti mo jan?" May inabot sya sakin card. na ngunot naman ang noo ko. Anong gagawin ko sa card nayan?
"Anong gagawin ko jan?" Taas kilay na tanong ko, umirap ito sakin.
"Kainin mo, tignan natin kung mabubusog ka" Sarkastikong sabi nito. Tinarayan ko lang sya.
"Boba! Credit card natin yan! harhar! May pera daw laman yan eh! Kaso nag tataka ako kung pano nalalagay jan yung pera eh.." Sinipat sipat ko pa ito.
Kulay Gold kasi yung kulay..napa isip naman ako. siguro parang sa bangko lang? Baka ganong style to.
"Trip kong mag shopping mamaya gurl! Sama tayong lima! Kyaah! para naman malibot natin ang maynila no!"
Nilag pasan ko nalang sya. gutom na ako eh..tsaka payag naman akong mag shopping kami kasi Sabado naman ngayon eh..kaya walang problema.