Omg!! ito na yun! ito naaa!!! Kasalukuyan kaming andito sa kotse na pinadala ni tita, Taray diba? May sundo pa kami! ang bongga!
"Haluh zei! Excited na ako! Kyaahh!" Impit pa itong nag tititili. para pa syang bulate! Kainis dapat pala di na sinama sila.
"Baby..umayos ka ng upo" Sabi ng bebe nyang si Jace. Honey at baby kasi ang tawagan nila sila naman ni Weng at kokoy ay Babe lang.
Ito ako ngayon..asa passenger seat habang naka tingin sakanila sa Salamin habang naka simangot. Wala manlang akong bebe na lalandiin.
Napa tingin naman ako kay kuyang driver na seryosong nag didrive. may itsura naman sya. tingin ko ay mga nasa mid30s na sya pataas.
"Manong-"
"Ma'am kung tatanungin nyo po ako kung may asawa na?" Putol nya sa sasabihin ko sana tsaka sya tumingin sakin. "Meron na ho akong asawa, tsaka may anak narin kami dalawa, kaya sorry po kung balak nyo kong jowain eh..hindi na pwede. pasensya na"
Bagsak ang pangang di maka paniwala sa sinabi ni manong driver! P*takels Anong pinag sasasabi nito!?
tsaka ano daw? jowa? Yuckkk!! Di ako pumapatol sa matatanda! Parang tatay kona nga sya eh! tsaka bat nya ako pinag kamalang jojowain sya?
"A-ah..manong driver, hindi naman po iyon ang sasabihin ko eh.." Napa lingon ito sakin tsaka ibinalik ulit sa daan.
"Akala ko po balak nyo kong jowain eh" Sabi nito na Iiling-iling pa. G*go bato? Pigilan nyo ko di ako mag dadalawang isip na batukan si manong driver!
"Hehe..mag tatanong sana ako kung malayo paba? Tsaka saan ba tayo pupunta?" tanong ko, eh sa di ko alam kung saan kami pupunta eh..
"Wala kana dun Ma'am. " Nanlalaki nanaman ang mata ko. Kupal to ah! kanina pa'to si manong! Nang gigigil nanaman ako!
Inirapan ko nalang sya tsaka sumandal sa sandalan. Itutulog ko nalang muna ito kesa namang pansinin pa sila, bwiset!
***
Naalipungatan ako ng marinig ang boses nila Weng, pati narin ang iba pa. Napa kunot naman ang noo ko pero nanatiling naka pikit ang mata.
Anong....? Bat hindi na umaandar ang kotse? T-teka!? Andito na ba kami!? Pero bat di manlang nila ako ginising!?
Napag pasyahan ko nang idilat ang maganda kong mata..Parang slow motion Ang bumungad sakin ng mapag tanto kung asan ako.
"M-mama..."Naibulalas ko.
kabadong nanginginig ako sa kina uupuan ko habang may butil ng pawis na dumadausdos pababa sa leeg ko.
Sinong di kakabahan? Eh sa takot ako sa eroplano! Malay ko bang dito kami sasakay! Pagka gising ko nalang nasa loob na ako nito! Tokwa!
Halos lutang ako habang iniisip ang mga pwedeng mangyari sa araw na ito kapag sakay ako ng eroplano, katulad nalang ng mga napapanoot ko sa f*******:, gosh!
Hindi kona napansin pa ang mga taong sumasakay na sa loob dahil wala akong pakealam sakanila! Mas may pake ako sa sarili ko! Ayoko pang pumanaw no!
Ilang minuto pa ang lumipas bago nag announce na lalarga na si P*tang*nang eroplano! waahhh! ito na ang katapusan ng buhay ko!
"Psst."Sinamaan ko sya ng tingin ng makita kong konting sundot nalang sa tagiliran nya ay hahagalpak na sya ng tawa.
Kasalanan nya to! Kasalanan nila ito! itataas kona sana ang kamay ko para ipakita ang gitnang daliri ko.
"P*ta!" Naibulalas ko nang nag simula nang umandar si P*tang*nang eroplano! Mabilis akong napa pikit at wala sasariling hinatak ko ang kung sino mang katabi ko tsaka ko iyon sinakal!
Oo sinakal! eh sa hindi kona alam ang gagawin ko lalona't may phobia ako sa mga ganitong klaseng sasakyan!
"HAHAHA!" Rinig kong hagikgikan ng mga Bwiset na kasama ko! Hindi talaga nila ako tinabihan dahil maiiwan daw ang isa samin kaya ito! ako ang nag iisa rito- Ay hindi! may kasama pala ako! itong sinasakal ko ngayon!.
"F-f*ck! l-let go- Agk! B-bullshi-s**t!" Hindi ko pinansin ang pag mumura ng sinasakal ko at mas lalo pa syang naisakal ng maramdaman kong lumilipad na ang eroplano!
"P-p*ta...P*ta..p*ta!" Sunod-sunod na mura ko. rinig ko parin ang tawanan ng mga yawa! Bwiset!.
Ilang minuto akong ganon hanggang sa kumalma na ang sarili ko pero feeling ko ay hihimatayin ako. ramdam ko naman sa tabi ko ang mabilis nyang pag layo sakin.
Hindi parin ako dumidilat at nanatiling naka pikit. Ayokong dumilat at baka himatayin na talaga ako ng tuluyan!
"You! What the F*ck did you do to me! I'll kill you!" Bulalas nito tsaka ako naka rinig ng kasa ng.....B-baril b-bayon? yung totoo? b-baril.....
Walang pakundangan akong napa dilat at nilingon sya pero ang sumalubong saakin ay ang nguso ng Baril! nanaka tutok sa noo ko! P*ta!!!!!
"Any last word Cheap ugly girl?" Napa dako ang tingin ko sa lalaki na ngayon ay madilim ang mukha habang nag titiimbagang ito.
Napansin ko rin ang pa mumula ng leeg nya na konti nalang ay magiging violet na! Haluh!Pero agad akong napa titig sa tabi nya kung saan ang bintana na makikita mong nasa itaas kana.
"Damn!"
Huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.
***
"Hoy! Bruha! Dumilat kana nga! wag kang mag ala sleeping beauty jan! Wala ang prince charming mo! Or should I say na wala ka talagang prince charming!"
Ang maala mic na bunganga ni shaina ang naririnig ko. h-huh? Ano daw? Sleeping beauty? gusto kong imulat ang mata ko pero parang hindi ko magawa.
"Hoy bruha! i-off mo nga yung mic mo jan! sa ngala-ngala mo! na iilang na ang nurse sa tabi natin oh!" Ano daw? nurse? bat may nurse?
"Sorry naman, eh ang tagal kasing gumising netong babaeng to eh! tatlong araw na ang lumipas pero hindi manlang nagising!" doon na ako napa mulat sa narinig ko.
"Oh! si momo gising na!" Ani naman ni kokoy na nanlalaki pa ang ng ilong! kadiri! mamaya nyan mahulog yung mga kulangot nya.
"Hoy teh ibang klase karin eh no? tatlong araw kang tulog! ano ka? Nirape ng isang linggo ng walang gaanong pahinga at ngayon mo lang naisipang makapa--ARAY!" buong pwersa ko kasing sinipa si weng!
Raulong babaeng to! ako!? nirape ng isang linggo!? aba! swerte naman non! at tsaka wala namang pumapatol sakin kaya imposible rin.
Umayos na ako ng upo kahit masakit pa ang ulo ko "Shai..A-anong sabi mo kanina? T-tatlong araw akong t-tulog?" di maka paniwalang tanong ko.
"OO" Shaina/Jace/Weng/Kokoy---- Sabay-sabay nilang apat sinabi yan. tinaasan ko sila ng kilay.
"Kayo ba si shaina?" Pag tataray ko,Gosh! pano namang nangyaring tatlong araw tulog!?
"Oo nga pala, Y-yung lalaking sinakal ko? Asan nayon? Tumawag kayo ng pulis! may hawak syang baril nun! tinutok panga sa noo ko eh!" Sabi ko ng maalala sya.
"Oh?" Sabay-sabay nanaman sila.
"Oo tapos...TAPOS! TAPOS! TAPOS! WAAHHH! TINAWAG NYA AKONG CHEAP UGLY GIRL! PUNYETA SYA!" Nag hihisterikal kong sabi!
"Ah...Sya ba? umalis na, sya panga nag dala sayo dito eh. Teh ang wafu nya kyaahh!" Natigilan naman ako sa sinabi ni weng.
S-sya daw nag dala sakin dito? pero imposible yun..kung tumingin sya sakin ay parang demonyo sya..Isa pa tinutukan nya ako ng baril!