Zeina Lee Asteria Poin of view.
"HAHAHAHA! P*TA! LT KA ZEI! HAHAHA"Tawang-tawa na sabi ni kokoy. napa nguso ako.
Hindi ko nga alam kung bat nagalit si sir sakin kanina! Pinalabas nya ako sa classe nya tapos yung mga kaklase ko naman tawa ng tawa.
Wala namang nakakatawa sa sample ko eh, diba? Tama naman yung sample ko sa cancer diba? Eh bat nagalit si panot!?
Baka bobo kaya di na gets explain ko. kawawang panot. Ang ganda na nga ng pag kaka explain ko di parin na gets.
English ng lata CAN tapos yung tawag namin sakanya na SIR eh..katunog ng CER kaya in short non CANSIR! naiba lang ang spelling pero ganon parin yon!=3=
"Kita mona! kita mona! Ang lakas ng loob mong bobo-bobohin kami eh ikaw pala tong tanga! HAHAHAHA" nag tawanan naman silang apat.
Uwian na kaya ito kami..imbes na sumakay sa jeep nag lakad nalang sabi kasi ni Weng sayang daw pamasahe.
"Tama na nga kakatawa! Bwiset na mga bunganga yan lalong-lalo na sayo!" Dinuro ko si Shaina na napa takip sa bibig at pinan lakihan ako ng mata.
"Oii..wag mo ngang dinuduro ang baby ko" Halos mandiri ako sa tawag nya kay Shaina, at ang bruha! Halos mangisay pa sa kilig! G*go.
"Enebe honey~ Kinikilig tinggil ko eh~ mwehehe" Napapa ngiwi nalang ako. iniiwas ko ang tingin sa dalawa bago pa ako mag wala!
Pero agad ding napa poker face nang ang dalawa pang mag jowa ang nakita ko. Nag hahalikan ang dalawa habang nag lalakad!
"Wala pangang toothbrush nilalaplap na..partida nag lalakad pa kami nyan.." Bulong ko habang naka simangot.
Inirapan ko si Weng ng mag tama ang mata namin tsaka kinindatan ako ng bruha! Grr! gigil nyo ko ah! Sana madapa kayo! at sana lapitan ng bubuyog yung dalawa sa likod!
Napa tingin ako sa paligid. Puro mag kaka jowa ang nakikita ko! holeymaderopgod! Ipinapa mukha ba sakin na ako lang ang hindi nag kaka jowa!?
Inis na napapa kamot ako sa ulo ko tsaka binangga si kokoy na parang kakainin na ng buo ang bunganga ni Weng! Kadiriii!
"Ha! antayin nyo lang at mag kaka jowa rin ako-ARAY! P*TANG*NA KANG HAYOP KA!" Sigaw ko sa itim na kotse!
Kung makapag patakbo kasi akala mo may nakikipag karera sakanya! Tsaka panong di ako masasaktan! eh..natumba lang naman ako sa sahig dahil sa gulat!
Nanlaki ang mata ko ng biglang lumabas ang kamay ng nasa kotse nayon at pinakyu ako!!! "ABA'T!!! PAKYUUU KARINNNN PAKYUUUUU!!!"
Nang gigil kong sigaw! grrr! sira na nga aray ko dahil sa mga mag jowa nato tapos dumagdag pa ang Punyetang sasakyang yun! bwiset!
"Ayos kalang?"
"Malamang hindi! sinong tanga ang magiging maayos!? eh halos muntik na nya akong mabangga!" Nang gigigil na anya ko kay Weng.
"Arte sya na nga ang tinatanong.." Bubulong-bulong na anya ni weng. Hindi ko nalang sila pinansin! wala ako sa mood ngayon! badtrip ako!
***
"Ate!" Salubong sakin ni Zion, panis! ang ganda ng pangalan namin no? Ang kyut ng kapatid ko!! Kinurot-kurot ko pa ang pisnginya bago ko sya buhatin.
"Bakin Bunso? namiss mona agad si ate mong mala dyosa sa ganda?" Sabi ko. Tumango naman ito ng malaki ahg ngiti.
"Enebe nemen yen bunso~ Alam na ni ate yan eh.." Napa hagikgik pa ako, sheyt! sabi nga nila ang mga bata hindi nag sisinungaling! Kaya sheyt talaga!
"Ate..Asabi mama ushap Adaw kayu.." Bulol nitong sabi. tumango naman ako sakanya tsaka ko sya hinalikan sa cheeks.
Nakaka gigil! Anonkayang position ang pag kaka gawa nila mama at papa samin? Grabe ah! Nag lakad nalang ako papuntang kusina.
Lagi kasing nasa kusina si mama kaya walang duda na nandito sya. And..tama nga ako! ayun nag luluto.
"Mama, may sasabihin ka daw sabi ni bunso?" Napa lingon naman ito sakin. Ang ganda ni mama mana sakin..pero lamang ako ng 100%.
"Maupo kana muna jan Zei..matatapos narin itong niluluto ko" Ngiting sabi ni mama kaya sumunod nalang din ako.
"Si papa, ma? Asan?" Tanong ko habang tinatanggal ang sapatos at ang uniform ko at itinira ang sandong hapit sakin.
Napa pa ngiwi naman ako, Tumataba ba ako oh itong dede ko lang? Napa tingin ako kay mama. tinantya ko ang dede nya at sa dede ko.
Hmm..malaki ang kay mama pero bat parang mas lumalaki ang sakin? Hindi kaya may Cancer na-Ay tokwa ka zeina!
"Andun sa gulayan natin" Sagot ni mama sa tanong ko. napa tango nalang ako. Matapos maluto ang ulam ay agad na tinawag ni mama si papa.
Paradaw sabay-sabay na kami kumain. Nag umpisa kaming lumain na hindi manlang nag sasalita si mama. Sabi may sasabihin tapos wala naman pala.
"Ay mahal! Oo nga pala may sasabihin tayo kay Zeina" Tuwang-tuwa na sabi ni mama. Napa kunot na ang noo ko. Ang saya nya ah..
"Ikaw na mag sabi mahal sure akong matutuwa rin ang panganay natin" Sabi naman ni papa habang sinusubuan si bunso na inosenteng naka tingin samin.Ang kyut!
"Zei anak, Tumawag kasi ang tita mo. Sabi ng tita mo na dun ka nadaw mag aral sa maynila para-A-anak! Dahan-dahan kasi..oh ito tubig" Abot sakin ni mama ng tubig matapos kong mabulunan.
Matapos kong maka inom ay agad din akong kumalma tsaka sila tinignan ni mama na may nanlalaking mata! oo as in laki talaga ng mata!
"M-mama? Sure ka pong s-sinabi ni tita yon?" Paninigurado ko. Ngumiti naman si mama ng malawak! Bago sunod-sunod na tumango.
"Oo anak..sabi ng tita mo sya na daw ang bahala sayo" sabi ni mama kaya walang pag aalinlangan akong nag tatatalon sa tuwa!
Kyaaahh! Sa maynila na ako mag aaral! yipyyyy! Sa totoo lang mabait ang tita ko sa maynila. Isa pa mayaman rin pero ang problema wala silang anak dahil hindi na makapag buntis si tita.
Nag ampon yan sila ng anak pero ayun! Sakit daw sa ulo pero mabait naman kahit pasaway..babae rin yun pero boyish kung umasta at manamit.
"Haluh mama! pwede ko bang isama mga kaibigan ko?" Tanong ko, ngumiti naman si mama sakin kaya na excite ako!
"Tungkol dun ay pumayag ang tita mo para naman daw may kasama ka, may sarili na daw kayong tutuluyang mag kakaibigan" Sasobrang saya ay napa yakap ako kay mama.
"Nga pala mama kaylan daw ka-"
"Ang alam ko eh..bukas na daw" Nag iisip na sabi ni mama, Ano! bukas agad!
"Bukas agad mama!?" Di maka paniwalang sabi ko. tumango naman ito sakin habang may ngiti parin si papa naman ay tatawa tawa pa.
"Atat yung tita mo na makita ka eh" Kibit balikat na sabi ni mama, Napa iling nalang ako pero gusto ko nang mag tititili sa tuwaa!!