KIDD's POV Asan na ba siya? Kanina pa ko paikot ikot dito pero hindi ko siya makita, isa pa pareho silang na wawala ni Danrious. Pero mukhang kami-kami lang ang nakakapansin at hindi ang mga bisita. Nag-usap na ba sila? Nagkita at nagkaayos? Medyo masakit sa dibdib ‘tong na iisip ko pero anong magagawa ko? Hindi ko hawak ang puso ni Kaelynn at lalo na ang desisyon na pipiliin niya. Kagabi bago ang paghahanda namin sa party na ‘to ay kinausap ako ni kuya Daryl. Sinabi niya sakin ang tunay na plano ni Danrious, medyo na inis talaga ako nung una dahil sinakaniya niya lahat ng problema. Hindi niya kami sinabihan at pinagkatiwalaan pero para nga mas pulido ang pag acting niya ay kailangan pati kami madala at mainis sa kaniya. Oo sa totoo lang humanga ako sa kaibigan ko, pero na inis din a

