RUNO's POV Nasa loob kami ng sasakyan papuntang bahay nila Kidd. Tahimik lang kaming dalawa at medyo kinakabahan ako dahil sa katahimikan na ‘to. Gusto ko magtanong tungkol sa sususnod niyang plano pero masyado siyang seryoso, kabaliktaran ng pinakita niya sakin. "Dan okay ka lang?” Mukha akong tanga na nagtatanong kung ayos lang ba siya sa sitwasyon na ‘to. "Yes I'm fine. Just feel vexed.” kumunot ang noo ko. "Bakit?” Binigyan niya ko ng bored ng expression at ‘yung mata niya parang na pakasarcastic tumingin. "Cant you see? Ako ‘tong asawa mo tas ihahatid kita sa bahay ng ibang lalaki? Hindi lang ‘yun! best friend ko pa!” Medyo napatawa ako kaya pala. "Edi sumilip ka sa mga anak mo, hindi naman magagalit si Kidd hindi katulad mo masyado kang malisyoso.” sumama ang tingin niya sakin

