DANIEL's POV Sakay ng kotseng na tinted, suoy ay long sleeve na black, may sun glasses sa mata at puno ng sun block sa mukha. Iyan ang get up ko ngayon, kung ano-anong cream pa ang nilagay ko sa katawan ko na gawa ng mga bampira ngayon para lang malabanan ang araw ngunit kabado pa rin ako sa balak gawin ni Gabs sakin. Nagbibiro lang naman ako na gusto ko maligo sa beach pero mukhang tinutoo niya talaga ito. O balak niya lang talagang patayin ako para wala nang asungot at bumubuntot sa kaniya ngayon? Aba Gabs gamit na gamit mo ata ang pagmamahal ko sayo dahil kahit takot na takot ako sa katanghalian ay gagawin ko ito para sayo. "Ready ka na ba Senpai!" Sabi niya habang pinagmamasdan ang daan. "Hindi pa ko ready mamatay! Gusto ko pa magkapamilya tayo Gabs!" Tumawa siya at nakatingin l

