Chapter 25: Chance
ANG naalala ko lang noon ay madalas kong naririnig ang pag-iyak niya. Na noon pa man ay parang gusto ko na siyang lapitan pa, patahanin pero binabalewala ko ang mga nag-uudyok na iyon sa akin.
Dahil naisip ko noon, kapag hinayaan kong ipakita iyon kay Leighton, mas lalo akong masasaktan. Mas lalong ipamumukha sa akin ang ginawa niya.
Pilit ko ring binabalewala noon ang sinabi sa akin ng kaibigan ko, si Mark. Na dapat daw nasa tabi lang ako ni Leighton, dahil may sakit ang anak niya.
At ngayon, dalawang mata ko na ang nakasaksi sa paghihirap ng bata. Na kahit sinasabi na nila sa akin na kailangan nila ako, ngunit hindi naman ako nakinig, nanatiling sarado ang tainga ko.
So if Leighton resents me now, I believe I deserve it. I deserve every blame, every bit of her anger. Kasi hindi ba iyon din ang ginawa ko noon sa kan’ya?
Nagalit ako nang hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
“Hindi ka parte ng buhay namin para makialam pa, Leandro. Umalis ka na lang at mas mabuting huwag ka nang magpapakita pa sa amin.”
Agad akong umiling. Kahit sumbatan pa niya ako, o kahit saktan pa niya ako ngayon ay hindi ako susunod sa gusto niyang mangyari.
“I’ve been waiting for this chance, to see you again, Leighton. Please, let me make it right this time,” I pleaded. Hahawakan ko sana ang kamay niya nang may pumagitna sa amin.
“Stay away from my mom!” asik nito sa akin, ang maliit niyang daliri ay nakaduro sa dibdib ko. Napatingin ako sa mga mata niyang bahagyang nanlilisik na parang galit na galit din sa akin.
“Ashtin, come here!” sigaw ni Leighton.
“I don’t know who you are… but I’m not anybody else’s child. I’m only Daddy Noah’s baby! Kahit po ’lagi akong inuuto ng daddy ko ay siya pa rin ang gusto kong maging dad ko! Kaya po ikaw, ikaw, huwag ka pong mag-angkin ng hindi mo anak!”
Anak ba talaga siya ni Leighton? Anak nila ng lalaking iyon? Na kahit hindi niya kamukha ang bata, ang ugali nito ay alam kong nakuha sa kaniya. Sa tindig pa lang ng bata, sa panlilisik ng mga mata, ang matapang na aura niya. Shet, anak niya nga ito.
“Ashtine!” Isang babae naman ang nagmamadaling lumapit at hinila nito ang bata palayo sa akin. Napakurap ako sa sinabi nito kanina.
Ang sunod kong narinig ay umiiyak na ito. “Mommy, anak lang po ako ni Daddy Noah!”
“Leandro? Ano ba ’yang ginagawa mo? Tumayo ka nga. Pinapanood kayo na ng mga tao.” Kahit hindi ko lingunin ay alam kong boses iyon ni Annaliza.
Napatayo ako at alalayan ko na sana si Leighton, dahil nakaupo lang siya sa sahig. Nasa bisig pa rin niya ang anak namin, na ngayon ay nakikita kong maayos na ulit ang lagay nito.
“Huwag mo kaming hawakan, Leandro,” mariin na babala niya.
“Leighton, ako na ang bahala kay Astrid,” sabi ng babae, hindi ko siya kilala. Binuhat nito si Astrid at ang tingin ng anak ko ay nakapako sa akin. Halos hindi ko na rin iiwas ang tingin ko sa kaniya, ngunit humarang ang mommy niya.
“Leigh.”
“Naka-move on na ako, Lee. Naka-move on na ako sa mga pambabalewala mo noon sa akin, lalo na sa anak ko. Ayokong sumbatan ka to be honest, dahil baka lahat ng tinago kong hinanakit at sakit noon ay mailabas ko ngayon sa iyo. Iyong mga sinabi ko noon sa ’yo? Ang pag-aaway natin ay kulang pa iyon. Kaya huwag mo nang subukan pang lumapit pa sa amin. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa ’yo na lapitan kami ngayon, na kung bakit inaangkin mo na ulit na anak mo si Astrid. Pero utang na loob, huwag ka nang magpapakita pa sa kaniya. Hindi ka naman niya kilala.”
Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay tinalikuran niya ako. Mabilis na humarang ako sa dinaraanan niya. Hinawakan ko siya sa siko na agad niyang tinabig ang aking kamay.
“Leigh, I’m sorry... Nagkamali ako. N-Nagkamali ako na pinangunahan ako noon ng galit ko. Mas inintindi ko noon ang sarili kong nasaktan, dahil lang sa— Pero ngayon na-realize ko na ako ang nagkamali. Please, Leighton... Hayaan mo akong makabawi sa anak na—” Hindi ko na natapos pa ang pangungusap ko nang malakas niya akong sinampal.
Ramdam ko ang kirot na parang kumakalat hanggang tainga, at bago pa man ako tuluyang maka-recover, muling dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Mariin akong napapikit, pilit tinitiis ang sakit, ngunit kusa pa ring pumatak ang mga luha ko. Para akong binagsakan ng langit sa bigat ng pakiramdam, hindi ko na alam kung mas masakit ang pisikal na hapdi o ang sugat na iniwan sa puso ko pero ako naman ang dahilan.
“Anak ko lang si Astrid! Ako ang nagluwal sa kaniya, ako ang nag-alaga sa kaniya mula umpisa. Ako ang nagpalaki sa kaniya, ako ang nagpakain at nagpalipas ng lahat ng gabi na umiiyak siya. Wala kang karapatan na sabihin pa iyan sa akin, dahil sa lahat ng hirap, ako ang kasama niya. Ako ang kasama niya habang nakikita ko kung paano siya nahihirapan dahil sa sakit niya!Binigyan kita ng chance noon, Lee! Alam mo iyan! Nanatili ako sa condo mo, siyam na buwan.”
Malamig ang boses niya, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita, bigat na may halong hinanakit na ako mismo ang nag-ugat, ako ang dahilan. Parang bawat pantig ay tumatama diretso sa dibdib ko, mahapdi na parang sinasaksak ako ng patalim.
Halata rin sa mga mata niya ang matinding pag-aapoy ng galit. Halos mamula na ang mga iyon sa tindi ng nararamdaman niya. Ngunit ni isang patak ng luha ay wala akong nakita. At iyon mismo ang patunay na pawang galit lang ang nangingibabaw sa kaniya, galit na pinipigil, galit na matagal nang ikinubli, at galit na ako mismo ang pinagmulan.
And I’m the very reason why she became like this.
“Leigh...”
“Oo, inalagaan mo ako noong una. Pinagluluto mo pa nga ako noon, e. Pero simula nang pinanganak si Astrid, mas lalo kang lumayo, hindi ko na naramdaman pa noon ang presensiya mo. Anim na buwan pa ang lumipas, ni minsan ay hindi mo sinubukan na lapitan kami, makabawi man lang sa bata.
Ngunit bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang iyan na-realize na nagkamali ka rin? Ang haba ng panahon na ibinigay ko sa ’yo, pero sinayang mo lang iyon. You never tried. Maayos na ang buhay namin, Lee. Masaya na si Astrid. Magpasalamat ka na lang na malaki ang respeto ko sa daddy mo, at pinagbigyan ko siya na dalhin pa rin ng anak ko ang pangalan ng pamilya mo.
I can’t give you another chance, not after you wasted the time you could have spent making it right with us. Selfish ka, Lee. Nagkaroon ka pa ng girlfriend habang nasa poder mo pa kami ng anak ko. That’s why you don’t deserve another chance.”
Hindi ko na siya pinigilan pa, hinayaan ko na siyang umalis at ang tanging nagawa ko na lang ay panoorin ang paglayo niya, kasabay ng dobleng sakit ng nararamdaman ko.
“I’m sorry, Leighton...”
Pagkasakay ko sa kotse, agad kong sinara ang pinto. Pinahid ko ang luha ko gamit ang braso, pero hindi pa rin tumigil. Ang bigat sa dibdib, lalo na’t sa mga sinabi niya sa akin na ngayon lang nag-sink in sa utak ko.
Habang umaandar ang kotse palabas ng parking lot ng mall, tuloy-tuloy ang pag-iyak ko. Kahit pinilit kong kontrolin, kusang bumabagsak ang luha. Hinampas ko nang marahan ang manibela.
“Kasalanan ko lahat. Bakit ko ba hinayaan umabot sa ganito?” bulong ko. Pero kahi sisihin ko pa ang sarili ko, wala na akong narinig kundi ang sarili kong paghikbi habang palayo ako.
“I can’t give you another chance, not after you wasted the time you could have spent making it right with us. Selfish ka, Lee. Nagkaroon ka pa ng girlfriend habang nasa poder mo pa kami ng anak ko. That’s why you don’t deserve another chance.”
Alam niya, alam niya kung ano ang ginawa ko noon. Nanggamit ako ng iba para lang makaganti sa kaniya, at para lang makalimot sa mga sakit na ibinigay niya sa ’kin.
Alam niyang nagkaroon ako ng iba, ngunit hindi niya iyon isinumbat sa akin. Hindi siya nagsalita. Kasi ang alam ko lang noon, hinayaan ko siyang umalis. Na akala ko’y magiging okay na ako. Pero nagkamali ako.
Kung kailan nalaman ko na ang lahat, kung kailan handa na akong panagutan ang responsibilidad ko sa bata ay saka naman sila nawala.
Saka naman sila lumayo sa akin, dahil nasaktan ko sila. Sa tuwing naaalala ko iyon ay dobleng sakit lang ang nararamdaman ko.
Inihinto ko na muna ang kotse ko sa gilid ng daan, sumubsob ako sa manibela at umiyak na parang bata, iyong parang naagawan ako ng laruan.
Sobrang sakit pala harapin ang galit niya, naalala ko kung ano ang sinayang ko noon.